CHAPTER 44:

3.5K 112 4
                                    

Trinity's POV

Nandito na kami ngayon sa harap ng isang naglalakihan mga pader na bato at sa taas nito ay may malaking butas. Eto na yata yung lugar kung saan pinatay ang prinsesa. Sa wakas! Nakarating din kami!

Agad kaming pumasok at pagpasok palang namin ay nakita na namin ang katawan ni Sav na kasalukuyan walang malay, habang ang kamay at paa nito ay nakakadena at nakahiga sa stone tomb na nasisinagan ng buwan..

"SAVIAHNA!!" tawag ni Cross sa pangalan ni at akmang tatakbo ito nung pigilan ito ni Tita Celestine.

At sakto naman ang paglabas ni Tita Elviah. Pero hindi. Katawan lang to ni Tita Elviah, pero hindi sya iyong nasa loob nito.

"Isang magandang pagbati sa mga naggagandahan at nagwagwapuhan kong mga bisita. Magandang gabi. Narito ba kayo upang saksaihan ang muling pagkabuhay ng aking magandang anak?" nakangising bati sa amin ng babae.

"Almira." matigas banggit ni Tita Celestine sa pangalan nito

Pagkabanggit naman ng pangalan nito ay napangiti ito ng nakakaloko. Kitang-kita ang mga matutulis nitong mga pangil at nang mga namumulang mga mata nito.

"Celestine. Napakatagal na mula nang huli tayong magkita. At isa ka lamang hamak na tagasunod ko noon." ngising sagot ni Almira kay Tita Celestine

"Nasaan si Travis!!!" galit na sigaw ni Mama sa kanya.

Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan ang tungkol kay papa!!!

"Where's my Dad?!?!" galit na sigaw ko din.

"oh.. Maghunos dili kayong mag-ina. Mamaya nyo na muna sya makakaharap. Binabati ko palang kayo eh. Kumusta naman ang unica iha ni Gordon na ngayon ay nakahimlay na?" taas kilay na tanong ni Almira kay mama at hindi pa ron nawawala ang ngisi nito sa kanyang labi.

Akmang susugurin sana ni mama si Almira nang pigilan ito ni Grant.

"Hahaha! Angaling! Kumpleto kayong lahat dito! Hahaha! Ay sandali.." sabi nito at inisa-isa nya kaming tinignan.

"...nasaan si Celestina?? At di ka man lang umimik dyan Evan.. Hindi mo man lang bibigyan bati ang inyong reyna??" sabi ni Almira na sinasabayan pa ng malademonyo nyang tawa.

"stop this sh*t Almira!" galit na bulyaw ni Tito Evan kay Almira na ikinahalakhak nito.

"sumpa ito ng aming magandang anak! Hahaha! Baka nakakalimutan mo?? Hindi na sana kami mabubuhay pa muli kung hindi dahil sa galit at binitawan sumpa ng aming anak." sagot ni Almira sa amin at itinaas ang hintuturo nito at hinawakan ang labi nito na parang nag-iisip.

"Pero.. May magandang dulot din ang ginawa ng aming anak. Atleast..." napangiti muna ito bago ituloy ang sasabihin.

"makakapaghiganti kami sa pagpatay nyo sa buong angkan namin!" gigil na sigaw ni Almira kasabay nun ang pagtalikod nya sa amin.

"SANDALI!" napatigil naman ito sa paglalakad nung kunin ni Ezrah ang atensyon nito.

"hmm?" nakangising taas kilay ni Almira kay Ezrah

"Kung ganun. Sino si Sav??? Kaninong anak ba talaga sya??? Saan sya nanggaling???" sunod-sunod na tanong ni Ezrah dito. Napansin ko naman na napapapadyak ng malakas si Cross dahil sa gigol nya kay Almira. Gusto ko na don syang sugudin pero kailangan naming mag-ingat at hintayin pa ang mga iba. Oo! Yung iba! Sina Celes, Clint, Rena, at Ayumi..

"Oh! Nandyan ka pala Orakulo! Hindi man lang kita napansin!" naggugulat-gulatang sambit ni Almira.

"Tungkol sa tanong mo. Ang babaeng nakahiga dyan ngayon ay galing mismo sa dugo at laman namin ni Vlad." nakangising sagot ni Almira na ikinagulat namin.

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon