☆ Tune Three :: Past (part-two)

40 1 1
                                    

(Emmy)

Hi, there. Kilala niyo na ako diba? Ang babaeng mahilig sa libro, sa libro at drums lang ako may interes at wala ng iba. Hindi naman sa totally na wala akong paki sa iba parang hindi lang talaga ako interesado dahil di ko feel na pagka interesan yan.

"Oh, punta lang ako kay aling marting ha, pinapatawag ako eh baka may ipapagawa lang. Sige bye"

At umalis na si Lexa. Si Ina naka tulog lang, lagi naman eh. Tulad nga ng sabi niya pagkain at pagtulog lang ang hobby niya tamad yan eh, pero pag may part time gising na gising yan. Dapat lang dahil kung matutulog pa siya aba palayasin ko yang babaeng yan hindi siya sineswerte na kami lang ang magbabayad ng renta dito sa apartment lalo na't napaka walang kwenta ng umampon sa amin tinaboy lang kami sa kalye noong grade five kami.

Yep! May umampon pero tinaboy lang, ano pang silbi nun diba? Well hindi naman talaga kami dapat nasama sa pag-ampon eh dapat si Ina lang pero sa pagpupumilit niya na isama kami ayun nadamay. At sa kasamaang palad inampon lang kami para may mapabaglibangan dahil mag-isa yung lalaking umampon sa amin pero dumating ang isang babae ayaw sa amin nun, ayaw rin naman namin sakanya ang taray kaya nun. Tapos ayu  mula ng dumating yung babaeng yun unti-unti kaming nilayo sa lalake hanggang naging masama na ang tingin sa amin tsaka kami tinaboy paalis. We end up kay aling marting mabait siya, pero hindi niya kami kinupkup ang sabi lang niya tutulungan niy kami at ayun pinatira niya kami sa isang apartment at binigyan ng mga sidelines para mabayaran yun dahil sa may mga anak siya kaya di niya rin naman kami kaya.

"Ano ka ba naman Ina! Umayos ka nga jan mukha kang oranggutan!" Sigaw ko, aba gumising siya na gulong-gulo ang buhok at may laway pa sa gilid kadiri.

"Heh! Manahimik ka jan! Mukha kang saging lapain kita eh"

Inirapan ko nalang siya. Ganyan naman kami eh bangayan.

Balik tayo paano ako nag-end sa ampunan?

Kasi ganito yun. Nanay ko lasengga, tatay ko tambay sa kanto, meant to be sila noh? Mahirap lang kami, naka tira sa squaters area kung saan puro basura at mga walang kwentang tao ang naka tira. One time nung bata pa ako umuwi yung nanay kong lasing as in hindi tulad nung mga nakaraang araw na lasing nga pero kaya pa ang sarili eh ito? Kahit ano-ano ang sinasabi.

"Ikaw! Bata! Bakit wala pang lutong pagkain dito ha?!" Sigaw niya hindi ko ito pinansin at umiyak. Ano pa bang magagawa ng isang four year old na bata sa isang galit na ina? Edi umiyak nalang, nilapitan niya ako at sinampal ng malakas na halos tumilapon na ako sa labas nga bahay.

"Asan ang magaling mong tatay?! Bertong!!"

Sigaw lang siya ng sigaw ng pangalan ng tatay habang ako iyak ng iyak sa sobrang sakit sa pisngi ko.

"Ikaw! Bata ka! Tumahimik ka ng ayaw mong maka tikim pa!" Pero imbis na tumahan ako ay mas lalo akong umiyak na ikinagalit ng ina ko. Sinaktan niya ako, binugbug, pinalo at lahat na. Sawakas ay naka uwi na din ang tatay pero nilagpasan niya lang akong naka handusay sa lapag, tinatanong ko ang sarili ko, bakit nila ako sinasaktan? Bakit nila ako pinapabayaan? Hindi ba anak nila ako pero bakit ganito?

Ang sakit sa loob ko ang nangyari sa akin. Araw-araw na akong sinasaktan, araw-araw na rin akong nagkakaroon ng mga pasang hindi magamot-gamot. Lumalabas ako ng bahay at kahit ano-ano ang sinasabi tungkol sa akin kesyo isa raw akong punching bag ng nanay kong lasengga. Hindi ko sila sinasagot at naka tambay lang doon na parang ang tatay ko. May batang dumaan may kinakaing tsi-tsirya, naiingit ako nagugutom. Ilang araw ng walang laman ang tiyan ko kungi isang walang lasang tubig. Hindi ko inaasahan na may magbubuhat sa aking ale at dinala sa bahay niya at pinakain. Sobrang saya ko dahil sa may makakain na ako, tinanong niya ako ng kahit ano-ano tungkol sa buhay ko, at inaya akong doon na kumain pag walang pagkain sa bahay. Pinagdala niya na rin ako ng pagkain para sa magulang ko.

Ganoon ang naging sistema ng buhay ko hanggang sa umuwing lasing na lasing ang dalawa. Pinagsisigawan ako at pinagtutulak sa sahig dinikdik pa nila ang mukha ko halos lapain ko na ang sahig namin. Wala akong magawa kundi ang umiyak lang. Bakit ba lagi nalang iyak ang ginagawa ko?

Pinagpapalo, suntok, sipa at lahat na in short bugbug sarado ako. Halos mawalan na ako ng dugo at hininga sa ginagawa nila pero hindi nagtagal ay tumigil din sila ng may dumating, ang mga pulis kasama si Aling Nita ang nagpapakain sa amin.

Nakulong ang tatay at nanay ko habang ako nasa hospital at nagpapagaling sabi ni Aling Nita paglabas ko daw dito sa sa ampunan na ako hindi ako tumanggi kundi ay nagpasalamat sakanya. Napaka buti niyang tao.

Sa ampunan doon ko nakilala ang dalawang iyon. Ang dalawang kaibigan ko na hanggang ngayon ay kasama ko at hindi nang iwan.

"Uy! Si Lexa?!" Sigaw nitong si Ina, bad tril nagdra-drama pa ako eh.

"Ando'n kanila Aling Marting may pinapagawa ata"

"Tara sundan natin baka kailangan niya ng tulong"

Tumango nalang ako sakanya at sumunod.

Nagpapasalamat ako kay Aling Nita dahil kung hindi dahil sakanya baka wala na ako sa mundong ito, at baka hindi ko rin makikilala ang dalawang ito. Utang ko sakanya ang pangalawa kong buhay, pangako ko na iingatan ko ito para maka bawi sakanya balang araw.

---------

:)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now