☆ Tune Forty Two; Truth

12 0 0
                                    

 (Ina) 

Disguise? Perfect! Walang makaka kilala sa akin neto. Since day off naman naming tatlo walang magawa pinagplanuhan na namin ni Mike na pupunta kaming Cauldwin High para makita kung ano man ang gusto niyang ipakita sa akin. 

"Girls, aalis na ako ha. Bye bye." Hindi ko na sila inintay pang sumagot pabalik agad na akong lumabas ng bahay. 

"Good morning kuya. ay pahatid naman po ako sa Jep-O House." 

"Sige po ma'am." -Kuya driver namin. Tulad ng sinabi ko kay kuya, hinatid nga niya ako sa Jep-O House. Pina alis ko na rin siya kaagad hindi naman niya ako p'wedeng hintayin magdamag eh. Te-textan ko nalang siya kung kailangan. 

Walang pinagbago sa itsura ng Jep-O House. Tsk, wala bang balak magpalit ng style si Ms. Janice? Pumasok ako, wala pang masyadong tao masyado pa naman kasing maaga eh. May mga ilan ilan lang na nag ka-kape. Lumingon lingon ako sa paligid, at ayun natagpuan ko na ang aking target, si Mike. Lumapit ako sakanya, nasa pinaka sulok-sulokan siya nakapwesto. 

"Yow." Bati ko sakanya at umupo sa harap niya. Ngumiti naman siya sa akin.

"So ano na?"

"Bakit hindi muna tayo mag kape at pag usapan ang gagawin natin?" 

Sabagay, pumunta nga naman ako dito ng walang plano. 

"Sure." 

Nag order muna kami ng kape namin bago namin pinag usapan ang gagawin namin. 

---

"Ok." 

Nasa harap na kami ng Cauldwin High, may pasok ang mga students ngayon at saktong class hour nila kaya less hassle. 

"Ms. Hindi po kayo p'wedeng pumasok." Sabi ng guard. Hanggang ngayon ay hindi paring nag re-retire ang guar na 'to? Sipag niya naman kahit na halos wala nang maipa sweldo sakaniya ay nandito parin 'to.

"Ah, kuya, may kailangan lang po akong kunin sa principal na papeles. Kailangan po kasi sa school kung saan ako nagtransfer eh." 

"May permission po bang galing sa school na pinapasukan niyo?" 

Crap. -_- 

"Naiwan ko po eh. Pero totoo po na may kukunin ako sa principal." Pumayag ka na. Tinignan niya lang kaming dalawa ni Mike bago nagbuntong hininga at binuksan ang gate, sawakas. 

Dumiretso kami sa private part ng school, totoo nga mas lumawak ang sakop, wala na 'yung library eh, sayang ang sayang magtago pamandin sa library.  

"Nung una hindi ako sure sa nakita ko pero nung pangalawang dalaw ko na dito ay sigurado na ako." Sabi ni Mike sa mahinang boses. Baka kasi may mga teachers na naglalakad lakad diyan mahuli pa kami. 

"'Yung documents nasa bahay mamaya na natin kunin, hindi ko naman binasa eh.--- Ah, eto na pala." 

Ang former principal's ofice, bago naman na ang appearance hindi na ito magulo, unti nalang ang naka kalat na papel sa sahig, hindi na rin maalikabok meron pa naman kaso konti nalang. 

"Anong meron dito?" Tanong ko. Naglakad siya papunta sa isang book shelf na ngayon ay walang laman. May kinapa siya doon, pagkalipas ng ilan pang minuto ay may nilabas siyang susi. 

"Para sa?" Sinenyasan niya ako ng maghintay muna tapos naglakad siya papunta sa isang pintuan. Pagkabukas niya dito ay pumasok agad kaming dalawa. 

"Nakita ko ang room na 'to na nakabukas nung second time kong pumunta dito, nakasabit lang ang susi na 'to sa pintuan kaya kinuha ko nalang may mga duplicate pa naman eh. Sa loob ng kwarto na nasa loob ng maduming office ay isang malinis na office din, parang may pumupunta dito lagi para linisan ang lugar na 'to." 

Tama nga siya, may malinis na kwarto sa loob ng maruming office na 'to. Bakit hindi ko napansin ang pintuan na ;to noon? Pumasok ako at iginala ang mata ko, ang linis talaga parang may nag lilinis dito palagi. 

Walang alikabok sa mesa. Kinuha ko ang picture frame na nakapatong sa mesa a tinignan ito ng mabuti. 

Eh? 

"Nakit mo na? Ang tanong, bakit ka nandiyan sa litratong 'yan at sino ang mga 'yan?" Tanong ni Mike sa akin. 

Ako nga, may katabi akong dalawang lalake familiar 'yung isa, pero 'yung isang lalake wala akong maalala, nasa likod ko sila mom at dad sa tabi naman nila ay isa ring mas matandang lalake kaysa sa amin---familiar, saan ko nga ba nakita? ---. 

"Tara na, kailangan na nating umalis, malapit na ang break ng students." 

Ibinalik ko ang picture at tumakbo na palabas. Hindi na kami nag abala pang magpaalam sa guard at diretso takbo paalis ng school. Anong meron sa school na 'to? Gamit ang motor bike ni Mike ay pumunta kami sa bahay niya. 

"Hintayin mo na ako dito sa labas." 

Hindi ko alam kung bakit ayaw niya manlang akong papasukin, tumango nalang ako sakanya, baka magulo ang bahay niya kaya ganun. Siguro wala pang limang minuto ay lumabas din agad siya dala ang isang folder. 

"'Yan lahat ang nakuha ko."

"Salamat Mike." 

Ngumiti siya sa akin at pinat ang ulo ko. 

"You're always welcome."

Hinatid niya ako kaagad sa bahay, naabutan kong natutulog 'yung dalawa sa sofa at wala akong balak na gisingin ang mga 'yan. Bahala sila. 

-----

LAME!! -_- Sarrey. 

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now