☆ Tune Thirty Seven :: Sisters

7 0 0
                                    

(Lyca)

Lyca here! Ang magandang cousin ni Ken. Alam kong 'di niyo ako kilala dahil 'di naman talaga ako ang main character ng story na 'to so paano ako makikilala diba? -_-

Nasa school ako ngayon as usual, balita ko nga eh nasa Japan daw ang mga cheap na 'yun. Mas nauna pa talaga silang nakapasok sa entertainment world kaysa sa'kin huh? Tss... For sure naawa lang 'yung manager nila kaya nila pinasok ang mga cheap na 'yun. 

"Hey. Sister ka ni Annika diba?" Pagtatanong ng lalaking nasa harap ko. 

"Oh? Ano naman ngayon?" Mataray kong sagot wala ako sa mood makipag usap sakanila. 

"Ah, paki bigay naman 'to sakanya." Iniabot niya sa akin ang isang regalo pero tinitigan ko nalang ito. Bakit ba? Hindi naman ako tagapag padala ng mga regalo sa pesteng step sister ko ha. Mukha ba akong LBC? Hindi naman eh, sa ganda kong 'to mala LBC lang?

"Ibigay mo nalang sakanya ng personal para mas ma-feel mo ang moment ng ma-reject ka. Sige ha. Alis na ako."  Sarcastico kong paalam sakanila. 

Annika is my older step sister. Magkapatid kami sa tatay at one year older lang siya sa akin, tinuturing ko naman siyang kapatid pero siya at ang mama niya ayaw sa akin at sa mama ko. 

Bakit kasi lasing si Dad nung nabuntis niya 'yung nanay ko ayan tuloy nabuo ako. -_-" Hindi naman sa ayokong buhay ako at pinanganak pero sobrang paghihirap naman ang dinadanas ko at ng mama ko. 

Noong nalaman ng mama ni Annika na buntis ang mama ko ay pinalas niya si mama sa mansyon at ang magaling ko namang tatay walang magawa noong oras na 'yun kaya sa kalye nanirahan si mama at wala naman siyang pera na binigay para makauwi manlang siya sa probinsya, buti nga at may naawa sakanyang  nurse eh nanuluyan muna si mama sa nurse na iyon hanggang sa maipanganak ako. Nagtrabaho si mama para may maipantustus sa akin at noong naka ipon na siya ay umalis na kami sa bahay ng nurse na iyon para hindi na kami maging pabigat sakanya. Palipat lipat kami ng bahay ni mama, paiba-iba rin naman ang trabaho niya, disente naman ang trabaho niya eh. Napalaki niya ako ng maayos, napag-aral pero kulang parin 'yun kailangan ko din naman ng tatay. Noong makapag  graduate ako ng Elementary ay hindi na dapat ako magha-high school kaso ngalang nahanap kami ng tatay ko at sabi niya siya na raw magpapa aral sa akin at doon na ako sa mansyon titira. Hindi ako pumayag noong una pero naisip ko namang hindi ako makakapag aral kaya pumayag nalang ako at doon ko nakilala ang step sister ko pati narin ang mama niya, doon na rin nagsimula ang paghihirap ko. Minsanan ko nalang makita si mama busy rin siya sa trabaho niya ngayon sa isang Caffe. 

Hayan ang k'wento ko. Paano ko 'yan nalaman? Kinento sa akin ni dad nung unang dating ko dito sa mansyon. At tungkol naman sa ugali ko ay ganun talaga ako, nagpapaka taray lang para magmukhang malakas. 

"Couz!" Lumingon ako sa nagsalita. Si Ken pala, kasama niya nanaman si Janice. 

"hi couz. Hi Janice." Bati ko sakanila. 

"Hello." Sagot ni Janice. 

Actually ako ang nagpakilala kay Janice kay Ken. Ayoko kasing mapunta ang pinsan kong 'to kay cheap na Shaina eh. At noon pa may gusto si Janice kay Ken. 

"Bakit mag-isa ka?"

"Lagi naman akong mag-isa diba?"

"Oo nga pala. Ay baka gusto mong sumama mamaya sa bahay ni Janice.?"

"Gagawin natin doon?" 

/may kalokohan nanamang naiisip 'to eh. 

"Basta, sama ka nalang mamaya ah, sunduin ka namin sa room niyo mamayang hapon. Ghe alis na kami may class pa eh." Tumango nalang ako sakanila at umalis na sila. Kahit anong kalokohan nanaman ang naisip ng lalaking 'yun malalaman ko din mamaya. 

Bago ako pumunta sa room ay dumaan muna ako sa CR. 

Walang tao mag-isa ko lang, nasa first cubicle ako. May pumasok na babae, malamang girls CR 'to pero hindi ko kilala. Inayos ko na ang skirt ko at handa ng lumabas ng may tumawag sakanya.

"......Oo, handa na ang lahat mamaya, 'wag  kang atat Annika." 

Napatigil ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ni Annika. Kilala ko ang boses na 'to. 

"...For sure lahat ng tao mandidiri sakanya lalo na ang daddy niyo. Kawawa namang Lyca tsk..tsk.. bagay lang sakanya ang maging patapon noh." 

Ako?....Patapon? Sinong magtatapon sakin? .... 

"...Hindi 'to alam ni Ken ang alam niya lang ay maglalaro lang kami ng indoor games, isa rin 'yung uto-uto  eh. Madaling mapabilog.-- Ah sige na, may class pa ako. Bye.." Narinig ko ang mga foot steps at hinintay itong mawala bago ako lumabas. 

I'm sure kung sino ang babaeng 'yun. Ang galing niya ha, napaniwala niya akong mabait siya. Janice Montellar, isa kang manloloko at hindi mo din alam kung sino ang binangga mo, mas lalo na at pati si Ken ay dinamay mo sa kahayupan mo. 

Isa pa 'tong Step sister ko, humanda ka kay daddy. Sayo siya mandidiri hindi sa akin. 

Bumalik ako sa room at pinagpatuloy ang pag-aaral pero sa totoo lang ay walang pumapasok sa utak ko. Ang tanging nasa utak ko lang ay ang kung ano ang gagawin ko mamaya. 

------:)

Note: Lalala~ 

The Angels VoicesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin