☆ Tune Seven :: ms. chakadal-mr. chanak

21 0 0
                                    

(Shaina)

"Unti pa!.... ayan tama na!" Sigaw ko ni sir Mat mula sa baba nasa taas po kasi ako nag kakabit ng decoration napaka gentle man nga ni sir eh, grabe. At nasilipan ko pa, tsk. Alam niyang babae ako eh ako pa ang pina akyat para magkabit netong makulay na telang 'to. Bumaba na ako para tulungan rin yung dalawang nag bubuhat ng samut saring box habang si sir ayun prenteng naka upo. Ang bait niya noh?

(-___-) sarap niya sakalin.

"Ah, Lexa sa kabila yan, Emmy para sa stage yan" bla.bla.bla utos dito utos doon hindi natapos na utos ni sir ang bumalot sa amin sa dalawang oras na pagdedecorate ng gymnasium para sa ending ng school festival eh matagal pa naman yun siguro four days from now bukas na magsisimula ang school fest eh, yung class namin ayun nagpre-preapre na din.

About doon sa caffè na gagawin ng class ayos na, si Raille pa ang nagtahi ng costume, oo nagtahi ang galing nga eh. Ang cute nung mga gawa niya pang anime. Gusto ko rin dun kaso ayaw ni sir sabi niya give the others a chance daw. Eh puro naman yung mga malalandi ang pinili niyang magsuot nun kung kami lang nagsuot nun malamang maraming darating may  flyers na din para kung sino man ang interested na class namin edi pumunta.

"Sir break muna!" Sabi ko um-oo nalang siya. Yung dalawa ayun naka higa sa stage sobrang pagod aba sila lang kasi ang nagbuhat ng kahit ano-anong box.

"Sir meryenda namin?" Pagpapa alala ko, libre niya daw eh promise niya kanina. ^_^v

"Oh, ikaw na bumili hintayin ka namin" tsaka niya binigay ang 200 pesos ang bait niya talaga! Nakaka gigil. Wala na akong ginawa kundi sundin siya sayang meryenda eh.

Habang nasa daan ako sumisilip na rin ako sa mga classroom may naghahanda may tapos na. May nadaanan nga akong horror house eh, yun ang unang target ko bukas sumunod ang mini book shop, may stuff toys shop, may mini quantum pero catcher lang ang meron? Saan kaya nila nakuha yun?

Oh well andito na ako sa canteen bumili ng isang pakete ng biscuit at coke pati plastic cups. Pabalik na dapat ako kaso may nabungo ako or siya ang bumungo?

"Ikaw nanaman?" Tanong niya kaya napatingala ako si lalake ulit pala na bastos yung naka itim, siya yung lalakeng nag hatid kay Lexa nung may sakit siya last month? Oo last month.

"Kasalanan ko bang maganda ako at lagi mong nabubungo?"

"Taas mo naman, FYI miss hindi ka maganda sadyang mahangin ka lang" saka niya ako pinatabi. Kapal! Hindi niya alam na ako  pinaka maganda sa lahat (so?) Tsss...

"Uso ang gumalaw miss"

"So?"

"Gumalaw ka ng di ko mapagkamalang

chakadal"

saka umalis ang bastos talaga, chakadal daw.

Nagmadali nalang akong bumalik sa gym at binigay sakanila yung pagkain. Nakakainis ,nakakawalang ganang kumain lalo na't nakita ko ulit siya at dahil na rin sa sinabi niya nakaka-down lang.

"Excuse me?, sorry for the disturbance but sir are you finished?" Napatingin ako sa nagsalita.

O_______________O

don't tell me kilala ni sir ang nilalang na yan?! Yes, siya yung lalake kanina yung naka itim na naghatid kay Lexa na nagsabi rin sa akin na muka akong chakadal. Napabuga tuloy ako ng coke buti't wala akong kaharap.

"Uh, mr. Chan we are almost finish we are just having a break time,  uhmm.. by the way i thought you're coming in the end of the school festival?"

"Uh, i just want to see what kind of school is this and if it is worthy to come"

"Hoy! Mister, Ibabalik ko sa'yo 'to FYI rin ha, kung galing ka sa kabilang private school pwes doon ka lang 'wag kang pumaunta dito pag school fest kung ayaw mo, at FYI ulit!, our school festival is worth it. Understood?!"

Sigaw ko na naghako ng tingin nung tatlo si lalake naman naka taas lang ang kilay aba ang taray.

"FYI again ms. Chakadal shut up i'm not talking to you"

"Shut up ka rin mr. Chanak"

Tinitigan ko siya ng masama ganun din siya sa akin.

"CHEMISTRY!!!"  Biglang sigaw ni Lexa sa likod na may biscuit pa sa bunganga. Takaw lang 'te?

"Anong chemistry ka jan? Geometry kaya"

"Chemistry kasi may sparks between them"

"Geometry nga kasi may line that connects them intindi?"

Sasagot pa sana si Lexa pero tinakpan ni Emmy ng biscuit ulit yung bunganga ni Leza ayun nabulunan. Kahit ano-ano pa kasi sinasabi tsk.

"Sorry mr. Chan but we're about to start our decorations and etc."

"Ok, i'll come back again."

"Hoy chanak mas magandang wag ka ng bumalik!" Sigaw ko

"Shut up chakadal!"

"Oh tama na 'yan shaina just do your work"

Tumango nalang ako at nagsimula ulit mag-ayos umalis nalang siya ng gym. Nagsimula na rin kaming mag ayos ng mga electrical bla.bla.bal basta yung mga sound system, set-up ng instruments at iba pa.

Mag a-alasais na kami natapos kaya nag-ayos na kami ng gamit bago umuwi. Pero may naalala akong itanong kay sir.

"Sir bakit pala andito kanina yung si chanak?"

"Ah, si mr. Chan? Isa siya sa mga magalagang audience sa performance niyo, top one kasi siya sa kabilang school kaya siya ang pinadala dito. Don't worry mabait si KN"

"KN?"

"Ah, Ken Nathaniel Chan, sige una na ako may naghihintay pa kasi sa akin sa bahay eh ba-bye!"

Ayun umalis na ganun na rin kaming tatlo. Habang nasa daan nasa utak ko parin ang pangalan ni chanak malay ko kung bakit.

"Alam mo Emmy may bago akong kwento" panimula ni Lexa.

"Oh? Kwento dali!"

"Eto one day may babae pumunta sa canteen tapos nakilala niya si lalake at nag-asaran sila bilang chanak at chakadal, tumagal ng tumagal nagka mabutihan sila at nag ibigan. Sa huli nagkaroon sila ng sandosenang anak, the end."

"Yun lang?"

"Syempre hindi yun lang muna ano ka ba! May mga twist pa ang mga yan noh, basta chakadala-chanak tandem ako."

"Ay ako rin!" Saka pa sila nag-appir ano kayang pagkain ang nakain at nagkaganyan sila? Akalain niyo yun dalawang first year student ganun ang pinag-iisip tsk.

Utak nga naman diba?

Pero, pa'no kaya kung ganun nga? Hihihi..Ay taksil lang ang utak ko eh! Nahawaan sa kalokahan ng utak ng dalawang 'to.

Naka rating kami sa bahay na yun parin ang usapan nila, at kanina pa ako naiinis pa'no kasi chanak sila ng chanak kulang nalang sila ang magka anak ng chanak.

----------------

(A/N: chanak-chakadal tayo ngayon! Wala narinig ko lang some where on earth yan. Thank you po sa mga nagbasa.

Walang naka sagot sa 100-ATTITUDE 

-___-. Dibale na available ulit dedication sa next chapter.

VOTE and COMMENTS are free po! )

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now