☆ Tune Thirty Three :Time Hop

13 0 0
                                    

*one year later* 

(ina) 

Well, second year na kami ngayon, sa nakalipas na isang taon ay maraming nangyari at  maraming nagbago. Isa na dito ang pakikitungo ni Lexa sa ibang tao, lalo na sa amin, nagiging mainit ang ulo niya at parang may menopause pero kaibigan parin kami syempre hindi naman p'wedeng masisira lang ang friendship namin dahil sa isang problema, kaso sa ngayon ay hindi parin namin alam kung bakit ganun siya. Si Emmy ganun padin at tumigil ngalang  siya sa pagtu-tutor kay Forty kasi sabi niya nagiging mayabang na daw siya at feeling niya hindi na siya kailangan ng lalaking 'yun, at kung tatanungin niyo ako kung ano ang pinagbago ko? Wala naman, ganun parin, maganda at cute, pero may dumating sa buhay ko, si Kenneth naging close na kaming dalawa though minsan eh nag-aaway kami pero nagbabati din naman agad at may  mga bagay akong nalaman sakanya, at isang news pala tungkol kay Ken A.K.A  Chanak, may nililigawan na raw siya, ewan ko ngalang kung sinagot ng girl. 

And ito na ang biggest news! Kaming tatlo ay may first album na! Launching na this coming week. Saya nga eh. Hindi na namin kaialngan pang mag-graduate bago makapag album. Mahirap ngalang kasi magiging busy din kami pag launching day na. Autograph. 

"Ina, alis muna ako for shooting. Bye."  Paalam ni Emmy, tumango nalang ako sakanya. Oh, nakalimutan ko pala, five months ago, naging model siya, galing nuh? Dalawa career niya habang ako iisa lang, pero mas maayos na 'yun kasi nakaka pag focus ako kaysa sa sikat nga madami namang trabaho kapagod kaya 'yun.

"Layas  muna ako!" Padabog na sabi ni Lexa, hindi ako umimik sakanya, bahala siya umarte siya ng ganyan wala akong pake, hindi ko siya papansinin hanggang hindi siya umayos. Wala sa akin ang problema nasakanya. 

-Launching Day-

"Thank you." -ako

"Miss, pa-picture naman."

"Sure"-ako.. 

Hayan ang trabaho ko ngayon, shake hands, sign, and picture if ever gusto man nila. Four months palang mula nung naging sikat kami dahil sa tulong ni Ms. Manager namin na nagpost first video namin sa youtube at pinalabas sa t.v at pumatok naman sa mga tao at  dahil doon napag isipan ni manager na gumawa kami ng isang album. 

"Thank you."  matamis kong sabi sa isang bata ang cute niya. 

"Thank you.." para sa next na tao. 

"Congrats!" sabi nito, tumingin ako sakanya at ngumiti, si Mike. (yung alalay kuno nila sa Calden High.)

"Thanks! uh...  mamaya nalang tayo mag-usap pag tapos na ako."

Tumango siya at tinuro sa gilid.  Akala ko siya lang ang nandoon mali pala kasama  niya ang buong tropa. Napangiwi nalang ako, hindi naman nila kami masyadong na-miss noh? Nakikipag kita parin naman kami sakanila kahit papa ano eh.

Matapos ang kamayan at pakiki pag picturan sa mga tao, nagpaalam muna kami kay manager na may pupuntahan lang kami saglit at DITO lang sa malapit. Pinuntahan namin silang tatlo. 

"Yow." -Chester

"Pumayat ka yata." Pang-aasar ko sakanya. Nag tongue out lang siya sa akin at tumingin sa paligid chicks nanaman. 

"So, anong balita sainyo?" pagtatanong ni Mike.

"Ganun parin, ayos lang, eh kayo?"

"ganito parin naman, loyal sa Trio Magnifico!"  

"Dapat lang noh! kung hind---"

"Uuwi na ako." Singit ni Lexa at umalis nalang bigla. Natulala lang kami sakanya, ibang-iba na talaga siya. 

"Ganun na talaga siya noh?" Tanong ni Chester.

"oo. Ay! Dibale na nga 'yan, pag-uusapan nalang namin. so kwento naman kayo."

At ayun, nagsimula na silang magdaldal, madami daw nagbago sa Calden high, narinig nga daw nila na baka daw ipatanggal na rin 'yung nai-saldang private part ng school. 

"Oh, yeah. Mike p'wede ka bang pumuslit doon?" Pagtatanong ko.

"Bakit?"

"May ipapa hanap sana ako, isang folder may nakasulat na mr. and mrs. Smith. Kung meron mang ganun doon paki kuha."

Tinignan nila ako ng nagtatanong na mata. "Next time ko nalang i-kwento, at please 'wag mong basahin kung nakuha mo ha."  

Tumango-tango siya sa akin, at mukhang naintindihan naman nila. Pinagpatuloy nila ang k'wentuhan, pumunta raw doon si sir Matt at ang sabi niya, mag re-resign na daw siya sa Calden high. As if naman totoo 'yun   -.-   .

Pagkatapos naming magk'wentuhan ay umalis na rin sila at umuwi na rin kami, as usual balik boring  at tahimik na buhay. Walang maingay. Nagdiretso na kami ni Emmy sa sarili naming k'warto. Ako bagsak kaagad ang katawan sa kama. 

-----------

*BZZZZZT* 

"asdheoidealdp"  Naalimpungatan ako dahil sa pagyugyug sa ulo ko, kinapa ko ang ilalim ng unan  ko, peste cellphone ko pala.

Kenneth ..

Sinagot ko ang tawag niya kahit gustong gusto kong i-end call.

"Ano?!" 

[galit?]

"Ano na kasi inaantok pa ako."

[Mamaya sunduhin kita jan, and isuot mo 'yung pinadala ko sayo.]

"pinadala?"

[oo basta meron, siya sige, may gagawin pa--]

Hindi ko na siya  inintay pang matapos at in-end ko na agad yung tawag. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto, may nakaharang na box sa harap ng k'warto ko. Wala namang nakasulat kung para kanino , pero alam kong para sakin. Kinuha ko ito at pinasok sa k'warto at binuksan. 

Isang white dress, hindi ko na sasabihin ang itsura, basta maganda with heels pa na three inches.

Ano nanaman ba Kenneth?!  Papatayin ko ang isang 'yun kung may balak siyang kung ano, tulad ng sabi niya naghanda na ako, nag-ayos at lahat na with light make-up pa ako na perfect match naman sa damit. 

thirty minutes later, dumating na rin siya. Nagpaalam ako sa dalawa na aalis na ako pero 'di ako pinansin ni Lexa. Si Emmy naman poker face na pinalayas ako ng bahay. Galing nila noh? 

Nasa loob na kami ng kotse siya ang nag-drive. 

"So anong kapahamakan nanaman?" Tanong ko.

"Grabe ha, well birthday kasi ngayon ng 7 year old na pinsan ko at as a gift ikaw nalang ang ipapakita ko since isa rin siya sa bumili ng album niyo. "

"Ao ano ako regalo?"

"Parang ganun na nga.."

Minsan talaga sarap upakan ng isang 'to, nakaka inis akala niya sa akin gamit para ipang reagalo sa pinsan niya kapal neto ha. 

------------------

:(((  

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now