CHAPTER 26:

4K 110 10
                                    

Ayu's POV

"alam mo iniisip ko kung ano na ang ginawa ng mga Collins sa babaeng yun." sabi ni Prince Ivan na halatang inaasar si Cross pero si Cross dedma lang.

"naalala mo diba may anak na lalake ang mga Collin? Yun ang sabi ng ina natin nung mga bata pa tayo at gusgusin ka pa?" pangungulit ni Prince Ivan sa Cross na wala naman pakealam

"mas gusgusin ka nun, kaya tumahimik ka." cold na sagot ni Cross

Mukhang alam ko na susunod dito pag di pa sila tumigil.. Hayy naku.

"Nevermind." sagot ni Prince Ivan sabay irap kay Cross

Oh kita nyo? Si Prince Ivan yung nauna pero sya pa ang naunang naasar..

"As I was saying, diba may anak na lalake ang mga Collin na halos kaedad mo lang?" tanong ni Pronce Ivan

Hindi ko alam ang tungkol sa mga Collin, pero meron nga ba? Tsaka nabanggit din kanina ni Princess Eva yung tungkol sa anak na babae ng mga Collin.

Ang alam ko lang kasi ang mga Collin ay ang isa sa mga namumuno sa Vampire World. Kung saan, ang mga Greyson ang namumuno sa Hilaga at ang mga Collin naman sa Timog.

"Oh tapos?" cold na tanong ni Cross sa kapatid nito

"malay mo.. Bampira din yun ah.. Pureblood din kagaya natin. Pitong araw na magmula nung makuha sya, baka pinagpyepyestahan na ang dugo ng babaeng yun.." pang-aasar ni Prince Ivan kay Cross

"subukan lang nila.. At uubusin ko ang buong lahi nila.." cold na sagot ni Cross kay Prince Ivan at napatawa to sa kinaroroonan nya ng mahina

Tsk! Ano bang nakakatawa? Kaasar tong Prinsipeng to! Tingin nya ba nakakatawa ang mga sinasabi nya??? Pag iniisip ko nga na mauubusan ng dugo si Sav nang dahil kay Cross o sa kanya, parang gusto ko ng pumatay, kaso syempre baka ako pa ang mauna. Paano pa kaya pag nalaman ko na naubusan na ng dugo si Sav nang dahil sa mga Collin na karibal ng mga Greyson! Shete! Baka mas gugustuhin ko nang ako yung maubusan ng dugo kesa sya! Eh ni hindi ko nga alam kung anong klaseng mga bampira ang mga Collin eh!!!

Napatigil naman sa paglalakad si Prince Ivan at lumingon sa akin ng may nakakatakot na tingin.

Hala! Bakit kaya?!

"tss better know how to close your mind noble. Dahil pag nagkataon, baka hindi mo maramdaman na nakahiwalay na pala ang ulo mo sa katawan mo.." banta sa akin ni Prince Ivan na ikinakaba at ikinatakot ko kaya naman habang naglalakad kami ay napayuko nalang ako dahil sa takot.

"pasensya na po sa mga nasabi nya.." paghingi ng tawad ni Zeon na kasalukuyan nasa tabi ko

"she should be.." malademonyong sagot ni Prince Ivan

Matapos nun ay nagpatuloy kami sa paglalakbay. Hanggang sa marating namin ang isang lawa kung saan kailangan mong tawirin upang makarating ka sa timog..

"So paano Cross?" tanong ni Zeon

"mukhang malayo to ah.. Hindi kakayanin pag nilangoy natin.." preskong sabi ni Prince Ivan habang nakatanaw sa kabilang pangpang

"u-uhm.. Lawa naman to.. I-Imposible namang walang bangkang nagkalat dyan.." nauutal na sagot ko

Oo utal na utal pa rin ako hanggang ngayon dahil sa takot kay Prince Ivan. Talagang tumatak na sa utak ko na may taning na ang buhay ko. Isang pagkakamali ko lang maari na akong mamatay.

"kung sabagay.. Malay nga natin meron.. Ginagamit mo din pala ang utak mo noble.." preskong sagot ni Prince Ivan na may halong pang-iinsulto

"subukan nating maghanap sa bandang yun.." sabi ni Zeon sabay turo at tumango naman kami este ako lang pala.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ramdam kong nakatingin si Prince Ivan sa akin mula sa likod..

Naku! Naku! Ayoko pang mamatay!

Napatigil naman kami sa paglalakad nung may makita kaming bangka kaya naman napatakbo kami papunta doon.

Nang makalapit kami ay chineck ni Zeon kung nasa tama pa ang bangka, mahirap na baka may sira tong bangkang to at lumubog pa kami sa kalagitnaan. Pero mukhang ayos pa naman yata to..

"okay to.." sagot ni Zeon

Agad naman kaming sumakay sa bangka at pinaandar ang motor nito at nagsimula ng gumalaw ang bangka.

Habang nasa bangka kami ramdam ko pa din ang mga tingin ni Prince Ivan na nasa harap ko ngayon.

Grabe! Hindi ako komportable sa ganito! Para ako natetemp na tumalin sa may lawa at tuluyan nang malunod para hindi ko na makita pa si Prince Ivan na sobrang nakakatakot ang tingin. Kasi kahit nakangiti sya, nakakakilabot pa rin sya..

"For once Ivan. Stop pestering her and leave her alone." cold na sabi ni Cross na ikinawala ng kaba ko

At natawa naman si Prince Ivan sa sinabi ni Cross..

"pati ba naman sa noble na yan ipagdadamot mo sa akin Iven? Madaya ka!" mapaglarong sabi ni Prince Ivan na ikinataas ng balahibo ko sa katawan dahil sa kilabot

"could you stop calling me Iven. I'm Cross." cold na pagpapaalala ni Cross

"nagsawa na ako kakatawag sayo ng Cross kaya Iven naman ngayon." natatawang sagot ni Prince Ivan

"tss just leave Ayumi alone, get it? If don't? You're free to go back." cold na sabi ni Cross kay Prince Ivan na ikinangisi niya.

"sige na nga.. Pagbibigyan na naman kita ngayon ulit.." sagot ni Prince Ivan pero hindi pa rin nawawala ang ngiti nyang may balak

Nakakatakot.
Nakakakilabot.
Nakakamatay.

Yan ang mga bagay na masasabi mo pag nakasama mo si Prince Ivan. Oo gwapo sya, at lahat ng pisikal na anyo nasa kanya na, kumbaga nasa kanya na ang perfect feature.. Pero yung ugali nya lang kasi.. Nakakaano!

"pag nakatawid na ba tayo sa lawang to.. Malayo pa ba ang lalakbayin natin??" pag-iiba ko ng usapan pero mukhang walang balak sumagot tong mga kasama ko

"ano nga?" tanong ko ulit

Napansin ko naman naglabas ng mapa si Zeon.. At tinuro kung saan ang kinaroroonan namin which is sa lawa at tinuro nya yung dapat na pupuntahan namin..

"bale yan gubat na yan ay sakop na ng timog kaya naman pag nakalabas tayo sa gubat na yan ay nakapasok na tayo sa main na teritoryo ng mga Collin.. Kaya konting lakad nalang ay makakarating na tayo sa dapat nating pupuntahan." pagpapaliwanag ni Zeon at napatango naman ako.

*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*
Hi readers!

What can you say about this part???
Anong masasabi nyo kay Prince Ivan?? Any reaction about him?


-Mysterious
(12-08-17)
----------
Don't forget to VOTE and COMMENT..

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon