CHAPTER 33:

3.8K 117 5
                                    

Cross POV

"Cross.."

"sh*t! What are you doing here?!" asar na tanong ko kay Celes.

I still don't want her. Si Eva okay pa, pero sya?? Parang wala syang magandang gagawin.

"Cross.. Wag ka naman ganyan.." sabi nito sa akin at agad ko naman syang sinamaan ng tingin.

"wag ka ngang pabigla-bigla! Bahay ko to! Hindi ka pwedeng tumapak sa teritoryo ko ng walang permiso galing sakin!" asar na sigaw ko at agad na tumayo.

Tumingin naman sya sa may paanan nya sabay tingin sa akin at ngumisi ito.

"without your permission? Oh really? Nakatapak na nga ako eh." pang-aasar nito sa akin. Imbes na sumagot ako ay sinamaan ko nalang sya ng tingin. Tsk! Mahirap na kasi pag pinatulan mo pa. Parehas na parehas sila ni Ivan eh! Mga ayaw magpatalo kahit talong-talo na.

"tsaka. Sino ba yan magandang tao na nakahiga sa kama mo?" tanong niya sabay nguso kay Sav na kasalukuyan tulog.

"It's none of your business! Get out of my house! NOW!" inis na sigaw ko

Pero imbes na umalis ay napatawa sya ng malakas.

Tsk! Bagay na bagay talaga na magsama tong babaeng to at si Ivan! Dahil parehas sila ng ugali! Lintek!!

"Is she you your Bloodline just what mom said??" nakangising tanong nito

"I'll repeat. It's none of your business. Get of my house, if you still want to live." matigas na sabi ko na ikinaatras nya.

"tsk. You really are a monster. But so am I brother.. Ang mga panganay at bunso, sila talaga yung mga totoong halimaw." ngising sabi nito sa akin sabay talikod at bago pa man sya umalis ay may huli pa itong sinabi.

"Basta mag-ingat ka lang. At humanda ka sa dadating na Blood moon. Mom already told you about the prophecy, right?" sabi nito at kasabay nun ang pag-alis nya.

Hindi ko talaga ineexpect na may kapatid kaming hundred years nang nabubuhay. Tsk! But still! Ayoko pa din sa kanya!

***
Celestina POV
(Celes)

Tsk. Wala talagang respeto ang batang yun sa akin! Psh. Kung hindi ko lang talaga kapatid yung Cross na yun, baka napatay ko na sya! Kung bakit kasi nagkaanak sina Mom at Dad ng mga demonyo kong kapatid! Isa din yung Ivan eh! Saksakan ng kapilosopohan! Buti nalang talaga yung si Eva medyo matino pero saksakan din sa kamalditahan pag nakaalala.

Pero buti na din at nasasabayan ko ang mga iba't-ibang ugali nila.

"Celes.."

Napalingon naman ako sa tumawaf sa akin at nakita ko dun sina Mom at Dad.

"Yes?" cold na tanong ko

Wala eh.. Ganito ako makitungo sa kanila magmula nung trahedya 499 years ago..

"may bagong propesiyang sasabihin si Ezrah.." malungkot na sagot ni mom at tumango nalang ako bilang sagot sa kanila.

Agad din naman akong sumunod sa kanila. Nasa kwarto kasi ako ng main mansion. Wala akong sariling mansion, hindi kagaya ng mga kapatid ko na may sari-sarili silang mga bahay.

Syempre nung umalis ako dito pa ako nakatira nun. Ngayon bumalik ako, syempre dito pa din ako nakatira. No choice eh. Nasa human world ang bahay ko.

Pagkarating namin sa sala ay sumalubong sa amin si Eva kasama yung Oracle.

Hmmp. Hindi ko talaga aakalain na buhay pa tong si Ezrah. Nung bata ako nakikita ko na sya, but still hindi din sya tumatanda. Syempre! Ano pa bang ineexpect natin sa isang bampira na nga, Oracle pa!

"it's good to finally meet you again Princess Celestina after 499 years.." nakangising bati ni Ezrah sa akin.

Yeah! Eto ang first meeting namin mula nung bumalik ako dito. Nung nasambit nya ang first prophecy, pabalik palang ako nun dito.

"just tell me already that fvcking prophecy." matigas na sabi ko na ikanangisi ni Ezrah, pagkatapos nun ay bigla nalang namuti ang mga mata nito at sakto naman ang pagdating ng dalawa ko pang kapatid na sina Ivan at Cross.

So iniwan nya yung babae sa bahay nya???

Maitim na kalangitan,
Maitim na balak.

Pagsilip ni kadiliman,
Labing-walong buhay iya-alay.
Alay na bubuhay.
Bubuhay sa panibagong prinsesa.

Malapit na.
Humanda na.
Pagdating ng Dugong buwan,
Sila'y dadating.

Agad din bumalik si Ezrah sa dati at napangisi.

"Seryoso talaga yung babaeng yun na babalik ah.. Hayyy.." sambit ko habang napapailing

"I don't get it.." sabi naman ni Ivan

Napatingin naman ako sa kanya ng nakakaloko.

"hindi mo talaga magegets kasi ambagal ng memorya mo." pang-iinsulto ko kay Ivan.

"tumahimik ka nga tanda." pagpapatahimik ni Ivan sa akin habang ngumingisi

Tss! Porket hundred years ng nabuhay matanda na! Hindi naman halata sa mukha! L*tche tong batang to ah!

"tumigil na nga kayong dalawa. Hindi ako maka-concentrate dito." asar na angal ni Eva.

"Okay." walang emosyon na sagot ko

At napaisip din ako sa sinabi ni Ezrah na kasalukuyan nakatayo sa harap namin ng parang istatwa.

"sandali.." sambit ni Eva habang pinipisil-pisil ang kanyang labi kung kaya naman ay napunta sa kanya attention namin.

"Celes. Diba sabi mo anim na estudyante ang nawala sa eskwelahan mo, at anim din na estudyante ang nawala sa Sounthern part ng Vampire world?" seryosong tanong ni Eva sa akin at tumango naman ako bilang sagot ko sa kanya.

"At lima naman dito. For the total of 17 student. Ang sabi sa propesiya labing-walo o 18 ang iaalay.. Isa nalang ang kulang para makumpleto ang labing-walong alay. At ano nga ulit ang sinabi dun sa huli?? 'bubuhay sa panibagong prinsesa??'" sabi ni Eva habang patanong sa huli nya binanggit..

Wait? Panibagong Prinsesa?? Don't tell me...

"the Princess of all the Royal Blood. The only daughter of Vlad and Almira.." nakayukong sagot ni mom.

Sh*t!!!! This can't be!

"Sino sina Vlad at Almira???" takang tanong ni Eva.

Napabuntong hininga muna si mom bago nya naisipan sagutin ang tanong ni Eva.

"They are the King and Queen of the whole Vampire world." nakayukong sagot ni mom na ikinagulat ng mga kapatid ko. Even sina Ivan at Cross at nagulat sa nalaman.

"so that means. Etong tinatapakan natin ngayon ay hindi natin pagmamay-ari?!?! At ang tinatapakan ng mga taga-Sounthern part ay pagmamay-ari rin ng mga bampirang nabanggit mo?!?! Ma?! Pa?!" galit na sigaw ni Eva

"lower you voice Eva." matigas na sagot ni dad na may halong pagbabanta.

"pinanganak kami ng walang kaalam-alam sa nakaraan ninyo! Now explain to us everything! Kung paano napunta sa ganito!" galit na sigaw ni Eva.

Pero imbes na sumagot sina mama at papa ay tumahimik nalang sila.

Tss. Tatahimik na naman sila tapos hindi ipapaalam ang totoong nangyari!!

Napahawak muna ako sa noo ko baggo sumagot. Kasi mukhang walang talaga silang balak kaya ako nalang ang magsasabi.

"The Pureblood vampire killed their whole family. Mom, Dad including the the whole clan of the Collin.." tipid na sagot ko pero alam kong naintindihan na nila ang ibig kong sabihin.

Dapat lang na malaman nila kung gaano kasama ang mga magulang namin.

*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*
Hi readers!

What can you say about this part???

-Mysterious
(01-02-18)
----------
Don't forget to VOTE and COMMENT..

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon