CHAPTER 36:

3.9K 121 6
                                    

Celes POV

Mukhang magkaka-War ng maaga dito sa Vampire World ah..

"sabi ko na nga eh. Nandito kayo! Sabi kasi ni mama kanina na mag-isa lang sya eh!" sambit nung babaeng kasama ni Cross

"Oh no iha.. Hindi alam ni mama mo na nandito kami. Sa katunayan iha. Hinahanap namin ang mama mo, pero mukhang iba naman ang nahanap namin.." sagot ni Grace habang sa kahulihang sinabi nya may galit na tono.

"po? Ano pong ibig nyong sabihin?" gulong-gulong tanong nung babaeng kasama ni Cross

"its a long story iha.. Pero ano nga bang ginagawa mo dito kasama ang Oracle na yan? At bumalik kana pala Celes" tanong at sabi ni Grace at tumango naman ako sa kanya.

Kaclose ko tong si Grace noon, bago pa man sya nagalit sa mga magulang ko.. She's like an older sister to me. Sampung taon ang agwat namin dalawa.

Pero ano nga bang connection nina Grace at ng babaeng kasama ni Cross?

"Sav. Siguro kailangan mo nang sumama sa amin, nang malaman mo ang lahat ng tungkol sayo, at nang tungkol kay Elviah." sabi ni Grace dito at kita ko naman ang pag-aalangan ng babae.

"Dawn.. Sumama kana sa amin.." sabi naman ng isa sa anak ni Grace.

Kita ko naman ang pagkalito at pag-aalangan nung babae. Mukhang hindi makapag-desisyon.

Nang akma syang lalapit sa kanila ng hilahin sya ni Cross palapit sa kanya. Mukhang ayaw payagan.

"Cross! Hayaan mo sya! Hindi mo sya pagmamay-ari!" pang-aasar ni Ivan kaya naman agad na nakatanggap ng masamang tingin mula kay Cross at hampas kay Eva.

"Wag mo syang pigilan. Sa akin sasama si Dawn." matigas na sambit ng anak na lalake ni Grace.

Ano to?

"I smell something fishy here. Or I smell love triangle here?" pang-aasar ni Ivan ulit.

*togsh*

And for the nth time. Ako naman ang humampas sa kanya. Pero kung kanina sa braso, ngayon naman sa ulo.

"she won't." matigas na sagot ni Cross

Syempre hindi magpapatalo ang Greyson.

"Dawn. Halika na." tawaf ulit ng anak ni Grace

Pero yung babae para talagang hindi makapagdecide.

"Sav. Hindi ka sasama sa kanila.." matigas na bigkas ni Cross

Hayyyy. Mukhang hindi matatapos to. Magkakagulo na nga, naisingit pa nila ang mag-agawan ng babae. Tsk

"ganito nalang. Ibibigay namin si Sav. Basta sa amin-- I mean sa akin yan anak nyong babae." singit ulit ni Ivan sabay tukoy sa babaeng anak ni Grace na ikinatingin namin lahat ng masama.

Epal talaga tong lalakeng to! Kung hindi ko labg kapatid to baka napatay ko na din to! Wala nang alam to kundi magloko! Well may ugali din naman akong ganyan konti.

"tumigil kayo." biglang sabat ni Ezrah.

"alam kong hindi maganda ang mga naging nakaraan ninyong magkakapamilya. Pero para sa ikauunlad ng mundo natin at para na din sa ikakaligtas ng babaeng yan, kailangan nyong magkasundo kagaya ng dati." mahabang paliwanag ni Ezrah

"NO! They killed my father!" galit na sigaw ni Grace na ikinakunot ni Dad

"We didn't kill your Father." matigas na sagot ni Dad

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon