CHAPTER 34:

3.8K 108 10
                                    

Eva's POV

I still can't believe na magagawa nina mama yun. Na magagawa nilang ubusin at patayin ang pamilyang yun nang dahil lang sa hindi nila gusto ang pamamalakad nila.

*FLASHBACK*

"The Pureblood vampire killed their whole family. Mom, Dad including the the whole clan of the Collin.." tipid na sagot ni Celes

Na ikinagulat ko.. Why would they kill them???

"but why??" takang tanong ni Ivan

"Oh ma! Bakit daw?! Sumagot kaya kayo! Nang malaman nila ang katotohanan!" taas kilay na sabi ni Celes kina Mom and Dad

"tumahimik ka Celes!" asar na sigaw ni Dad kay Celes

"just tell us already what fvcking happened before." cold na sambit ni Cross.

"okay. Okay. Para hindi na kayo magtatalo-talo pang mag-aama at mag-iina, ako na ang sasagot sa mga tanong nyo." biglang sabat ni Ezrah kaya naman napunta sa kanya lahat ang attention namin habang sina Mom and Dad naman ay napaupo nalang sa sofa at kita ko sa mga mukha nila ang pagsisisi.

"499 years ago nang magkaroon ng trahedyang tumatak sa amin mga nakasaksi. Ang Royal blood noon ang namumuno sa buong Vampire World. Kahit na magkapantay ang Pureblood at Royal Blood ng lakas noon ay ang angkan ng mga Royal Blood pa rin ang namuno dito, dahil sila ang nagpasimula sa pagtayo ng Vampire World na ngayo'y nahati na sa dalawang panig. Pero sakim ang mga Royal Blood sa kapangyarihan. Laging kinakawawa ang mga mabababang uri ng mga bampira, may araw nga nun na laging may namamatay dahil sa pagpapahirap ng mga Royal Blood sa mga mababang uri ng bampira. At hindi ito nagustuhan ng mga Pureblood Vampires which is Queen Celestine, King Evan, at King Gordon ang ama ng kasalukuyan Queen sa kabilang panig. Gumawa sila ng plano sa pagpatay sa buong angkan ng mga Royal Blood at pinangunahan nilang tatlo ito. At dahil marami sa mga hindi sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga Royal Blood ay marami silang naging kasapi upang pabagsakin ang buong angkan nila." bumuntong hininga muna si Ezrah bago ituloy ulit ang kwento.

"At nangyari nga. Saktong nung araw din na iyon ay ang paglitaw ng Blood Moon. Pinaslang sina Vlad at Almira ng inyong ama at ina nung araw na yun ,habang ang kaisa-isa nilang anak na babae ay ginawang alay sa ilalim ng buwan. Na ako ang mismong sumaksak sa kanyang puso." nakayukong tuloy ni Ezrah na ikinatakip ng bunganga ko gamit ang kamay ko dahil sa gulat.

"at yun nga. Nagtagumpay ang mga magulang mo, ngunit nasawi sa labanan si King Gordon. Na isa sa dahilan kung bakit nahati sa dalawa ang Vampire World. Dahil yun ang hinangad na mangyari ng anak ni King Gordon at kapalit sa buhay ng kanyang ama. Pinamunuhan ng mga magulang nyo ang Northern part, habang pinamunuhan naman nina Queen Grace ang anak ni King Gordon at si King Travis ang asawa nito ang timog na bahagi ng Vampire World. Sobrang namunghi si Queen Grace sa mga magulang mo, dahil hindi nila nagawang iligtas ang kanyang ama." pagpapatuloy ni Ezrah ng kwento.

"pero anong ibig sabihin yung linyang 'bubuhay sa panibagong prinsesa'?" gulong-gulong tanong ko

Napatingin naman sa akin si Ezrah, pero hindi naman nagtagal ang tingin nya dahil napatingin din ito sa ibang direksyon.

"bago namatay ang Prinsesa, ang anak nina Vlad at Almira ay sinumpa nya na babalik sya dito. At babalikan nya ang mga nanira sa kanila." sagot nito habang nakatitig sa kawalan.

So this is it? Eto na ba yung araw na babalik sya? Eto na ba?

Hindi dapat ako nagalit kina Mom at Dad, dahil ginawa lang naman nila yun para matigil na ang kasakiman nila. Pero hindi ko din masisisi kung sobra-sobra ang pagkasuklam ng babaeng yun sa mga magulang ko. Dahil mahirap din ang pinagdaanan nila. Dahil para silang trinaydor ng mundo dahil sa nangyari.

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon