15 Getaway

21.8K 650 56
                                    

Hunter POV

Pagkaakyat ko sa masukal na daan ay unang bumungad sa akin ay ang likod ng nakatayong dalaga habang nakataas ang dalawang kamay. Sumunod ay ang malawak na dagat na matatanaw mula sa kinatatayuan namin. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong nakatayo kami sa isang mataas na cliff.

Nalintikan na! Ano ito?!

Paglapit ko sa dalaga ay halos mahilo ako sa taas namin at sa lalim ng pwede kong ikabagsak o mas pwedeng sabihing ikamatay.

"Ah... Hannah... Anong ginagawa natin dito?" Kabadong tanong ko sa dalaga na pilit kong ikinukubli ang pagkataranta ko. Pero hindi ako sinagot ni Hannah. 'Ni hindi niya yata ako narinig. Nakataas pa din ang kamay niya nang nilingon ko na siya.

Then what I saw made my world stops and my heart skips a beat. I'm mesmerazied with the way she looked. Her eyes are close and there's a contented smile on her lips. Her wild hair is being swept by the hard wind but it only softened her features. Her upturned face was welcoming the ray of the sun. She looks so... carefree, so entralling and captivating. She looks like a goddess worshipping her land.

"Ate Hannah!" Anas ng maliit na boses na nagpapuknat sa paninitig ko sa dalaga. Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ang tatlong batang lalaki, lahat ay may malawak na ngiti.

"Buchok, Kiko, Pipoy. Kanina pa kayo?" Salubong naman ni Hannah sa mga bata. Napansin kong iba ang tono ngayon ni Hannah, nawala ang pagkamalamig noon at magiliw na niyakap niya ang mga dumating na bata.

"Kanina ka pa po namin hinihintay." masayang ani ng pinakamatangkad sa kanila.

"Binili ko pa kasi 'yung bilin ninyo, Pipoy." Sagot naman ni Hannah

"Talaga Ate Hannah? Dala mo yung trak ko?" Excited na ani ng pinakamaliit na bata.

"Oo naman buchok. Teka..." agad na binuksan ni Hannah ang dala niyang malaking bag. Nilabas niya doon ang laruan na truck at binigay iyon sa bata.

Animo'y manghang-mangha naman ang tatlo at naglakihan ang mata sa inilabas ni Hannah.

"Wow ate Hannah! Ang ganda nito!" Sigaw naman ng isa pang bata.

"Oh, 'di ko nakalimutan ang sa'yo Kiko! O heto na 'yung robot mo." Magiliw na ani Hannah sabay labas muli ng isang malaking kahon mula sa bag niya.

Nagtatalon naman sa tuwa iyong tinawag niyang Kiko. At mabilis na niyakap si Hannah.

"Salamat ate Hannah!" Masayang sigaw ni Kiko. Tinapik lang ni Hannah ang bata sa likod at nginitian.

"Heto naman ang sa'yo Pipoy, ikaw pa ba ang kalimutan ko. Heto ang bilin mong bola." Ani Hannah at naglabas muli ng isang basketball ball. At binigay niya iyon sa may katangkarang bata.

"Ate Hannah, salamat po!" Masayang ani ni Pipoy sabay siko kay Buchok.

Napangiti ako sa nasaksihan. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala kabait ang dalaga. Kaya pala ang bigat ng bag nito habang bitbit ko kanina.

"Magpasalamat ka kay Ate Hannah!" Ani Pipoy sa siniko na pinakamaliit na bata na busy na paglalaro sa truck na laruan niya.

"Ay salamat po pala Ate Hannah! Sino po siya? Boypwen mo, Ate?" Ani Buchok sabay turo sa akin.

Lumingon naman silang lahat sa akin pati na din si Hannah.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now