☆Tune Forty Five : Project

13 1 0
                                    

(Ina)

One week passed, pagkatapos ng charity work namin, naging maayos naman except nalang sa nangyari kanila Forty na so-called accident kiss nila. Pero hayaan na yan nasa past na eh, maayos parin naman ang pakikipag usap nila sa isa't isa.

"Anong sabi?" Tanong ni Lexa kay Emmy. Tumawag kasi si manager kay Emmy eh, hindi namin alam kung bakit.

"Pinapa punta tayo sa office ngayon na daw."

"Bakit daw?"

"Malay di naman sinabi. Anyways tara na baka magalit pa yun sa atin."

Oh yeah, forgot to mention that nagwala i manager sa ampunan nung nalaman niya ang tungkol kay Emmy. -_- Sobra pa ang pagse-sermon niya kay Forty na dapat raw panagutan niya si Emmy na as if eh nabuntis.

Nagpalit lang kami ng damit at  pumunta na sa office.

"Morning trio's." Bati ni K. Letter K lang ang pangalan niya sa entertainment.

"Morning K. New project?" Tanong ko.

"Yep. Commercial ng whitening soap."

"Puti mo kasi." Sagot ko sakanya sabay tawa. Isang actress/singer/dancer at composer yang si K. Dami noh?

"Sige una na ako, hinihintay din kayo ni manager eh."

"Hmm. Ok. Bye" paalam ko sakanya at dumiretso na sa office.

--

"So girls, sa entertainment hindi lang naman pagkanta ang tinutukoy, kasali din dito ang pag arte at pagsayaw, kaya ngayon ay bibigyan ko kayo ng tig-isa ninyong projects."

May ini abot siya sa aming mga envelope. Binuksan ko 'yun akin.

Sasayaw ako sa isang live show next week, at kinabukasan nun ay may dadaluhan akong talk show, at tatlong araw pagkatapos nun ay mayroon naman akong modeling ng damit. Great, busy ako araw-araw.

"Eh? Manager hindi ba pwedeng ibahan nalang to?"

"Emmy. Huwag mo lang ituon sa pagkanta anv career mo, try mong gumawa rin ng iba tulad ng pag-arte na siyang project mo ngayon."

"Pero... hindi pa po kasi ako nakapag arte sa buong tanang buhay ko.

"Ayos lang yan. Kaya mo yan, may mga guides naman kayo eh."

Napabuntong hining nalang si Emmy at tumango sa sinabi ni manager hindi naman nagreklamo si Lexa, hindi naman siya reklamadora eh.

Pero ako? Hindi ko pa nasubukang sumayaw, hanggamg kanta lang ako.

"Ok. Yan lang, makaka alis na kayo. Ako na ang bahala sa mga schedules niyo. " sabi niya.

Nagpaalam  na  kamimg tatlo at umuwi, buong araw ay yun lang ang nasa utak ko, paano ako sasayaw?

----
SHORT ANG PO. :)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now