CHAPTER 38:

3.9K 113 8
                                    

Sav's POV

Eto ako ngayon at kasalukuyan nakaupo sa kwarto ko. Wala naman kaming ginawa buong araw kundi manood, kumain at magswimming. Bawal daw kasing lumabas eh. For my safety daw??

Tapos tong si Cross grabe kung makadikit! Ni ayaw ipalapit si Grant sa akin!!

Tapos yung pakiramdam na nakukuryente ka kapag malapit sya sayo!!! Errrrrr..

Nang dahil sa feeling na yun, hindi na ako nagiging komportable na kasama si Cross.. Whenever we're close to each other, yung puso ko parang hindi mapakali dahil sa sobrang bilis ng tibok nito!!! Ewan ko ba kasi kung anong trip ng lalakeng yun!

Tapos isali mo pang puros mga pureblood ang mga kasama ko dito sa bahay na binili nila! Sana nandito sina Ayu at Zeon. Mas lalo tuloy akobg hindi mapakali dito habang alam kong naiwan sina Ayu at Zeon doon para ayusin ang gulo.

Hindi ko pa rin matanggap ang lahat. Na isa akong instrumento. Na wala na si mama. At mas lalong hindi ko matatanggap kung may mangyaring hindi maganda sa mga taong malapit sa akin.

Kung pwede lang itago ko sila sa loob ng damit ko para lang maprotektahan sila gagawin ko! Pero baliktad ang sitwasyon eh. Ako yung prinoprotektahan nila. Isa lang naman akong hamak na tao nung una. Bakit ako napunta sa sulitwasyon ito??? Wala naman akong ginagawang masama.. Pero bakit ganito ang nangyayari sa akin at sa paligid ko?? Hindi ko gusto to.. Kasalanan ko bang nag-exist ako??? Pag di ba ako nabuhay wala kayang ganitong mangyayari???

"it's not you fault. So stop crying."

Halos mapalundag ako sa gulat nang may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa may veranda ng kwarto ko. At hindi ko man lang napansin na napaluha na pala ako kakaisip sa mga nangyayari.

"Paano mo nasabing wala akong kasalanan?" tanong ko dito habang pinupunasan ang mga luha kong patuloy na lumalabas.

Tuluyan nang pumasok si Cross sa kwarto ko at naupo sa gilid ng kama ko.

"Kasi hindi mo naman ginusto to. At kahit wala ka. Mangyayari-mangyayari pa rin ito. Malas mo lang kasi ikaw ang naging instrumento." cold na sagot nito sa akin na ikinayuko ko.

Siguro nga tama sya. Na malas ako.

"pero kahit na ganun. Hinding-hindi ko hahayaan na makalapit sayo ang dating reyna ng buong Vampire world. Poprotektahan kita hangga't kaya ko." sagot nito sa akin. Ewan ko ba kung imahinasyon ko lang ito o ano. Pero concern ba talaga sya sa akin?? O ginagawa nya lang to dahil sa utos ng mga magulang nito at ng Oracle?

Pero hindi ko mapigilang umasa na sana ay concern nga talaga ito sa akin. Evn though napakacold nito sa akin ay nagagawa nya pa din nyang pabilisin ang tibok ng puso ko. Kailangan ko na yatang magpacheck-up?

At isa pa. Even though na hindi magkadikit ang mga balat namin, bakit nakukuryente pa din ako?!?!?! Ano bang klaseng kapangyarihan meron tong lalakeng to at nagagawa nya ang mga bagay na ito sa akin?!?!

"uhm. Ano.. Bakit?" nahihiyang nakayukong tanong ko dito. At ngayon ko lanh napansin na tumigil na pala ang luha ko sa paglabas.

Napatingin naman ito sa akin sa mata sa mata..

OMG!!!

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon