☆Tune Forty Three : Alexa

19 1 0
                                    

(Lexa)

"So guys, to sum it up. Magkakaroon tayo ng charity work sa ampunan bukas, yun ang sabi ni manager." Sabi ni Ina. Napangiti naman ako. At least makakabisita ulit ako, matagal na rin kaming hindi pumunta doon eh baka may nakaka miss na rin sa amin.

"Pero may kasama tayo." Dagdag pa niya.

"Sino?" Tanong ni Emmy.

"Stars."

"You mean ang mga nakakainis na japayuki na yun?! Except Nico. Bakit sila?"

Umupo si Ina sa favorite bean bag niya at nagsimulang kumain ng potchi.

"Sabi niya nagkaroon daw sila ng manager nila Nico na habang nandito sa Pilipinas ang Stars ay si manager ang bahala sakanila. Yun ang sabi ni manager."

"Anu ba yan. Hanggang kailan daw sila dito?"

"Uh.. sa tingin ko hanggang end of school year. Mag aaral din sila dito."

Napanganga nalang ako sa sinabi niya, sira na ang buong school year ko.

*bzzt* kinapa ko ang phone at tinignan kung sino ang nagtext, si Ed pala. Pinapa punta ako sa bahay nila.

"Guys, alis lang ako saglit. "

Paalam ko sakanilang dalawa, pinayagan naman nila ako, hindi na ako nagpalit pa, sanay naman sa akin si Ed na nakapambahay pag pumupunta sa bahay nila eh, minsan nga doon ako natutulog pero di ko siya katabi, yung kapatid niya.

Nagpahatid ako kay manong. Hindi ko na siya pinahintay pa, baka matagalan pa ako eh. Walang katok-katok na pumasok ako, naabutan ko naman sila tita at ang kapatid ni Ed na si Elin.

"Hello po tita, si Ed po?"

"Hi ate!"

Ngumiti nalang ako kay Elin.

"Nasa kwarto niya, puntahan mo nalang." Tumango ako kay tita bilang sagot. Agad naman akong umakyat sa kwarto niya.

Tulad kanina walang katok-katok akong pumasok sa kwarto niyang malinis at mabango, kwarto ba talaga to ng lalake? Mas malinis pa kaysa sa kwarto ko, nakakahiya naman.

"Oh? Nganga ka jan. Upo dun."

"Oo na. Tss.." umupo naman ako sa itinuro niyang upuan sa harap ng laptop niya.

"Pwedeng buksan?" Tanong ko at itinuro ang laptop niya. Nangunot ang noo niya at lumapit tsaka kinuha ang laptop. Akala mo naman may mga sikreto dun, siguro mga porn lang. Eww.

"So ano na? Bakit mo ko pinapunta dito?"

"Papatulong lang ako sa homework ko."

So yun na nga, umuwi siya ng Pilipinas dahil hindi niya kaya ang mga lessons doon, at ngayon na nandito na siya wala naman siyang ibang kaibigan na mahingan ng tulong bukod sa akin, ako na ang tumutulong sakanya kaso, pag homework.

Ako na ang gumagawa. Wala akong ibang nagawa kundi ang ituro sakanya ang homework niya madali lang naman trigonometry lang.

Madali kaming natapos sa HW niya kaya free na ako kung ano man ang gusto kong gawin dito sa kwarto niya. Nagpa gulong gulong sa kama, ginulo ang kama, at inihagis sakanya ang isang unan.

"3 points for Alexa!" Tuwang tuwa kong sigaw.

"Hey! You ...Brat!" At hayun nagbatuhan kami sa room niya ng unan ang maayos niyang kwarto ay magulo na ngayon. May mga nahuhulog pang mga gamit mula sa cabinet at mesa.

Hindi naman nagtagal ay tumigil na kami sa pagbabatuhan, ang talo syempre siya.

"Ah, nga pala, may charity work kami sa ampunan bukas. Gusto mo sumama?"

"Bakit naman?"

"Wala lang, baka gusto mo lang kako." Inirapan ko siya at humiga sa kama, nag ayos naman agad siya ng kwarto niya. Tsk. Neat-freak.

"What time?"

"Huh?" Biglang nagsasalita eh.

"Your charity work, what time? I'll go."

Napangiti naman ako ng palihim.

"Punta ka sa bahay ng 8 o'clock."

"For sure?"

"Ayaw mo? Di wag."

"Fine. 8 o'clock at your house."

Hindi na kami nag usap pagkatapos nun, nanahimik na siya eh at pinatawag na rin kami for lunch. Sakto, gutom na rin ako.

"Tita, hiramin ko lang po si Ed bukas." Paalam ko kay tita dahil hindi siya basta basta pinapayagang pumunta kahit saan eh.

"I'm not an object." Sabat ni Ed.

"Sure." -ako.

"Bakit? May pupuntahan ba kayong dalawa?"

"Ate and Kuya going on a date!! Yehey!!" Biglang sigaw ni Elin, bigla naman aiyang pinitik sa noo ni Ed.

"We're not going on a date."

"Isasama ko lang po siya sa ampunan."

"Bakit? Mag aampon na ba kayo ng anak niyo?"

Bigla naman akong napatigil sa pagsubo, like mother, like daughter. Nakaka lokang mag-ina to. Kanina date, ngayon anak? Ano mamaya kasal?

"Hindi po tita.. ano lang po may charity work po kasi kami bukas and naisip ko pong isama si Ed."

"Ah i see. Sige isama mo siya wala naman siyang pasok bukas eh." Sabi ni tita, naka ngiti nga kaso malungkot naman ang pagkakasagot niya. Nagkibit balikat nalang ako at kumain na.

Hindi naman ako masyadong nagtagal sa bahay nila Ed umuwi din ako agad para makapag prepare para bukas.

---
☆ :(

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now