☆ Tune Seventeen :: practice time!

19 0 0
                                    

(Ina)

"Trio Magnifico, for the bands. Elisha Fortell, for the solo and Jack and Seckri for the duet. Ok, kayo ang representatives ng class okay? Do your best para mapili kayo sa elimination at kayo ang mailaban sa school competition."

"Yes sir!"  sigaw namin, well well, napasali kami sa  elimination and i'm sure magagaling ang makakalaban namin. For the whole week ay excuse ang mga representatives per room for their practice, in short wala kaming pasok ng one week KAMI lang hindi kasali ang mga hindi representatives. 

"So, for know kayong anim sa labas muna kayo para mapag-usapan ang mga gagawin at kakantahin niyo."

Tumango naman kami at lumabas kasama ang mga bag namin. Dumiretso kami sa canteen kaso puno na sa ground ayaw naman nila sa gym at kung sa library naman ingay lang gagawin namin edi sa canteen nalang.

Umupo kami sa isang table na p'wede ang anim na tao. 

"so, anong kakantahin niyo?" pagtatanong ni Jack,

"Akin distance by secondhand serenade" sagot ni Elisha sinulat naman ni Jack 'yun sa isang papel.

"half of my heart sa'min ni Seckri., ano sainyo?"  

"Lexa ano ?" tanong ni Emmy.

"Malay, Ina?"   Minsan talaga sarap pag-untugin ng ulo nitong dalawa, pasahan daw ba.

"Tss... Crazy girls by paramore nalang."

Ngumiti sila sa akin inirapan ko lang sila, wala naman na kaming ginawa for the remaining time hinintay lang namin na mag recess tsaka kami bumalik ng room. Pag balik namin doon ando'n na sila Cedric at iba pa, 'yung mga alalay kuno namin sila 'yun.

"Oh? Ano'ng kailangan niyo?"  tanong ko sakanila

"Wala naman, ano'ng kakantahin iyo?" Nakangiting tanong ni Leo.

"Crazy girls, uy, Chester! Penge ako."  sabi ni Emmy at lumapit kay Chester na may dala-dalang Nova. Pagkain nga naman. 

"Ayos ka lang? Parang may problema ka ha,"  bakit ba ang daming kabute sa araw na 'to?  Susulpot lang kung kailan gusto. 

"Wala ayos lang ako, mike ay oo nga pala 'yung shirt mo oh."  Kinalkal ko sa bag ko ang shirt na pinahiram niya, kinuha niya naman ito. Nag usap usap lang kami doon hanggang sa nagtime na ulit kaya nagsibalikan na kami sa kanya-kanyang room. 

Inaantok na ako!!!! 

ang boring ng subject namin! Walang pumapasok na kahit ano sa utak ko, ni isang word wala. Lutang na lutang ang magaling kong utak.

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now