CHAPTER 16:

4.5K 144 10
                                    

Sav's POV

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kahapon, yung pagkawala ni mama.. At yung ano...

O///////////////////////////O

Haist!!!

"oy Sav! Bat ka namumula dyan??? May lagnat ka ba???" tanong ni Ayu

"wala noh!" sagot ko

"eh bat ka namumula?? Sinsbukan kong basahin yan nasa isip mo pero sarado eh.. Sus! Kelan mo pa natutunan isarado ang isip mo??? Tsaka may kasalanan ka pa sa akin... Nagbonding kayo ni Cross sa out of Academy! Di mo man lang ako sinama!" bulyaw nya sa akin

"ah basta! Tsaka sorry na din kung di kita nasama.." sabi ko

Sakto naman dumating si Sir Dex na seryosong-seryoso ang aura...

"ms. Raven sumama ka sa akin.." seryosonh sabi ni Sir Dex

Nagtaka naman ako kung bakit kailangan kong sumama kau sir, pero di na ako nagtanong pa at sumama nalang..

Habang tinatahak namin ang daan kasama si Sir Dex ay nakaramdam na naman ako ng kakaibang pakiramdam... Tinahak naman namin yung daan king saan puros puno at napatigil naman ako at napalingon naman sya...

"uhm sir.. Ano po bang gagawin natin dyan??" tanong ko

"gusto kang makausap ni Queen Celestine.." seryosong sagot ni Sir Dex

Ahhh okay... Sumunod naman ako kay sir..

Malayo na ang nalakad namin.. Nasa loob pa naman kami ng Academy pero malayo na sa pinanggalingan namin kanina...

At napalingon naman si sir Dex sa akin at linapitan ako.. Pero yung mukha nya seryosong-seryoso pa rin... Hanggang sa unti-unting naglaho ang mukha ni Sir Dex...

O_________O

Si sir dex?!?! Naging yung lalakeng tumangy kay mama!!!! Kaya pala iba ang pakiramdam ko kanina pa!! Hindi pala si sir dex to!!!

"anong kailangan mo sa akin?!?!?!" galit na sigaw ko

Agad naman syang lumapit sa akin at hinwakan ang baba ko..

Nanigas ako dahil sa hawak nya.. Ewan ko pero parang naparalyze ako nung hawakan nya ako..

"hindi ba pwedeng magpakilala muna tayo sa isa't-isa..." nakangising sabi nya

Nang bitawa nya ako ay naupo sya sa harap ko..

"huwag kang mag-alala miss.. Hindi ko sasaktan ang magiging future wife ko..." nakangising sabi nya at sinamaan ko lang sya ng tingin at naupo din sa harap nya...

At pinitik nya ang kanyang kamay at may kung anong energy ang naramdaman ko...

"naglagay ako ng barrier para hindi tayo maistorbo ng kung sino man at para hindi ka nila matrack.. Ngayon magpakilala ka.." sabi nya

"Savianah Urzia Raven.. 15 year old.. 4th year highschool..." pagpapakilala ko

"Savianah?? What a gorgeous name.. Pero mas prefer ko ang tawagin kang Dawn..." sagot nya sabay ngisi

"Dawn??? Ni hindi ko nga pangalan yan tapos yan ang ipapangalan mo sa akin.. Oh well bahala ka.. Tsaka ayusin mo nga ang makipag-usap sa akin! Ngisi ka ng ngisi eh! Para kang nang-iinis!" angal ko

"haha okay! Sorry.." sabi nya habang natatawa..

Infairness may itsura tong mokong na to..

"and also!! Saan nyo dinala ang mama ko?!?!?!" kunot noo kong sigaw

"easy ka lang.. Magpapakilala muna ako, bago ko sagutin yan.. I'm Grant Terrence Collin, a vampire prince..." pagpapakilala nya

Wait?? Vampire prince??? Sya??? Eh ang alam ko lang na Vampire prince eh sina Ivan at Cross..

"iniisip mo bang yung dalawang magkapatid na lalake lang ang Vampire prince?? Pwes nagkakamali ka.. Sa buong Vampire World nahati ito sa dalawang lugar.. Ito ang lugar ng mga Greyson at ang mga lugar ng mga Collin... Pagmamay-ari nila ang North part, pagmamay-ari din namin ang souyh part.. Hindi ba nila nasabi yun???" mgiying paliwanag nya

"kung ganun... Isa ka din pureblood vampire???" gulat na tanong ko

"oo tama ka.." nakangiting sagot nya

"pero ang alam ko sila nalang ang natitirang pureblood sa buong Vampire society.. Tsaka kung ganun hindi sina Queen Celestine at King Evan ang Queen at King ng Vampire world???" takang tanong ko

"kasasabi ko nga lang diba?? Nahati nga..." sagot nya sabay roll eyes

Aba masungit din to noh!

"ayts! Wala na akpng pakealam dyan! Balik tayo sa tanong ko.. Nasaan ang mama ko?!?!?! Ligtas ba sya???" inis na tanong ko

"lah naman.. Wag kang masyadong hot.. Tita Elviah is fine.. She's okay.. And she's with us..." sagot nya

Parang nabunutan ako ng isang tinik sa puso pagkarinig ko ng sagot nya..

"pero bakit nyo ba kasi sya kinuha?? Anong dahilan???" tanong ko

"she was attack by unknown creatures, nandun lang kami ng kapatid ko para protektahan sya, dahil sa utos ng ina namin.." sagot nya

"pero bakit kailangan nyong protektaham si mama?? Ano nya kayo??" tanong ko

"mom said tita Elviah was her step sister.. Pero bigla nalang syang umalis nun sa mansion.. At ang dahilan hindi namin alam.. Pero diba sabi mo mama mo sya??" tanong nya at tumango naman ako

"nung nasabi ng ate ko kay mama ang tungkol sa anak ni tita Elviah, which is you ay nagtaka si mama... Pinatignan nga ni mama ang buong katawan ni Tita Elviah, habang di pa sya nagkakamalay nun, but no signs na nagkaroon sya ng anak at nanganak sya.. So why would you be her daughter eh tita Elviah is still virgin???" paliwanag nya

Pati ako naguluhan sa mga sinabi nya.. Totoo kaya ang lahat ng mga sinabi nya???

"pero anak nya ako.. Sa paglaki ko sya na ang nasa tabi ko.." naguguluhang sagot ko

"ang isa pang pinagtataka namin ay magkaka-anak sya ng isang taong kagaya mo???" sabi nya

Oo nga naman... Bampira si mama, tao lang ako.. Pero kahit anong sabihin pa netong lalakeng to, mama ko pa rin sya!

"i don't know! Okay?! Hindi ko alam!! Basta ang alam ko lang! Ina ko sya!! And i want to see her! Kasi gulong-gulo na ako sa pagkatao ko!! Kailangan kong makita si mama para iexplain ang lahat ng nangyayaring ito!!" bulyaw ko sa kanya

"for now Dawn.. Wag muna.. Wag kang mag alala.. Idadala din kita dun.. Pero for now wag muna.. Napag-utusan lang akong alamin ang tungkol sayo.. Pero paggising na paggising nga mama mo, saka kita idadala dun, kasi hanggang ngayon ay tulog pa sya dahil sa mga natamo nyang malalalom na sugat.. Pero stable na sya, at paggising nalang nya ang hinihintay namin.. Okay??" paliwanag nya

Ewan ko pero parang dapat ko syang pagkatiwalaan...

"for now, ilihim mo muna ang tungkol sa pagkikita natin at ang mga napag-usapan natin.. Nga pala tawagin mo nalang akong Terrence.." sabi nya at bigla nalang syang naglaho

*.*.*.*.*.*.*.*.*.*
Ano nga kaya si Savianah?? Sino ba talaga sya???

~~
Hey guiz!!

Don't forget to VOTE and COMMENT in this Chapter..

FOLLOW me also

Thank you sa mga readers ko!!😊😊😊 i owe you a lot guiz..

-jRv

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon