36 The fight

20.2K 500 15
                                    

Hunter POV

Pagkabukas pa lang ng pinto ni Hannah ay alam ko ng hindi siya nag-iisa base sa itsura nitong gulat na gulat.

"Flowers for my... for you." Aniko kay Hannah habang inaabot ang isang bouquet ng mamahaling wild orchids. 'Yon daw ang pinakamahal na bulaklak doon sa sosyal na flowershop na pinagbilhan ni Vinz ayon na rin sa kanya. At natural na ang gusto ko ay ang pinakamahal para kay Hannah. Nilagpasan ko ng tingin si Hannah at natagpuan ko ang lalaki na naging sagabal sa buhay pag-ibig ko. Prenteng nakaupo ito sa sala ni Hannah. Napabuntonghininga ako at malumanay na ngumiti sa dalaga.

"Salamat Hunter. Ah... nandito siya. Err...pasok ka." Ani Hannah na bakas ang pagkataranta sa itsura nito.

Dumeresto ako sa sala at kita ko pa ang gulat sa mukha ni Marcus ng makita ako. Nilingon niya si Hannah at kita ko ang pagkunot ng noo niya ng makita ang bulaklak na dala ni Hannah. Mapaghinalang sinalubong niya ang tingin ko. Nakita ko naman ang pagkaing nakahain na marahil ay dala ng lalaki, naroon din ang isang bungkos ng pulang rosas katabi ng nakahain na pagkain.

Anak ng tokwa! Mang-aagaw na, manggagaya pa ng style!

"I-ikukuha ko lang kayo ng maiinom. Uhm... ihahain ko na din itong dala mo Hunter." Tarantang ani Hannah habang inaabot ang dala kong pagkain at mabilis na tumalikod para magpunta ng kusina.

"Hard drinks for me, Hannah." pahabol ko kay Hannah na tinanguan lang nito. Kailangan ko iyon para makapagtimpi kahit papaano sa sitwasyong ito. Nakakakulo ng dugo ang makita ang lalaki sa loob ng condo ni Hannah at gustong gusto ko ng bigwasan siya.

Pabagsak akong umupo sa kabilang gilid na sofa na katapat ng lalaking asungot. Mukha namang gusto din niya akong sugudin sa itsura niya ngayon marahil dahil nalinawan na siya kung bakit ako nandito.

Walang nagbabawi ng titig sa aming dalawa. Walang gustong kumurap. Pataliman at patagalan. Nagtitimbangan at nagpapatigasan.

Napuknat lang iyon ng lumitaw na si Hannah at inilapag ang mga pagkain sa lamesa. Umupo siya sa mahabang sofa kaya agad akong tumayo at umupo sa tabi niya, dahilan para tumayo din si asungot at umupo naman sa kabilang tabi ni Hannah. Ang nangyari tuloy ay napagitnaan namin siya. Ramdam ang tensyon sa paligid. Kahit si Hannah ay animo'y natataranta at aburido. Binasag ko ang katahimikan ng isang malakas na tikhim at inabot ang pagkain sa lamesita.

"Ah, hannah... dinalan kita ng paborito mong cassava, heto..." Ani ko kay Hannah habang iniuumang ang tinidor na may cassava. Hannah smiled and open her mouth. Nakangiting isinubo ko naman sa kanya iyon at may mapang-uyam na tingin sa katabi nito sa kanan.

"Hannah, I brought you your favorite pancit. Here." Ani naman ng katabi ko na iniumang ang tinidor na may pancit kay Hannah. Mapang-uyam din niya akong tinignan. Napatiim ang bagang ko sa ginawa ng lalaki.

"You like more, Hannah." Aniko sabay subo muli ng cassava sa babae. 'Di ko na pinansin ang impit na tutol nito. Nag-init ang ulo ko ng subuan din ni Marcus si Hannah ng pansit. Aktong susubuan ko siyang muli ng biglang tumayo ang dalaga. Inabot ang baso ng tubig at uminom doon habang nakatayo.

"Papatayin niyo ba akong dalawa?! Mabubulunan ako sa inyo! Kayo kaya ang subuan ko ng sandamakmak?!" Masungit na ani Hannah habang bahagyang umuubo.

"Okay. Subuan mo na ko, baby." Aniko sa pinalambing na tono sabay ngisi sa lalaki sa kabilang dulo ng sofa.

"Ako hon, ako ang subuan mo." Ani Marcus sabay tingin sa akin ng masama.

"Hay! That was a sarcastic remark! Both of you stop it! Walang kakain!" Inis na ani Hannah habang nauupo at binubuksan ang bote ng whiskey.

Heartless Hannah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon