☆ Tune Nineteen

15 0 0
                                    

(Ina)

Boring...

Nakakatamad...

Nakaka antok...

Ano pa ba? Wala namang magawang matino dito sa loob ng room, walang Emmy, busy pa si Lexa anong dating ko?

Loner, -3-

Tumayo ako at lumabas ng room pero pinagtitinginan lang ako sa hallway. Maganda ba ako? xD

Nagkibit balikat nalang ako at naglakad lakad sa school pero dahil nga maliit lang ang school namin wala akong magandang mapuntahan.

Bigla kong naalala 'yung nangyari kanila Emmy dito sa school. Ang sama naman nung naglock sakanila, imposible rin naman na school staff ang may gawa nun dahil required ang mga students na sila ang mag lock ng rooms kaya in other words wala ng school staff sa dito pag ganung oras. Ibig sabihin may ibang naglock sakanila, pero sino naman kaya? Baka 'yung nang tri-trip din sa akin. Ang tanong bakit niya ginagawa 'yun?

Dahil sa pag-iisip ko 'di ko namalayan naka rating pala ako sa likod ng school, ito 'yung off limits para sa mga studyante. Bawala pumasok dito.

"Do Not Enter. Private Property"

Private? Nabili ba ang school namin? Nakapalibot dito ang mga wires at police tapes. Pero imbis na sundin ko ang nakasulat pumasok parin ako. Hindi naman mahirap eh, para lang akong naglalaro. Nang makapasok ako ay nakaka gulat ang makikita.

Old classroom buildings. Parang kalahati 'to ng buong school, Naglibot libot muna ako. Laboratory, special section buildings?, library at iba pa. Pero sa loob ng mga 'to ay mga gamit pang studyante rin. Sa dulong parte ay may isang building, principals office.

*Kriiiiiing*

Time na pala..  Pero imbis na bumalik ako sa room, pumasok ako principals office. Maayos pa naman ang mga gamit halatang hindi lang ginamit for how many years.

Napatigil ako sa paglilibot ng may maapakan ako.. Papel pala. Pinulot ko ito at binasa. Enrollment form ng mga students. 

Sa table may nakalapag ditong  folder. " Roland & Sharon Smith"

Pangalan nila mama at papa, kinakabahan at nagtataka ako kung ano ang nasa loob ng folder na 'to pero may pumipigil sa akin na maki alam sa mga files ng ibang tao. Iniwan ko nalang ito at umalis.

Pagdating ko sa room, pinagalitan lang naman ako. Pumunta na ako sa upuan ko at nanahimik, pilit kong iniintindi anv mga sinasabi ng teacher pero walang pumapasok sa utak ko. Nababagabag parin ako sa kung ano ang laman ng folder na 'yun.

-----:)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now