41 Reciprocated

21.2K 561 14
                                    

Hannah POV

Muli kong pinasadahan ng tingin ang mukha ko sa dala kong maliit na salamin at ng makitang walang kalat na lipstick at hindi pa nagwawala ang buhok ko mula sa maingat kong pagkakaayos ay ibinalik kong muli ang salamin sa loob ng pouch ko.

Masasabing pinaghandaan ko talaga ang araw na magkikita kaming muli. Suot ko ang bagong bili ko na white sleeveless blouse at skinny jeans na hapit na hapit sa hubog kong balakang at legs. Sinuot ko din ang red stilletos na pinartneran ko rin ng red lipstick. Kahit papaano ay gusto kong bumawi mula sa losyang kong itsura nung huli kaming magkita. I wanted to show him that I too, have already moved on kahit na ba hindi pa. Hinding hindi pa.

Tinanaw ko ang kotse na pumarke mula sa bintana ng pinagbebenta kong bahay. Animo'y nagrigudon naman ang kalooban ko sa pinaghalong excitement at kaba.

Narito na siya!

Mula nga sa pagkaka-park na kotse ay lumabas ang naka casual na binata. Nakasuot lang ito ng itim na t-shirt at light gray shorts at brown sperry na sapatos.

Tumingala ang binata ng mapansin marahil ang pagtitig ko sa kanya at ng magtama ang aming paningin ay pakiramdam ko ay kumabog muli ng malakas ang puso ko na nagpatunay lang ng pagtatanggi ko sa lalaki. He slightly smile at me which I returned with an awkward smile.

"Good morning! You want some coffee?" Pambungad ko sa binata ng makalapit na siya sa akin.

"Good morning Hannah. And no, I already had my cup." Seryosong sagot naman ng binata.

I cleared my throat dahil mukhang nagbabara iyon tuwing binabanggit ng lalaki ang pangalan ko. Napaka-sexy kasi ng pagtawag nito sa pangalan ko. Walang pagbabago, tulad pa rin ng dati ang epekto sa akin ng lalaki.

Hunter's eyes began to roam up and down on me. His eyes are thorough and his forehead creased. Kahit ako ay pinasadahan ko din ng tingin ang kabuuan ng lalaki. At ng magsalubong ang mga mata namin ay sabay pa kaming nag-iwas ng tingin. It was still awkward, same as the last time we talked.

"Uhm... okay, so shall we start?" Basag ko sa katahimikan na tinanguan naman ng binata.

"Nakita niyo na dito sa receiving room diba, I'll show you the rooms upstairs." Aniko sabay nauna na akong lumakad papunta sa hagdan. Ng bahagyang tanawin ko ang binata ay halos mamali ako ng step sa hagdan ng makitang nakasunod ito at titig na titig sa pwitan ko.

Napailing ako at 'di ko napigilan ang mangiti. Ganon pa rin ang binata, hindi pa rin ito nagbago.

He is still the Hunter I know who likes to take a peek at my butt.

"So... here we have five rooms including the master's bedroom. These are the receiving room and at the end of the hallway is the master's bedroom." Aniko sabay bukas ng mga pinto habang pinapalibot ng binata ang tingin sa mga kwarto. Hindi naman ito nagsasalita at mukhang tahimik lang na nagmamasid. Pinagpatuloy ko ang pagtu-tour hanggang sa umabot kami sa dulo ng hallway kung nasaan ang master's bedroom.

"This is the master's bedroom. As you can see, fully furnished na ang kwarto. Kasama na ang kasangkapan sa naging presyo, modern minimalist is incorporated in this room. This room is also designed to overlook the whole city." Aniko sabay bukas ng bintana na nagpakita ng kagandahan ng tanawin mula sa bintana ng kwarto na sanhi para pumasok ang malamig na simoy ng hangin at ang araw na may kalamlamang init.

I breath in deeply, smiling slightly at the heavenly sight. Mabilis na niligon ko sa aking kaliwa ang lalaki para tignan kung nagandahan din siya sa tanawin pero ng tignan ko si Hunter ay sa akin lang siya nakatingin. At mukhang hindi man lang niya tinignan ang kabuuan ng kwartong pinapakita ko sa kanya. He looked somehow in a trance and he is looking at me intently.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now