☆ Tune Twenty Eight : New Nature (2)

11 0 0
                                    

(ina) 

Kung p'wede lang sana itigil ang oras siguro kanina ko pa ginawa, grabe!! inaantok pa ako, sino ba naman ang hindi mapupuyat kung ang mga kasama mo sa bahay eh mag-aayang mag movie marathon ng ilang oras?! 

"Ina, paabot ng bag."

 Utos ni Emmy pero 'di ko ginawa, ano siya? Senyorita? Hindi ko sila pinansin at lumabas ng bahay as usual andoon ulit si manong driver, buti hindi siya nangangawit sa pagtayo habang hinihintay kami.  Binati niya ulit kami at hinatid sa school. Pag dating namin doon ay naghiwa-hiwalay na kami kasi nga diba iba-iba ang rooms namin. Bakit ba kasi kami napag hiwa-hiwalay? 

Nasa likod ako at pinagmamasdan lang ang mga classmates kong nagdadaldalan. Nabanggit ko na sainyo hindi ba na may mga kaparehas ako ng uniform at meron namang hindi. Ganito daw kasi 'yun ang mga nakapasok sa entertainment world ay iba ang unifroms sa mga ordinary students, kung sa amin ay red sakanila naman ay blue. 

Ilang minuto na akong naka tunganga at walang may gustong lumapit sa'kin. Sino ba'ng may gustong lumapit kung 'di ko naman sila ka-close? Tumayo na ako at lumabas ng room, magliliwaliw nalang muna ako kaysa naman sa mukha akong tanga doon sa room na naka upo lang. 

*bzzzzt*  Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at tinignan kung sino ang nagtext. 

"from chanak:

             Musta?"

Agad ko naman siyang nireplyan. 

"ayos lang naman. Eh kayo jan?"

siya:  Ah, buti naman. Nakita mo ba si ninong jan?"

"ah, oo siya nga guide namin kahapon eh.  'Di ko alam na dito pala talaga siya nagtuturo, p'wede ka rin bang pumunta dito?"

siya:  hindi eh, only students of Antel Hight can enter that school, and hindi exception ang magkakamag-anak. 

"Ganun?  -.-  medyo boring  din pala dito pero may fun naman minsan."

siya:  Sese, sa susunod nalang ulit ang text kailangan ko ng pumasok skip ulit kasi ako mamaya eh.

"sese.."

At ayun, wala nanaman akong magawa. Naka-upo lang ako sa upuang naka kalat dito sa labas ng building at pinapanood ang mga taong dumadaan, sa pagkaka alam ko ay dorm school 'to, so ibig sabihin ay may mga hindi umuuwi ng bahay nila, hindi kaya nila nami-miss ang pamilya nila? Hindi ko naman alam ang feeling nun eh, remember? Mula pagkabata ko ay wala na akong parents dahil sa accident? 

"Daydreaming outside the building? Tss.."

Napalingon ako sa nagsalita, aba't si kumag pala, sorry kumag nalang ang tawag ko hindi ko pa siya kilala eh, sino nga ba 'yun? Classmate ko 'di ko alam ang pangalan niya, as if i care? 

"Pasok na kanina pa nag ring ang bell, i thought you heard, but i guess you're not, day dreming about your left boyfriend.."

Ano daw?!  Left---?  Boyfriend?!  Baka gusto niyang masipa palabas ng earth? Nauna siyang naglakad at sumunod nalang ako, pagkarating namin sa room eh wala ng student saan naman kaya nag punta ang mga 'yun?

"Asan sila?"  Pagtatanong ko pero 'di niya ako pinansin at pumunta sa upuan niya tsaka kinalkal ang bag niya. Nilabas niya ang isang white t-shirt and a short? 

"Today's class is P.E so get your P.E uniform and change before Mr. Andrada get mad."

Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya, iniwan akong naka tunganga, hindi ko laam na P.E class pala ngayon at wala namang binigay si Manager na uniform ng P.E eh. 

The Angels VoicesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt