☆ Tune Five :: bump beat bump!

31 1 4
                                    

(Shaina)

Heto na, pasukan na ulit monday na eh, kahit tinatamad at inaantok pa ako pumasok parin sayang yung attendance dagdag sa grade yun. Bakit inaantok pa ako?

Kasi po si 'nay Cynthia kahapon pinagod kami magdamag ni walang pahinga sobrang kalat kasi ng bahay niya akala mo eh dumpsite.

Kaya ang resulta eto mukha akong walking zombie sa corridor, sana walang teacher mamaya para maka tulog ako kahit konting oras lang, inaantok na talaga ako eh.

"Hey!! Ano kamusta tulog mo?" Bati sa akin ni Lexa nauna siya kanina dahil excited pumasok, malay ko diyan kung bakit basta nalang lumabas ng hindi manlang nagluluto wala tuloy pagkain sa bahay.

"Manahimik ka jan gutom, pagod at inaantok ako. Kaya lumayas ka sa harapan ko ng hindi kita masapak at mabura 'yang mukha mo"  banta ko sakanya, pero gagawin ko talaga 'yon. Kaya kong gawin 'yon, nakita na nga nilang ginawa ko yun eh kaya takot nalang sila.

"Sorry, sige tulog ka nalang sa upuan mo"  Sabi niya tsaka umalis, pupuntahan siguro si Emmy. Speaking of Emmy asan pala yun? 'Di ko siya nakasabay eh, wala rin siya sa bahay pagkagising ko. Dali-dali ko siyang tinext at tinanong kung nasaan siya hindi naman nagreply ang loka. Wag niyo nang asahan na tatawagan ko yung babaeng 'yon 'di ako mayaman para magpaload ng pangtawag alalahanin niyo poor kami, kapital POOR okay? Panload na 10 lang kaya ng budget namin.

"Hey, diba ikaw yung kaibigan nung Alex ba yun? Basta yun!"  Nagkakamot na sabi ng babae, baka may kuto 'to kamot ng kamot sa ulo, kadiri.

"Bakit ano pong kailangan nila?"

"Uhmm.. ano, itatanong ko lang kung pwede ba kayong tumugtug sa birthday ng kapatid ko?"

"Birthday? Uhm..pwede naman pero may bayad kasi pag kami eh" 

"Ayos lang, sabihin niyo lang kung magkano ang hiring sainyo"

Yes! May job ka agad.

"Okay, how about 1000? Ayos na ba yun? Well mababa pa nga yun eh, kadalasan naming sinisingil ay 5000 pero dahil sa bago ka palang sa amin 1000  muna."

Tumingin ako sakanya habang siya ay nag-iisip, hindi namang siguro masyadong mataas ang singil ko diba? Mababa pa nga yun eh, mababa kasi bago lang at classmate pa kaya ganun.

"Sige, deal sa saturday yung birthday kita-kita nalang tayo dito sa school okay, salamat"

Saka siya umalis, yun  lang yun?

Lagi namin 'tong ginagawa maghanap ng part time, diba nga sinabi ko na sainyo na may babayaran kaming apartment, tubig , pagkain, kuryente at kailangan pang ayusi  ang nalumpo naming meaa nung saturday kawawa nga eh hindi pa namin naaayos hanggang ngayon.

Lumipas ang ilang minuto at nagsidatingan na ang mga animal kong classmate kaya umingay sa loob. Pati yung dalawa dumating na din kasunod yung teacher si sir Mat.

"Oh, andito ka pala shaina?" bati ni Emmy binigyan ko siya ng 'duh?' Look. Nakikita na nga niya ako sa harapan niya tatanungin pa ako ng ganun lokohan lang?

"Hindi picture ko lang to, picture kong nagsasalita"

"Init ng ulo mo?"

"Tsk, kasi naman gutom ako walang pagkain sa bahay at inaantok pa ako" pagmamaktol ko sakanya hindi na niya ako pinansin at tinawanan nalang, nakinig lang kami sa turo ni sir hanggang sa natapos.

Dumaan ang mga oras at recess na at gutom na ako pero....wala akong perang dala. T^T

"'Wag mo akong bigyan ng ganyang mukha Ina!"

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now