☆ Tune Six :: goodluck

25 1 4
                                    

(Shaina)

Salita dito, salita doon. Ang ingay! Para akong nasa palengke ngayon. Kasi naman pagkatpos mag-details ni sir Mat dun sa Fest ayun lahat sila naging aso (madaldal).

Ang fest ay gaganapin dito sa school, magkakaroon ng different kinds of booth not in the quadrangle or gymnasium dahil hindi kasya ang booth ng lahat per room. So napag desisyonan na dito nalang sa loob ng mga rooms. Hindi rin namang magiging empty ang quadrangle magagamit yun for those students na maghihikayat sa mga ibang students from different schools and different places, ang gymnasium naman gagamitin yun sa last day ng fest parang closing na, may tutug tug, sasayaw and other entertainments. Ang masama pa doon kaming Trio Magnifico ang na-assign para tumugtug in that day kami rin daw bahala sa decorations and so on.

Pinagtataka ko lang saan ba sila naka kuha ng pondo para dito? Libro sa library, at clinic nga wala eh itong fest na 'to pa kaya naasikaso nila?! Parang nang iinis lang sila eh noh?.

"Shhhh!! Quiet! Okay ngayon pag-uusapan natin kung ano ang gagawin ng class niyo"

"Sir ako may alam ako!" Sigaw nung si Marvin yung siga sa room na akala mo ay pag-aari ang lahat.

"Ano yun?"

"Sir disco bar!" Sabay tawa. Mga ulol talaga sila baluktot na nga ang utak sa pag-aaral maging sa ideya pa ba?

"Seryoso 'to Marvin, dito sa feast na 'to naka salalay ang grade niyo sa akin, kung bagsak kayo sa academics atleast may hihila manlang ng grade niyo pataas."

"Ah, sir!" Nagtaas ng kamay si Raille mahinhing babae, mabait, thoughtful at maganda hindi siya tulad nung ibang babae na malalandi siya yung disenteng babae, pero sa kasamaang palad mahirap din siya katulad namin, nakita ko nga siya nung isang araw dun sa bakeshop malapit sa bahay part-time niya daw doon.

"Sir how about caffè? Or something sweet shop"

"That's great Raille, sinong payag doon sa sugestion ni Raille?"

Walang nag nag taas ng kamay kaya caffè na ang gagawin namin. Pero nagtaas ako ka agad ng kamay magtatanong lang ako.

"Sir, kung caffè po ang gagawin ng class, saan naman po kukuha ng pondo? Sa isang caffè, we need to buy coffee's, pastries, sugar and kitchen utensils. We need also cloths, and costumes for the waitress of the caffè, and i believe that you know the status of our school. Our school is the POOREST school in town, and are you sure that someone will come?"

Napatahimik silang lahat sa sinabi ko, bakit? Totoo naman eh yung dalawa yun walang reaction i know naman na parehas lang ang utak naming tatlo, basta pera ang usapan. Ngumiti si sir sa akin.

"Don't worry about that, and it's not on the status, if we are poor it doesn't mean to we're not going to have our school festival right? Our school festival is held after five years, and i'm sure that we have enough money for that. We teachers are responsible for the materials no need for the students to spent money for this activity. All you need to do is enjoy and participate this is your grade. Well it's already time good bye class!"

Yun lang yun, umalis na siya. Tsk. Umupo ako ng may inis sa mukha hindi ko alam kung saan ako naiinis basta ayoko lang, parang kasing nagsasayang sila eh, pero at the same time may point si sir, hindi porket mahirap kami wala na kaming karapatang mag school festival.

Paano kung walang dumating?

Edi nagsayang pa sila ng pera at pagod.

"I-ayos mo nga yang mukha mo para kang nalugi sa perya" sabi ni Emmy na hanggang ngayon ay nganga. Si Lexa ayun bored ang mukha at kanina pa lutang ang utak niyan 'di siya kumain kaninang umaga eh, hindi naman sa walang pagkain ulit pero wala daw siyang gana.

"Tsss.." yan lang sinabi ko at tumahimik. Isang araw na lecture dito at doon. At ngayon last subject na ang ENGLISH.

"So, for now let's have a game it's called answer me"

Finorm niya naman ang class into circle tapos may nilagay siya sa gitna na isang box.

"As you can see we have a box in the middle, well this game is just easy you only need is go in the middle pick one paper inside the box and answer the question. One by one okay"

Nagsimula kami sa mga grupo ng lalake, nagbunutan sila may mga hindi naka sagot may naka sagot din naman kahit papaano pero ang naka pukaw ng atensyon ko ay ang tanong na napunta kay Kenneth.

"What word is 100 percent?"

Nakaka puzzle yung tanong. Word that is 100 percent? Lactum? Alam niyo yun yung gatas ng bata diba 100 percent yun. XD

"So what word is 100 percent?" Pang-ulit ni ma'am.

"Ma'am pass nalang di ko alam eh"

"Okay anyone of you knows what is the 100 percent word?"

Nagtaas ng kamay si Emmy at sumagot ng ATTITUDE. Inexplain din naman ni Emmy kung bakit attitude pero di ko sasabihin sa inyo.

(Dedicate ko ang next chapter sa makakapag explain kung bakit ATTITUDE  ang 100 percent  dapat tama! :D)

Nagtuloy-tuloy ang tanungan hanggang umabot sa akin.

Okay here's my question.

"Do you agree that only rich people are in the private school?"

Ayos talaga ang and tanong sakto sa estado namin dito sa public school.

"No, why? Because not only rich people can attend to private schools. In Private schools they need money, brains, good attitude and good appearance. But specially you need is brain, even though you're not as rich as the worlds richest man but you have the brain that they need well you can pass to private school and become a scholar."

Pumalakpak si ma'am sa akin at kinuha yung box na wala ng laman i'm the last one talaga. Tama naman yung mga pinagsasabi ko diba? Pero parang mas bagay na sabihin ko yun sa harap ni Lyka. Wala lang napasok ko lang siya sa usapan kasi naman bagay sakanya yun eh, wala na nga siyang utak eh, pera lang ang ginamit niya para maka pasok sa private school na yun.

Nagpa alam na si ma'am at nagsi uwian na kami. Kasabay ko yung dalawa as usual naman diba? Salita sila ng salita tungkol sa school festival ako naman tahimik lang walang imik. Ayokong magsalita parang na-drain yung laway ko at tuyong-tuyo ang lalamunan ko kaya walang salitang lumalabas.

Pagkarating namin sa bahay may nadatnan kami sa harap ng pinto na box. Ulit?

Nakasulat to: that girl  with S

With S? Shaina? Ako ? Tinignan lang ako nung dalawa parang sinasabing buksan mo na! Mas atat pa sila kaysa sa akin kung magbukas.

Pumasok muna kami tsala namin binuksan. Walang laman kundi isang piraso ng Papel na may naka sulat.

'Good luck'

Yun lang? As in yun lang?! Kay laki ng box yun lang ang laman sinong hinayupak naman kaya ang nantri-trip dito. At para saan yung goodluck na yun? Tsk. Mga tao ngayon walang magawa sa buhay!

Pinabayaan ko nalang at gumawa ng homework at nagreview para sa chapter quiz namin sa sa makalawa. Mahirap ng bumagsak.

------

:) (comment niyo ang sagpt niyo kung bakit 100 percent ang ATTITUDE nakuha ko lang yun sa kaibigan ko eh.

vote and comment po. salamat po! )

:D

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now