Special Chapter

35.9K 1K 118
                                    

Hannah POV

"Hunter! Ano ba! Bakit ba antagal mo?!" Iritang aniko habang hinihintay ang lalaki sa may pintuan ng condo namin. Ang lalaki ang may sabing may pupuntahan kaming party pero siya pa itong kanina ko pa hinihintay.

We've been living together for almost eight months now. Engaged for almost a year and a half, and yet Hunter isn't talking about nor making any plans of our wedding. Masasabi pa ngang parang nagli-live in lang kami. Hindi ko maintindihan kung nagdadalawang isip na o baka tuluyan ng nagbago ang isip ng lalaki. Although he is the same Hunter who is sweet and funny and Ghawd! The sex was way even better than before. Kulang na lang talaga ay ang kasal. And I was always expecting him to talk about it but... nada! Not a single word about it.

"Coming baby!" Rinig kong sigaw din ni Hunter sa akin na ikinaikot ng mata ko. He really is a slowpoke. Ambagal niyang kumilos at napakamitikuloso sa bahay. Parang babae ito sa bagal kumilos at masasabing mas babae pa ito sa pagka-vain sa damit, pagaayos at kalinisan kesa sa akin.

Pinasadahan ko ang puting gown na suot ko. Isa daw formal black&white party ang dadaluhan namin. Si Hunter din ang bumili ng damit ko at sa itsura nito ng makita ko kagabi ay talagang napatulala ako sa ganda. Base pa lang sa intricate na swarovski design nito ay alam ko ng mahal ito. At ng kumprontahin ko ang lalaki sa presyo ng dress ay nagkibit balikat lang ito at sinabing gusto daw niyang ako ang pinakamagandang babae sa party. I was touched with what he said that we ended up in another tumble in bed.

Pagkalabas ni Hunter ay 'di ko mapigilan ang paghanga sa kanya. He just got off his phone and now he stopped on his track to gawked at me. I smiled widely at him and even turn around for him to see my dress on me in all angles.

Hunter looks dashing too. He is wearing a black three-piece armani suit. He really looked handsome with his hair swept back in a wet look and his stubbles trimmed, he look fresh and neat. He grinned at me too.

"Pogi ba?" Anito sabay pasada sa buhok niyang ayos na ayos.

"Oo na!" Nangingiting aniko. Hunter chuckles as he walk towards me.

"You look stunning baby! Ganda naman ng baby bird ko! I bet maglalaway silang lahat sa'yo sa party! Kahit ako ay naglalaway na eh!" Anito sa akin na ikinahagikgik ko. Halata kasi sa itsura ni Hunter na iba nanaman ang mga tingin nito sa akin habang sinisilip silip ang mababang cleavage ng puting gown ko. At alam na alam ko ang mga tingin niyang iyon.

"Baby, magpalate tayo kahit ten minutes lang... ah... maybe fifteen." Anito habang walang habas na inaabot ang zipper ng gown ko na agad ko namang pinalo ang kamay niya.

"Hey! We're late as it is! Lalo tayong male-late sa kalandian mo!" Nagtatawang aniko ng makitang seryoso ang mukha ni Hunter sa sinasabi nito. I heard him sigh in disappointment.

"Kahit five minutes?" Hirit pa nito na animo'y nagtatampo.

"Stop it Hunter! Ang hirap ayusin ng buhok ko ha!" Aniko sa lalaki na napakamot na sa batok niya. Itinaas ko kasi ang may sariling buhay na buhok ko para matagal na hindi magulo sa party.

"Alright! Alright! Mapapalaban ka sa akin mamaya dahil matagal ang pagpipigil ko!" Nagaalburoto na anito habang kinukuha ang susi ng kotse. Tinawanan ko na lang ang mga sinabi niya at nauna ng lumabas ng pinto.

We reached an anchestral house at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang mga malapalasyong mansyon ng mga Davidsons. Nakakatulala pa din ang magara at malapalasyong mansyon nila. At kahit dalawang beses na akong nakarating ay naroon pa rin ang paghanga tuwing magpupunta kami dito. Nung unang punta ko dito ay ng dumalaw sa Pilipinas ang mga magulang ni Hunter at ipinakilala niya ako bilang fiancèe niya, pangalawa ng ganapin ang engagement party namin na ipinilit idaos ng mga magulang ni Hunter para sa amin.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now