CHAPTER 21:

4.5K 121 4
                                    

Ayumi's POV

Kanina ko pa napapansin na tahimik tong si Sav at parang walking dead or walker to.

Kasi naman sobrang tamlay tignan, parang di nakatulog kagabi at isama mo pa ang mugtong mata nya na ewan ko ba kung epekto ng puyat o umiyak lang???

Eto kami ngayon, kasalukuyan papunta sa school. At tong walker na kasama ko di man lang makaramdam na naririndi na ako sa katahimikan namin..

Sana may magdilang anghel na dumating at magsasasalita dito, kasi pag ako ang nagsimulang magsalita tapos etong walker na Saviahna ang kasama ko, baka akalain nilang baliw ako dahil baka akalain nilang nagsasalita ako mag-isa, kasi hindi halatang kasama mo ang walker na to sa sobrang walang pakealam sa mundo.. Lutang eh.

"Good Morning!" biglang bungad ng isang angh-- demonyo naman tong bumungad! Hindi naman anghel!

"Oh bakit parang nairita ka nung makita ako??" nakangiting tanong ni Zeon

Sinamaan ko naman sya ng tingin bago sumagot..

"sabi ko kasi sana may magdilang anghel ang dumating, hindi magdilang demonyo.." sagot ko sabay roll eyes sa kanya

Natawa naman sya sa sagot..

"Umagang-umaga President Ayumi Rhian ang-init-init ng ulo, tapos nakakunot pa ang mga noo mo.. Bahala ka.. Ikaw din kukulubot ang mukha mo dyan at papanget.." pang-aasar sa akin ni Zeon

Agad ko naman syang hinampas ng malakas sa braso bago sumagot..

"G*go! Tumahimik ka kung ayaw mong sipain ko yan sandata mo!" kunot noong pagbabanta ko kay Zeon

Agad naman nyang tinakpan ang parte ng zipper ng pants nya at umiling, kaya naman agad ko ulit syang binigyan ng hampas sa braso..

Nang mapansin nya si Saviahna ay lumapit ito at kinulit..

"Hi Sav! Good Morning!" bati nya rito pero dedma lang tong si Sav

Pfft. Hahaha!

"Yuhooo Sav!!" pag-aagaw ng pansin ni Zeon kay Sav sabay sway ng kamay ni Zeon sa harap ng mukha ni Sav pero dinedma lang ulit ito ni Sav..

Grabe! Natatawa ako sa expression ni Zeon tuwing dinededma ito ni Sav HAHAHA parang naluging negosyante na wala naman pera. Gets nyo?

"Anong nangyari dito? Bat dedma lang sya?" takang tanong ni Zeon sabay turo kay Sav

"malay ko dyan.. Di nga rin ako pinapansin eh.." sagot ko na may pagkahalong pagsusungit

"tapos mukhang wala pang tulog to babaeng to.. Oy ikaw tong kalapit ng dorm nya, anong nangyari dito?" takang tanong Zeon ulit

Napataas naman ako ng kilay bago sumagot..

"paulit-ulit? Malay ko nga kung anong nangyari sa kanya.. Tsaka kahit magkalapit lang dorm namin hindi ko alam kung anong nangyari dyan.." taas kilay kong sagot kay Zeon

"kung sabagay.. Tulog mantika ka eh. Pag nasimulan mo nang matulog mahirap ka nang gisingin." natatawang sagot nito sa akin kaya naman agad syang nakatanggap ng sapak mula sa akin.

Napahawak naman to sa mukha nya kung saan ko sya sinapak at manasahe nya ito.

"Ayumi naman.. Hampasin mo nalang ako, wag yung sapakin mo yung gwapo kong mukha.." angal nito kaya agad ko ulit syang sinapak sa mukha

At nung aangal sana ulit sya ay napansin nyang parating si Cross galing sa daan papunta sa mansion nito.

"Oy Cross! Kaya pala wala ka sa dorm mo kaninang hinahanap kita! Hindi ka pala dun natulog!" bungad ni Zeon kay Cross kaya naman napatigil ito at napatingin kay Sav

Napatigil naman sa paglalakad si Sav at napatingin sa gawi ni Cross..

Huh? Anong meron???

"oh ano? Magtititigan nalang ba kayong dalawa dyan? Tapos ano? Lalapit ang isa sa inyo tapos unti-unti kayong lalapit sa isa't-isa then magkakahalikan kayo? Hoy walang kayo sa drama! Kaya tumigil na kayo sa pagtititigan dyan at malelate na tayo!" sabi ko sa dalawa na ikinatawa ni Zeon

Napatawa ko si Zeon, so joker na ba ako nun?

Agad din naman bumalik sa tuliro ang dalawa at itinuloy ang paglalakad.

Pero habang papunta kami ay walang pansinan ang dalawa.. Ewan ko kung bakit..

Haist!

"Hala. Mukhang late na tayo ah.." natatawang sabi ni Zeon sabay turo sa pinto ng classroom namin na sarado

"eh bat masaya ka pa dyan??" taas kilay kong tanong

Hindi na sya sumagot pa at kumatok then binuksan nya ito. At bumngad ang prenteng nakatayong sir Dex Falcon na kasalukuyan nagdidiscuss..

Nang mapansin nya kami ay napatingin muna sya sa amin bago sumagot.

"As always.. Late na naman.. Kelan ba kayo magbabago? Mga parte pa naman ng student council." umiiling na tanong sa amin ni Sir Dex

"Sorry sir.. Kasalanan ni Ayu yan sir.. Kung hindi ko lang sana sya hinihintay lagi edi sana maaga akong pumapasok.." sagot ni Zeon kay Sir Dex na halatang-halata na inaasar nya lang ako

Agad ko naman tinapakan ang paa nya at ngumiti nalang kay sir Dex at umiiling nalang si sir pabalik...

"ms. Raven are you okay? You look pale and sick?" nag-aalalang tanong ni Sir Dex kay Sav

Pilit naman ngumiti si Sav bago sumagot.

"Ayos lang po ako.." sagot ni Sav

Agad din kaming pinaupo ni sir sa mga upuan namin matapos sumagot ni Sav.

Tinuloy naman ulit ni sir ang pagdidiscuss habang tong si Sav nakatingin lang sa kawalan..

Ewan ko ba kung anong problema ng babaeng to. Ni hindi ko mabasa ang nasa isip nito kasi totally close ang isip nya.

****
Nandito kami ngayon ni Zeon sa canteen at kasalukuyan kumakain.. Wala dito ngayon si Sav, sabi nya kasi di sya nagugutom eh. Pinilit pa rin naman namin syang sumama pero talagang ayaw nya eh, kaya iniwan nalang namin sya sa classroom. Habang si Cross naman, nang matapos na ang second period namin bigla nalang daw naglaho si Cross sabi ni Zeon. Kaya eto kami ngayon ni Zeon kumakain ng kaming dalawa lang..

"alam mo hindi ako sanay na ganun yung dalawa" biglang sambit ni Zeon habang kumakain

"ako din naman.. Ewan ko dun sa dalawang yun kung anong nangyari sa mga yun.." sagot ko naman

Kain lang kami ng kain nang biglang sumulpot si Cross sa harapan namin na tarangtang-taranta..

Napataas naman ako ng kilay..

"oh? Anyare sayo??" taas kilay kong tanong

"where is Sav??" tarantang tanong ni Cross

"nasa room malamang.. Hindi sya gutom kaya di sya sumama sa amin.." sagot ko

Narinig ko naman yang napamura. Kaya naman nagtaka ako kung bakit ganito sya umasta..

"bakit? May problema ba?" takang tanong ko at napatingin naman sya ng matalim sa akin na ikinatakot ko.

"My problem is Sav! Sav is nowhere to found! Wala sya sa room! Kaya nagbakasakali ako na baka kasama mo sya!" galit na sagot ni Cross na ikinakaba ko naman

"baka naman bumalik sya sa dorm.." nag-aalalang sagot ko

"i've been there! Pero wala sya!" galit na sagot ni Cross na talagang sobrang ikinakaba kona

Kung wala sya sa room, wala din sya sa canteen, at wala din sya sa dorm.. Asan sya??? Wala naman ibang pupuntahan yun kundi doon lang..

*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*
Hi readers!

What can you say about this part???
Nasaan kaya si Sav?

-Mysterious
(12-03-17)
----------
Don't forget to VOTE and COMMENT..

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon