17 Needy

22.5K 596 6
                                    

Hunter POV

I have twelve stitches in my right arm that will remind me of this day when I thought I'll die and the woman sitting beside me will be the cause of my death.

Si Hannah pa rin ang nagda-drive, and there is something in the way she grabs hard on the steer, and how her eyes looks anxious while she's driving. Balisa siya at may mabagal pa rin ang kanyang pagpapatakbo. Pabalik na kami sa city at ramdam ko na din ngayon ang sakit ng braso ko. Siguro kanina ay hindi ko pa masyado iniinda iyon o kaya naman ay may epekto pa ang anestisya kanina sa hospital, pero ngayon ay unti-unti ko ng ramdam ang kirot noon. I groaned when I tried to move my injured arm.

"Masakit ba?" Tanong ng dalaga nang mapansin marahil ang pagngiwi ko. Malambing din ang tono ng pagkakatanong niya. Himala.

"Oo. Makirot. Wala na siguro ang epekto ng anestisya." Sagot ko sa dalaga.

"We'll buy you painkillers kapag may nadaanan tayong botika." Ani Hannah na tinanguan ko na lang. Mukhang paligid-ligid siya ng tingin habang nagdadrive, marahil naghahanap ng drug store. Gusto ko na lang ay makauwi pero heto siya akala mo nasa pasyalan sa bagal.

"Stop looking for some goddamn drugstores! Step on the gas, woman. Ang layo pa natin at mukhang gagabihin tayo sa bagal mo mag-drive?!" Iritang aniko sa babae. Mas lalo kasing bumagal ang pagdadrive nito at gusto ko ng makarating agad ng makapahinga.

"Ugh! You are really irritating! Sana 'yang bibig mo na lang ang tinahi!" Anito na ikinaingos ko.

"I just want some rest. This wound hurt like shit!" Inis na sagot ko

"'Di matulog ka diyan! Walang pumipigil sa'yo! I hold the steer. Ako ang masusunod sa gusto kong bilis." Matapang na sagot ng dalaga. Pero palinga-linga ito sa paligid at sa side mirror na para bang balisa siya at 'di mapakali.

"Baka naman hindi ka talaga marunong magdrive?" Panghuhuli ko sa dalaga. Kanina pa kasi siya kabado.

"I know how to drive okay?! Hindi na lang ako sanay. I stopped driving two years ago." Anito na ikinakunot ng noo ko.

"Don't tell me your driver's license is expired?!" Ngumiwi ang babae na animo'y nasapol.

"Why didn't you say so?!" Sigaw ko sa babae.

Pahamak talaga ang babaeng ito kahit kailan! Driving with an expired license?! Fvck!

"Pwede relax ka lang?! Are you always freaking out?! Oo expired na, pero kung gusto mo talaga magdrive, sige ikaw na!" Iritang sagot niya sabay tinapunan niya ako ng naghahamon na tingin na ikinabuntong hininga ko na lang. Kahit gusto kong agawin sa kanya ang manibela ay hindi ko naman kayang magdrive sa kalagayan ko ngayon. Hinayaan ko na lang ipagpatuloy ng dalaga ang pagdadrive.

Maya-maya pa ay ramdam ko na ang pagkahapo ng katawan ko marahil sa adrenaline rush kanina o dahil sa nawalang dugo sa akin, hindi ko na masabi. I closed my eyes as I felt the sting in my right arm.


Nagising ako sa mahinang haplos sa braso ko. Mukha agad ni Hannah ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mata. Napangiti ako sa ganda ng nakamulatan ko. Pero nawala din iyon ng bumuka ang bibig ng dalaga.

"Nandito na tayo. Baka naman magpabuhat ka pa?!" Sarkastikong anito sabay dumeretso siya ng tayo. Okay na sana ang dalaga, maganda, sexy, matangkad. Panira lang talaga ang pananalita nito. Lumabas na lang ako ng kotse at naaninaw ang condo ko. Natandaan marahil iyon ng dalaga nung huling dinala ko siya sa condo ko.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now