☆ Tune Thirty Eight :: Sisters (2)

20 0 0
                                    

(Still Lyca's POV) 

Nandito na kami sa bahay nila Janice, may ibang kasamang lalake na bet ko ay kasama rin sa plano nila. Naka ngisi sila habang tinitignan ako. Sige titigan niyo lang ako mga punyeta kayo. 

"Sige jan lang kayo ha gagawa lang ako ng inumin natin." Paalam ni Janice. Naiwan kaming lahat doon kasama si Ken, katabi ko siya ngayon dito sa isang couch. 

"So, ikaw 'yung kapatid ni Annika diba?" Pagtatanong ng isa, hindi ko gusto 'yung tono ng pananalita niya kaya naman ay inirapan ko nalang siya, ano ba talagang gusto nila sa akin? 

"Hehe, pagpasensyahan niyo na pinsan ko ha, medyo wala lang siya sa mood. Ah kaibigan ba kayo ni Janice?" 

"Ah... oo... Kaibigan niya kamimula noon pa. Kami nga laging gumagawa ng mga gawain na para sakanya eh. Ikaw ba 'yung boyfriend niya?" 

"Ah.. oo. Ako nga, Ken pala." 

"Jake." Nakipag kamay sakanya si Ken. 

Dumating na si Janice na may dala-dalang juice inilapag niya sa amin kung ano ang para sa amin. Uminom agad si Ken at mukhang sarap na sarap siya. 

"'Wag ka ng mahiya Lyca tikman mo 'yang juice masarap 'yan." Sabi ni Janice. Hindi ko siya pinansin at hindi ko rin 'yun ininom mamaya may kung ano siyang nilagay jan. 

"Ah, CR muna ako ha." Paalam ko sakanila at umalis doon, pumunta akong kusina at hinanap ang CR. 

"Walang CR jan. Doon sa kabila pa 'yun." Lumingon ako sa nagsalita. 'Yung lalakeng maangas kanina na si Jake.

"Ah, ganun ba, sige salamat." Lalampasan ko na sana siya kaso bigla niya akong hinila at tinakpan ang bibig ko. Sinandal niya ako sa pader ng kusina. 

"Ang ganda mo nga tulad ng sabi ni Annika." Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang isa niya pang kamay. 

Peste na 'to.  Pwersahan kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. Ang panget ng lasa eh. :3

"Anong kailangan niyo ha?" 

"Alam mo na dapat 'yan. At 'wag kang mag-alala walang makaka rinig sa tin dito dahil pati ang uto-uto mong pinsan ay hilo na rin kasama niya na si Janice." 

"Mga hayop kayo. Wala kaming kasalanan sainyo!" 

"Saamin wala pero kay Annika, meron. Inagaw mo ang atensyon ng daddy niya." 

"FYI, daddy ko rin 'yun. at hindi ko iyon inagaw sadyang mas lamang lang ako kahit na anak ako sa labas."

Kalmado man ako kung tignan pero sa loob ko ay kumakabog na ang puso ko.

"Tapang mo ha. Hindi bale 'di yan uubra sa akin." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, at sinimulan akong halikan ng marahas  sa leeg.

Pinipilit kong kumawala pero malakas siya, pinagpatuloy niya parin ang ginagawa niya hanggang sa nahubaran na niya ako. 

Nagsisinungaling lang ba ako kanina nung sabihin ko na mali sila ng binangga? Mahina ba talaga ako? Gusto kong kumawala pero 'di ko kaya. 

Si Forty.... Si Forty lang at Dave ang p'wede kong tawagan sa ngayon pero hindi ko kayang tawagan dahil nasa couch ang phone ko at nasa kusina naman ako. 

Habang busy siya sa ginagawa niya ay kinuha ko ang pagkakataon para sipain siya sa JUNIOR niya. -_- Ayun namilipit siya sa sakit. Tumakbo ako papunta sa couch at hinanap ang number ni Dave at tinext ko agad ang address ng bahay ni Janice ganun din kay Forty. Sana naman ay dumating na agad sila. Tumakbo ako sa pintuan at sinubukan itong buksan pero nakalock ito sa labas. Nagulat nalamang ako ng may humawak sa akin sa balikat at pinaharap. 

"Hindi ka na makakalbas dito!" 

Sinampal niya ako ng malakas napahiga ako sa sahig, pumatong siya sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. Peste! Forty! Dave... Dalian naman ninyo!.

-

(Forty) 

Naantala ang pakikinig ko ng music ng biglang may nagtext 'di ko na sana papansinin pero nakita ko ang pangalan ni Lyca na nag appear sa Screen kaya binasa ko iyon. 

Isang Address, at dalian ko daw ang pagdating. 'Yun lang. Pero may homework pa ako. Tinawagan ko si Ken para siya na ang pumunta pero walang sumasagot. Tinawagan ko ulit pero wala parin, tinawagan ko rin ang number sa condo niya pero wala rin. Anyare doon? Imbis na tawagan ko nalang ulit ay pinuntahan ko ang address na iyon. 

----

Pagkarating ko doon ay naka bukas ang ilaw ng buong bahay kanino naman kaya 'to? Kakatok na sana ako ng may marinig akong nabasag sa loob ng bahay bigla akong kinabahan. Tumakbo ako papalapit sa pintuan at kinatok ko ito pero walang sumasagot. Ayaw ring mabuksan. May nahulog ulit at nabasag. Sinipa ko na ang pintuan nag crack lang ito, inulit ulit ko itong sinipa hangang sa nasira, tumambad sa akin ang magulong bahay pumasok nalang ako ng walang paalam doon sa living room ay may mga bag. Ang isa doon ay bag ni Ken at katabi naman ang bag ni Lyca, kilala ko ang bag ng dalawang 'yun. 

May nabasag ulit. Tumakbo ako kung saan nanggaling ang tunog na 'yun. Sa kusina. 

Napatigil ako ng makita ko ang taong nakaratay doon. Si Lyca. Katabi niya ang isang lalake na nakatayo. Walang saplot si Lyca. Umiiyak pa ito. 

"B--buti du---dumating ka..." Mahina niyang sabi. 

Wala akong pake alam sa nangyari pero bigla ko nalang sinugod 'yung lalake, duguan ang kamay dito wala na siyang lakas para suntukin ako pabalik. Naka ilang suntok ako sakanya hanggang sa mawalan siya ng malay. Binalikan ko si Lyca doon, tinanggal ko ang jcaket ko at binalot sakanya bago ko siya buhatin palabas ng bahay na iyon. 

"Sag--lit.. s-si K-ken.. " 

"Ok... saglit lang.. dadalhin lang kita sa kotse ko ok."

Hindi siya sumagot. Pinunta ko muna siya sa kotse ko bago bumalik sa bahay na yun. 

"Forty!" Lumingon ako sa nagsalita. Si Dave.

"Tinextan ka rin ba ni Lyca?" 

"oo, pero mamaya na ang kwentuhan hanapin muna natin si Ken."

"Bakit?"

"Mamaya ko na ipaliwanag." Pinasok namin ang bahay, bawat kwarto ay tinignan na namin pero walang tao doon. Bumaba ulit kami at hinalughog ang bahay, napatigil kami sa banyo. 

Agad ko itong binuksan. Andoon si Ken naka-upo habang may tali ang kamay at may busal sa bibig.

"Ken! Gising!" 

Niyugyug ko siya hanggang sa magkaroon siya ng malay. 

"h-huh.. anong gi--" Napatigil siya na pagsasalita at napakunot ang noo. Mukhang naalala na niya ang nangyari sakanya.

"Tara  na bago pa may dumating na ibang tao." Pumayag sila at inakay na namin ni Dave si Ken palabas ng bahay. 

Nasa likod ang dalawa at ako ang nag drive nauna na si Dave dahil doon namin sila sa  condo niya muna dadalhin. 

Pagdating namin doon ay tulog si Lyca, may pasa sa pisngi habang si Ken naman ay naka kunot parin ang noo. 

"Guys. Upo muna kayo, nasa kama na si Lyca." Sabi ni Dave. 

"Anong nangyari Ken?" Pagtatanong ni Dave sakanya.

Kwinento niya ang nangyari sa kaniya sa bahay ni Janice ang girl friend niya na siyang gumawa sakanya nun.

----

Note: Malay ko kung paano napunta jan ang kwento :3  

The Angels VoicesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora