☆ Tune thirteen :: Meet Forty

29 0 0
                                    

(Emmy)

Andito kami ngayon sa may rooftop kung nasaan si Ina pagkatapos kasi nung nangyari kanina sa baba bigla siyang umalis eh. Nakaka gulat talaga 'yung nangyari, hindi ko alam na may ganoong side pala si Ken.

'Pag nakaka kain siya ng matamis, nagbabago siya nagiging war freak at mahilig manghalik 'yan pag nasa ganyang condition. Hindi ko siya kaya pag ganyan na siya, kayo nalang bahala sakanya ha..alis na ako ayokong maulit ang nangyari noon.'

'Yun lang ang sabi tapos umalis na pagharap namin kanila ken ang lapit ng mukha napalunok ako nun nilabas ang cellphone kong de-camera saktong hinalikan naman ni Ken si Ina.

-----

'Yun na 'yun, si Lexa kasi hindi nilalagyan ng tag 'yung mga pampalasa niya sa kusina ayun asukal ang nailagay. Tsk.

"huhuhuhu....'yung---'yung first kiss koooo!!!" sigaw ni ina habang umiiyak.

Nakatago lang kami kaya hindi niya kami kita. Grabe siya,  kung umiyak at sumigaw aabot na ata sa kabilang bansa.

" Emmy, tara"  Lumabas na kami sa pinagtataguan namin kanina.

"Ina?"

Lumingon siya, halos matawa ako sa nakita ko ang pangit niya talagang umiyak.

"Waaaaaaa!!!! 'Yung first kiss ko!! waaaaaaa!!"  Pinapatahan namin siya sa pag-iyak pinupunasan na rin 'yung sipong tumutulo. Yuck!!!

"ssshhh.., tahan na ayos lang 'yun no tongue involved naman diba?"

Tumango siya kay Lexa.

"'Yun naman pala eh, tara na sa baba malamig dito magluluto pa ako ng dinner natin"

Tumango ulit siya kaya bumaba na kami. Tahimik kaming bumaba, naabutan nMan namin si Ken na gising na at nagkakamot ng ulo.

Tumingin siya sa amin.

"Oh? Anong nangyari sainyo?" Inosente niyang tanong.

"'Wag ka ng magtanong gago!" sigaw ni Ina at tumakbo sa kwartong tinutulugan namin.

"Anong nangyari dun?"

"Hayaan mo nalang ayos ka na?" Tanong ni Lexa tumango naman siya. Naiwan kami sa sala at nanood dinig hanggang dito ang iyak ni Ina. -_-

Asan ang katahimikan?!

"tsss... Ang ingay naman nun!"

Akma siyang tatayo pero hinawakan ko siya.

"Saan ka pupunta ?"

"papatahimikin ko lang siya"

"Ako na" Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto. Pagdating ko doon, aba nagkalat ang mga gamit namin.

"Hoy! Ina! Magtigil ka jan! Babatukan na kitang babae ka!"

"Eh kasi naman eh!!!"

" Tsk! Kung 'yun lang ang inaalala mo kalimutan mo nalang!"

"Mahirap!"

" Pushang galang mahirap 'yan!" Lumapit ako sakanya at sinuntok siya sa mukha.

Sorry nalang Ina, ayaw tumigil eh nakaka rindi pwede namang kalimutan ang bagay na 'yun. Halik lang naman 'yun eh.

Nakatulog na si Ina, peaceful pero bukas bubulyawan ulit ako niyan. Sanay na siya na ganun ang ginagawa ko para makatulog kaya no worries.

"Emmy talaga" Naawanag sabi ni Lexa na naghahain na ng pagkain.

Kumain na kami ng dinner at nag-ayos para matulog.

"Uy, Emmy. May naghahanap ng tutor baka gusto mo?" Sabi ni Ken na nakatingn sa cellphone niya.

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now