☆ Tune Twenty Seven : New Nature

14 0 0
                                    

[ina]

"This is your room Emmy, sa kabila is Lexa at ang nasa gitna ay kay Ina. P'wede niyo ng iligpit mga gamit niyo jan. At pag tapos na kayo punta na kayo sa kusina for lunch."  

Tumango kami kay manager Carrie bago siya umalis, nag si pasukan na kami sa mga kwarto namin. 

Ang akin ay simple lang, light blue medyo malawak naman at kasya ang tatlong kama dito. pero pinaghiwa-hiwalay pa kami. Malawak at malaki ang pinag lipatan naming bahay, medyo mas malawak lang sa condo ni Chanak. Inayos ko na sa cabinet ang mga damit ko at nilibot ang buong kwarto. May sariling banyo na light blue ang tiles maging C.R ganun din ang kulay. Nahiga ako sa kama at pumikit. New house, new school, new world, new life. 

Natapos na rin ang paper transfer naming tatlo at bukas na kami magsisimula sa new school namin, na sana ay madali lang. 

Ang sabi rin ni manager ay i-enjoy namin ang mga araw na nakaka labas kami ng walang nangugulo dahil pag naipalabas na kami sa T.V  ay tapos na ang lahat, lagi na kaming may bantay. 

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto nag diretso na ako sa kusina, naabutan ko sila doong nagkwe-kwentuhan habang kumakain. Great ni hindi manlang ako hinintay. 

"Oh, ina, kain na" 

Tumango ako kay manager at kumain na rin.

"So bukas na kayo magsisimula  ipapadala ko nalang ang uniforms ninyo dito para hindi na ninyo kailangan pang bumili sa school, ang uniform niyo ay special made, pati ang schedule at sections ninyo ipapadala ko na rin sa driver bukas."

"Sections? " -  pagtatanong ko.

"Ah, oh yes nga pala, sa Antel academy kayo mag-aaral, sa tingin ko naman ay alam niyo ang school na 'yun hindi ba? That's an idol school best for the three of you, bihira lang na may magtransfer doon kasi tumatanggap lang sila ng students if they pass the enrance exam pero sainyo kasi ay nasa entertainment world na kayo kaya p'wede kayo doon kahit transferee lang. It's a dorm school pero sainyo uuwi kayo dito for good. Sa school na 'yun doon mahahasa ang talento ninyo at p'wedeng doon na rin kayo mag debut if ever. Pero next year pa 'yun." 

Antel Academy, sounds familiar pero okay na rin. 

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano at as usual mga hobbies ang other personal matters that can affect our entertainment life. Manager Carrie also settled some rules after going to work. So we're all alone again. Big house, three person to live. 

 ------------

"Emmy, akin ata 'yan eh hindi magkasya 'tong uniform na 'to sa'kin."  Sabi ni Lexa kay Emmy habang walang suot pambaba at tanging underwear niya lang ang kanyang suot. Oh well pare-parehas naman kaming mga babae eh so ayos lang na wala kaming suot maliban sa underwears namin. May mga ganun din kami noh!

Nagpalit sila ni Emmy at pagkatapos ng ilang minuto pa ay handa na kaming umalis. Nagsidamputan na kami ng mga bag at lumabas ng bahay saktong naabutan namin ang driver ni manager na naghihintay doon, black suit at black shades, edi siya na ang whole black. 

Oh, forgot to mention cute ang uniform namin it's a mini skirt, red with black checkered skirt, white blouse, black blazer and a necktie the same color as the skirt. Para siyang anime type. *O* 

(see picture,---->) 

"Good morning ma'am's"  Bati niya at binuksan ang pintuan, pumasok naman  kami at tahimik na naka-upo lang habang siya naman ay nag dra-drive. Hindi naman sa hindi ako comfortable dito sa sasakyan pero, hindi lang ako comfortable na hindi nagda-daldal ang driver kasi alam niyo na kapag si Chanak ang maghahatid sa amin ay puro siya reklamo kaya nasanay na ako doon. Wala yatang dila itong driver ng manager namin eh. 

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now