CHAPTER 46:

3.6K 109 5
                                    

Valerie's POV
(Saviahna)

Tsk. Talagang nagpaingay pa talaga sila ah.

Nagcross arms naman ako sa harap ng mga bampirang kinamumunhian ko ng lubos at tinaasan ko sila ng kilay.

"Sa tingin nyo? Sa pagpapasabog at pagkakalaya nyo masusugpo nyo na kami??" taas kilay kong tanobg sa kanila.

"Saviah--"

"I TOLD NOT TO CALL ME THAT STUPID NAME!!!" sigaw ko saka sila sinamaan ng tingin ang bunsong anak ng mga Greyson na si Cross na ikinasama ng tingin nya sa akin.

"kung hindi ikaw si Sav. Sisiguraduhin kong aalis ka dyan sa katawan nya." matigas na banta ni Cross na ikinatawa ko

"Ako? Paaalisin mo? Don't you know that I also own this body? Hindi mo din ba alam na iisa lang ng Saviahnang yun?" taas kilay kong tanong.

"Hindi kayo magiging isa. Dahil kung ikaw man si Saviahna. Hindi nya magagawang manakit ng iba." malamig na sagot ni Grant na anak naman ni Grace.

"oh really?" taas kilay kong tanong.

Kaasar sila! Balak pa nila akong dispatyahin! Eh kung unahin ko kaya kayo!

"wrong move nung sinabi mong natutulog si Saviahna." biglang sabat ni Eva na ikinataka ko.

Anong wrong move dun? Totoo naman talaga na natutulog ang babaeng yun ah!! Tsk!

"hindi ko inaakala na ang tinaguriang anak nina Almira at Vlad na isang Prinsesa ng mga Royal Blood ay saksakan ng KATANGAHAN!" pang-iinsulto ng isang Celes na biglang lumitaw na ikinainis ko ng sobra.

Kelan pa dumating to dito?!?! Tsk! Kahit kailan talaga bwisit tong babaeng to!!!

"you told us that Saviahna is sleeping into you. So all we need to do is wake her up, at sya na ang gagawa ng paraan para mapaalis ka. Dahil nabuhay nga si Saviahna na wala ang kalahati nyang katauhan, paano pa kaya pag tuluyan ka nang nawala." sabat na naman ulit ni Eva na ikinangisi ko at ikinainis ko na din.

Tsk!

"if she can defeat me." sabi ko at tumalikod na sa kanila pero bago pa man din ako makalayo sa kanila ay nilingon ko pa sila at nang-iwan ng matamis na ngiti.

"KILL THEM!!!" sigaw ko at nagsimula nang gumalaw ang mga tagasunod ko. Bago kami lumisan nina mom at dad sa lugar na iyon at dumeretso sa mansion namin.

***
Celestine's POV

kahit kailan talaga! Mga sakim ang magkakapamilyang ito!!

Eto kami ngayon at kinakaharap ang mga tagasunod nito.

Pero ibang-iba ang mga ito kumpara sa mga Rouges na kinalaban namin kanina.

Agad naman nilang tinanggal ang mga mahahabang tela na nakabalot sa kanila na ikinagulat namin.

Mapupulang mga mata, at mga matutulis na mga pangil. Bakit pati sila nabuhay?!?!

"ma? Pa? Kilala nyo ba sila?" tanong ni Eva na ikinatango ko.

Paanong hindi ko sila makikilala.

"sila ang mga angkan ng mga Royal Blood na pinaslang na namin ng matagal na panahon. Na muling nagbabalik." sagot ko habang nakatitig sa kanila ng mariin.

Pero mukhang wala na to sa mga sarili nila. Dahil sa mga tingin at postura nila ay pawang kinokontrol na lamang. Kagagawan lahat to ng anak nina Almira at Vlad!!

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon