CHAPTER 47:

3.5K 118 3
                                    

Valerie's POV

"anak. Ano nang plano mo ngayon?" tanong ni mama at napakunot at napaisip naman ako sa tanong nya.

Lintek na mga pureblood to!!! Tsk!!! Kasalanan naman nila lahat to!!! Kung hindi lang nila pinatay ang buong angkan ko!! Edi sana hindi dadating sa puntong ganito!!! Ok aaminin kong sakim kami!! Pero sana hindi na sila nakealam pa at sumunod nalang sila!!! Dahil isa pa!! Bago sila! Mas nauna pa kami!!!

"JUST. KILL. THEM!! I WANT THEM DEAD!!" galit na sigaw ko at napasipa na din ako upuan na nasa harap ko at tumilapon naman ito dahil sa lakas ng pagkakasipa ko.

"Valerie. Pare-parehas tayo ng gusto. Ang patayin sila. Pero alam mo naman na hindi ganun kadali yun." sagot ni Papa habang nakatigtig sa mga mata ko.

"I know!" galit na sigaw ko kay Papa na ikinataas ng isa nyang kamay na akmang sasampaling ako pero binawi nya din agad ito saka tumalikod.

"Ikaw ang dahilan ng muli namin pagkabuhay Valerie. Pero hindi ibig sabihin nun ay mapapasunod mo na kami ng ina mo. Ina at Ama mo pa din kami. Sa amin ka nanggaling kaya matuto kang gumalang sa pinanggalingan mo." malamig na sagot ni Papa habang nakatalikod na ikinapikit ko ng mariin.

Matapos nun ay lumabas sya ng kwarto ko, at kami nalang ni mama ang naiwan sa loob ng kwarto habang nakatitig ng mariin sa akin.

Hanggang sa napaupo nalang ako at napahawak sa bandang dibdib ko dahil ramdam ko ang matinding kirot at sakit sa bandang dibdib ko. Grabe ang sakit!

"Valerie? Okay ka lang ba??" tanong ni mama sa akin at tumango nalang ako.

"I'm fine. Basta gumawa kayo ng paraan para mahuli ang nga lintek na pangahas sa buhay natin! Kung kailangan na gamitin nyo ang mga walang kwentang Rouges para lang mahuli sila?!?! GAWIN NYO!! At kung kaya nyo silang patayin?!?! PATAYIN NYO!! at kung hindi man?!?! Ako mismo ang PAPATAY sa kanila!!! Ipaghihiganti ko ang buong angkan natin!!" galit na utos ko at napatango nalang si mama bago lumabas ng kwarto.

Kung noon ako ang sunod-sunuran kay mama, ngayon naman sya tong sunod ng sunod sa akin. Pero si Papa? Talagang mas mataas ang sungay nun sa akin at ayaw magpaibabaw sa akin! Well hayaan na nga! Ama ko pa rin naman sya kahit papaano.

"ARGHH"

lintek! Ansakit talaga!!! Bwisit!! Ano bang nangyayari sa akin?!?! Ayos pa naman ako kanina ah!! Anong nangyayari ngayon?!?!

Hanggang sa nakarinig ako ng kalabog sa baba at kasabay nun ang biglaabg pagpasok mama sa kwarto ko at naghahabol ng hininga dahil na rin siguro sa pagmamadali nya.

"ANAK!! NANDITO NA SILA!! SUMUNOD KANA LANG!!" sabi nito at hindi na ako hinintay pang sumagot at lumabas na ito agad ng kwarto ko.

Tsk! They're getting into my nerves!!!

Padabog naman akong tumayo dahil syempre! Panibagong paghaharap na naman sa mga pangahas na mga Pureblood at mga kasama nito!!!

*BLANG*
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"SH*T! LET GO OF ME YOU MONSTERS!!!"

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon