CHAPTER 29:

4K 112 8
                                    

Sav's POV

It's been a while.. At namiss ko ang lugar na ito.. I'm back..

"ano na kayang nangyari dun kay Eva?" napaisip bigla si Ivan na parang nang-aasar yung boses

Hah? Bakit?? May dapat bang mangyari???

"omo! We almost forgot about Princess Eva!!!" tarantang sigaw ni Ayumi

"may problema ba???" takang tanong ko sa kanila

"talagang may problema Sav! Paniguradong pinaparusahan na sya ngayon! Kasi sinalo nya ang lahat ng parusa! Hindi kasi kami pinayagan ng King at Queen na pumunta sa timog pero dahil sa sobrang pag-aalala namin sayo ay gumawa na ng paraan si Princess Eva para makaalis kami!" mahabang natataranta pagpapaliwanag nito sa akin

What the hell?! Nang dahil na naman sa akin may napapahirapan na naman?! Una si Cross, pangalawa si Grant! Tapos pangatlo si Princess Eva! Eh baka naman may pang-apat at panglima pa?!

Akmang tatakbo ako nung pigilan ako nina Zeon at Ayu...

"Oh bat nyo ako pinipigilan ngayon?! Kesa yung magsasasalita kayo dyan! Eh kung gumawa na tayo ng paraan para mapigilan yung pagpaparusa kay Princess Eva!" asar na sabi ko sa kanila at akmang tatakbo nang pigilan ako ni Cross

"kami na ang bahala dito ni Ivan.. Hindi nyo na kailangan pang makealam.." cold na sabi ni Cross

Sila? Kelan pa nagkasundo ang dalawang to?

Pero hindi pwede!

"no! We got oursleves involved here.. Lalong-lalo na ako, dahil ako naman ang puno't dulo nito.. Kaya sasama ako.." matigas kong sagot kay Cross

Sasagot pa sana si Cross nung sumingit si Ivan..

"hayaan mo sila kung gusto nilang sumama.. Tutal totoo naman na sya ang may kasalanan ng lahat.." ngising singit ni Ivan

"And we also didn't forced you to come with us, so shut up.." cold na sagot ni Cross sa kapatid nito at napairap nalang si Ivan

Tsk! Kahit sobra ko pang namiss ang lalakeng to! Talagang praprankahin ko to para lang hindi ako pigilan sumama!

"pwede ba Cross! Hindi ikaw ang masusunod dito.. May sari-sarili kaming utak.. Hindi mo kami kailangan utusan na wag sumama.. Bakit? Ano ka ba namin? Prinsipe ka lang naman.. Pero that doesn't mean na ikaw na ang masusunod.." matigas na sagot ko kay Cross na ikinatawa ni Ivan ng mahina, habang si Cross naman napangiwi nalang at napatingin nalang sa akin ng malamig.

Hoooooh.... Grabe! Buti kinayanan ko yung tingin nyang malamig..

"bahala kayo." cold na sagot ni Cross at nagsimula nang maglakad papunta sa mansion at sumunod naman kami.

Kahit mga Vampire Prince kayo kung beast mood ako, talagang di ako magpapatalo!

***
Nang makarating kami sa harap ng mansion ay napatigil ako.

Ewan ko ba.. Ibang-iba ngayon ang aura ng mansion na to..

Yung kaninang tapang ko sa pagpunta dito ay napalitan ng takot. Haist! Saviahna! Puro kalang salita!

"planning to back-out?" ngising tanong ni Ivan na parang nang-iinsulto na ewan.

Psh.

"N-Never!" tapang-tapangan kong sagot

At nung papasok na sana ako ay naramdaman ko ang paghila ni Ayu sa damit ko, kaya naman napalingon ako at kita ko sa mga mata nya ang takot at kaba. Habang si Zeon naman parang chill lang pero ramdam kong kinakabahan din to..

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon