☆ Tune Thirty Four

11 1 0
                                    

(Lexa) 

Peste siya! Peste! 

'Di manlang niya ako naisip! Peste! Wala siyang kwenta! 

Isang taon akong naghintay sakanya, isang taon na walang balita sakanya, tapos malalaman ko sa pamilya niya na babalik na pala siya next month. At hindi ko iyon alam. -.-

Nasabi na sainyo nila Ina at Emmy ang tungkol sa ugali ko diba? 

Naging ganun lang naman ako dahil sakanya eh, napaka walang kwenta niya, sabi ko sakanya, lagi niya akong balitaan ng kung anong tungkol sakanya, ano pa't naging bestfriend niya ako dito? Walang silbi rin lang kung wala akong nalalaman tungkol sakanya. Kaya hayun pinag husayan ko ang pag-aaral para maging isang magaling na singer para sakanya. 

T^T  Sobra miss ko na siya. Wala namang namamagitan sa amin eh.. ano ... bestfriend lang turingan namin sa isa't isa, kaya hindi naman siguro masamang ma-miss ko siya at mag-react ako ng ganito diba? Naging masama pa tuloy ang tingin sa akin ng iba. Nagmumukha na akong masama ng dahil sakanya. 

*tok tok* Lumingon ako sa pintuan at tumingin ng masama sa pumasok. 

"Bakit?!" 

Si Emmy lang pala. 

"A-ano... May pinadeliver akong pagkain, nasa kusina na. Kumain ka nalang kung gutom ka. May pupuntahan pa ako eh."

Wi-nave ko lang ang kamay ko na parang nagpapalayas ng aso, sorry Emmy. Bugbugin mo nalang si Ed pag dumating na siya. 

"o...kay."

Tumalikod na ulit ako at nagsimulang mag-muni muni.. Hawak-hawak ko rin ang librong binigay niya sa akin last year 'di ko pa tapos mabasa eh. Wala ako sa mood para basahin ang libro niya. 

(Emmy) 

Papunta ako ngayon sa bahay ni Fort, wala lang maglalaro lang ng PsP o kahit anong laruan na meron siya. Kahit naman naging mayabang ang lokong 'yun, p'wede parin akong pumunta sa bahay nila dahil tinutulungan ko ang dad niya sa business nila. Hindi daw kasi maaasahan si Fort pagdating sa ganung bagay kaya ako nalang, 'yun ang sabi ng tatay niya. 

"Good afternoon ma'am." Bati nung guard sa akin pagkababa ko ng kotse. Ngumiti nalang ako sakanya, at dali-daling pumasok, baka may maka kita sa akin jan, dagsain pa ako. Day-off ko ngayon eh. 

"Manang, pakihanda naman po ako ng meryenda."  Utos ko kay manang, syempre feel at home ako dito, dahil sa pagtulong ko sa dad ni Fort ay nagiging madalas na ring ang punta ko rito. At nagiging feel at home na rin ako, wala naman silang reklamo eh. 

Tataas na sana ako ng hagdan ng tumigil ako kasi may pababang tao. Sino pa nga ba kundi si Fort. 

"Anong ginagawa mo dito? Wala dito ang tatay ko." Cold niyang sabi sa akin. 

"Asan PsP mo?"

Tinaasan niya ako ng kilay. 

"At bakit?"

"Maglalaro ako malamang, eng-eng lang?" Sarcastic kong sagot sakanya, ito ang naging bunga ng pagiging mayabang niya, ang lagi akong sumbatan.

"Hindi ba singer ka? May sweldo kang nakukuha, bakit hindi mo 'yun gamitin para bumili ng sarili mong PsP at hindi 'yang dinadagsa mo pa ako dito para lang hiramin 'yun."

"FYI, hindi ikaw ang dinadagsa ko rito, kundi ang PsP mo. Intinde? Kaya p'wede ba ipahiram mo nalang."

Inirapan ko siya dahil sa inis. Mamatay na sana siya! 

"Geez,.... 'wag na nga, iyong iyo na 'yang PsP mo, sak-sak mo sa baga mo. Mayabang." Sabi ko sakanya at naglakad palabas ng bahay, sinalubong pa ako ni manang para sa meryenda ko pero sinabi ko nalang na sakanya nalang 'yun. 

Umuwi ako kaagad ng bahay at nagkulong sa kwarto. Bwisit siya, kung may alaga lang akong leon ipapalapa ko siya ng buhay para mabura na siya dito sa mundo. 

---------------

(As always masabaw ang story ko, pero pinapabilisan ko na ang flow, naghahanap nalang ako ng butas na lulusutan. xDD  Comments lang po kung maari sa kung ano ang tingin niyo sa kwento ko.  salamat :))

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now