☆Tune Forty Eight : Training Camp

12 1 3
                                    

(INA)
It's already November. Tapos na ang projects ko, naging madali naman na sa akin 'yun, kay Emmy, medyo nahirapan siya pero hindi naman siya nag-give up at in the end natapos niya ang buong movie ang ganda nga eh, si Lexa naman... Siya ang pinaka madaya sa lahat, iisa lang ang project niya at 'yun ay ang modeling ng mga damit dali noh?

Nasa company building kaming tatlo ngayon-- i mean pito dahil nandito rin ang St☆rs.
3 palang ng umaga kanina ay tumatawag na si manager para sa isang urgent meeting, kaya heto kami ngayon maaga palang. Ang lamig.

"Good morning sa lahat." Bati ni manager walang nag abalang bumati sakanya, syempre noh, ang lamig kaya tapos papalabasin kami ng 4 ng umaga.

"Geez. Anyway i called you out here to inform you that the battle of the bands is on the line."
"Battle of the bands?"
Nakangiting tumango si manager sa akin at may kinuhang papel sa likod niya.

"Battle of the bands; the final round will be held this coming 24th of December, 7:00 to 12:00 pm. First elimination will be this coming November 28 3:00 pm, five groups will be eliminated, second, December 5, 4 bands will be out, and lastly third elimination December 20 five day before the finals, 6 bands will be eliminated. Every band is required to join the battle, wether they like it or not."

Ang saklap naman, pero challenging since may mga matatanggal sa elimination rounds.

"And what's the prize?" Tanong ni Nico at mukhang nathri-thrill na siya, that's Nico for you, makulit man pero pagdating sa mga ganitong bagay ay seryoso siya.

"That's secret." Sabi ni manager.
Hmm... mas naging exciting ang labanan sa side ko hindi ko lang alam sa iba.

"*yawn* so you called us out this early to tell that?" Mataray na tanong ni Toshihiro.
May point siya.
"Well, MY company is holding a training caml for you." At tinuro kaming lahat. Does she mean that kasama namin sila?
"Yes, magkakasama kayo, pero syempre simula ngayon ay rivals ang status ninyong dalawang group."

"Wait! Kung rival kaming dalawang band, bakit niyo pa kami ipagsasama?"
"Malalaman niyo rin 'yan pag nagsimula na ang training camp. *CLAP!* and so, umuwi na kayo at mag pack, i'll fetch you at 8:00 am. Don't bring unnecessary things."

Huli niyang sabi at umalis ng office na naiwan kaming tulala lang. Minsan may naaalala akong tao sa katauhan ni manager. Si sir Matt.

Ginawa namin ang sinabi ni manager, pagkarating sa bahay ay nag pack agad ako ng mga gagamitin ko, towel, clothes, under wears, soap, shampoo and so on..
Nagdala na rin ako ng paper dahil baka sakaling mag co-compose.

Pagkarating ng 8 ng umaga ay nasa labas na agad ang dalawang van na gagamitin namin.

Pagkapasok ko palang ng van ay nakataas na agad ang isa kong kilay.
"Why are you here?" Tanong ko sakanila.
"We're invited." Sagot ni Ken habang nasa tabi niya si Lyca at Raille na nakangiti.
"I'm a solo performer." Sagot ni Kenneth, well explained 'yung kay Kenneth pero sa tatong 'to? --i mean lima, hindi ko nabanggit ang pangalan ni Edward at Forty, tahimik lang naman silang dalawa.

"Si manager?"
"Sa kabilang Van." Sagot ni Nico na mukhang inaantok pa.
"Halika dito Nico." Aya ko sakanya at binigyan siya ng space sa tabi ko, lumipat naman siya.
"Inaantok ka pa, tulog ka muna." Sabi ko sakanya at kinuha ang pillow na dala-dala ko, incase lang. Ipinatong ko ang pillow sa lap ko at inihiga niya ang ulo niya doon tsaka natulog.

"Imaimashi..." mahinang sabmbit ni Toshihiro, napatingin naman ako sakanya at bigla siyang napalingon sa ibang direksyon.

"Kenneth, mag-isa lang ba ni manager sa kabilang Van?"
"Hindi. Ang alam ko may kasama pa siyang iba doon."  Sagot niya.

"Hmm.." ang dami yatang guest na inaya si manager, i don't know what for.

----
Pagkarating namin sa training camp site-- which is Tagaytay ay nag-ayos kaagad kami sa private rest house ni manager na hindi naman gaanong malayo sa taal, kita parin naman ito pag nasa high place.
'Yung mga kasama ni manager sa kabilang van ay sila sir Matt at may mga hindi pa ako kilalang tao.

"Ladies and gentlemen welcome to my rest house." Masayang pambungad ni manager. Edi siya na ang proud na may rest house dito sa Tagaytay, pag ako magpapatayo ng rest house sisiguraduhin kong sa America 'yun o kaya sa Russia, o kaya sa Korea o kaya sa Japan, pero parang mas maganda sa UK. XD

Lumabas muna ako at naglakad lakad sa paligid ng rest house, heavily secured, nice, may mga guards din na naglilibot.
Nag-stay ako sa likod ng bahay ng ilang minuto hanggang sa nakaramdam ako ng antok, tinatamad na akong bumalik pa sa loob kaya hinayaan ko ang sarili kong makatulog.

----
"Hmmm?" Naalimpungatan ako nang biglang may pumitik sa noo ko, tumingala ako at nakita ang mukha niya. O.O
"Ohayo." (Good afternoon) -Toshihiro, nasa likod parin naman ako ng rest house.
"Hmm." Sagot ko lang at tumango, umupo ako ng maayos at tumingin sa paligid, wala na 'yung mga guards na naglilibot kanina bago ako makatulog.

"Uhmm... Shaina-san." Tumingin ako kay Toshihiro, seryoso ang tingin niya, nakatingin lang siya sa akin, hindi ko mai-alis ang tingin ko.

"Hmm?"
"Listen carefully to what i'll say okay?"
Bakit feeling ko dapat humindi ako?
Tumango ako bilang sagot. I'm stupid and i know that.

"Eversince that i saw you when we're kids..."
Kids? Nagkita na ba kami noon? Wala akong maalala.
"You don't know me that time yet, you're so cute playing with your friends that i can't take of my eyes off you...."
Huminga siya ng malalim.
"The thing is, Shaina-san i'm inlove with you, i don't want us to be just friends, i want to be more than that....
Can i....court you?"
--
"Wha--Ouch!" Napahapo ako ng noo ko, ang sakit. Malay ko bang may poste pala sa harap ko.
Napatingin ako sa poste, pero mali pala tao pa 'yun. Si Kenneth.
Wait. Panaginip lang ba 'yung kanina? Tumingin tingin ako sa paligid, nandoon na 'yung mga guards. Napabuntong hininga nalang ako, buti naman. Hindi ko yata makakaya na marinig ang mga huling salita na sinabi ni Toshihiro.
"Hey." Napatingin ako kay Kenneth.
"Ah. Sorry, ayos ka lang?"
"Oo. Ano bang ginagawa mo at dito ka sa labas natutulog?"
"Sorry."
"Fine, tara na sa loob, you'll catch cold." Tumango ako, malamig na rin eh.
"Achoooo!" -ako.
"'Yan kasi. Matutulog ka sa labas ng walang jacket at naka-shorts ka lang. Geez. Tara na."
Sorry for being stupid. Pumasok kami kaagad pero dire-diretso niya akong hinatid sa k'warto na gagamitin namin nila Emmy at Lexa.
"Stay here, kukuha lang ako ng coffee sa baba."
"K..?"
"Stay here." Utos niya na para akong isang aso, galing ah inuutos-utusan nalang pala ako.

Tulad ng sabi niya, naghintay ako sa loob ng k'warto na parang isang aso.
Wala pa yatang lampas limang minuto ay dumating na siya, ang coffee na sinasabi niya ay naging hot chocolate, with cup cakes.
"I baked those."
Napatingin ako sakanya ng masama, anong gusto niyang sabihin dun?
"Geez. Just eat it."
Nagkibit balikat nalang ako at kinain ang cup cakes, masarap, hindi masyadong creamy, sakto lang ang lasa.
"Sarap" komento ko, hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya busy ako eh.
-----

Something like.... xD sarrey for the lame UD.

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now