18 Nurse Hannah

21.6K 594 7
                                    

Hannah POV

Nagising ako ng isang mahinang ungol malapit sa tenga ko. Napatingin ako sa katabi ko at naawa ng makitang pawisan at hinihingal ang lalaki. Hinipo ko ang noo niya at napangiwi ako sa init ng kanyang balat. Agad akong kumuha sa cabinet niya ng bimpo na pwedeng ipunas sa binata, binasa ko iyon para mabawasan ang init ng katawan niya.

Pinunasan ko ang mukha ng lalaki pababa sa matitipunong dibdib niya hanggang sa matigas niyang tiyan. Pinunasan ko siya hanggang sa humupa ng bahagya ang init sa buong katawan niya.

"Hannah..." mahinang ungol nito na nagpakabog ng dibdib ko. Nangangatal na din ang labi ng lalaki at animo'y nagdedeliheryo.

"B-bakit? May masakit pa ba? Dalhin na ba kita ulit sa ospital?" Kinakabahang tanong sa lalaki at idinikit ko ang tenga ko sa bibig niya para marinig ng maigi ang isasagot nito.

"Nilalamig ako." Anas ng lalaki kaya mabilis ko ding itinakip ang kumot sa buong katawan niya.

Shìt! Kasalanan ko ito! Bakit kasi naisipan ko pang itulak siya. Kahit kelan talaga wala na akong ginawa kundi ipahamak ang mga nasa paligid ko.

Nagsisising tinabihan ko si Hunter at ng mag-umpisang manginig ang katawan niya ay natatarantang niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit sa ilalim ng kumot. Gusto kong ibigay ang body heat ko para matanggal ang panlalamig ng binata. Hinimas-himas ko pa ang dibdib ng binata para uminit ang pakiramdan nito. Kalaunan ay nawala na ang pangangatal ng binata at nakatulog na siya ulit. Napatitig ako sa kamay ko na nakapatong sa may tattoo na dibdib ng lalaki. Malaki ang tattoo nito sa dibdib na umabot hanggang sa kaliwang braso nito. Tribal pattern ang tattoo niya na ang gandang pagmasdan. Mas lalong nagmumukha itong maangas. Itinaas ko ang tingin ko sa himbing niyang mukha. May sinabi naman talaga ang lalaki. Gwapo ito, maangas tignan ang malalalim nitong mata na kay lagkit laging tumitig kapag ito'y nanlalandi, makapal na kilay, matangos na ilong, at mapulang labi pero bukod sa mga katangiang mapang-akit nito ay naroon din ang bangis sa mga titig nito. Na sa likod ng mala-adonis nitong mukha ay may tinatagong katapangan. Naiintindihan ko kung bakit marami ang nangingilag at natatakot sa lalaki, pero ewan ko ba bakit pakiramdam ko ay maamo siyang tupa sa akin. Na kahit pa nga nakakatakot ang itsura nito kapag nakasinghal ay balewala sa akin iyon. Malakas kasi ang pakiramdam ko na harmless talaga ang binata at gentleman siya kahit na may kapilyuhang taglay. I started trusting him when he took care of me in my drunken state. Kung ibang lalaki siguro ang nakasama ko ay napagsamantalahan na ako.

Sa totoo lang ay malakas ang dating ng lalaki, napatunayan ko iyon ng halos lahat ng kababaihan, may asawa o wala ay napapatulala kanina sa hospital at ang iba ay malanding ngumingiti pa sa binata. Naasar pa nga ako sa hantarang pakikipagflirt nito kahit na sugatan pa siya, wala na itong pinalagpas na pagkakataon.

Tumagal ang pagtitig ko sa bahagyang nakaawang na labi ng binata. Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng isang Hunter?

Bigla ang pagiinit ng pisngi ko sa naisip. Piniling ko ang mukha ko at gusto kong sapukin ang sarili ko ng mapagtantong nagnanasa ako sa walang malay na may sakit. Uusog na sana ako sa pagkakatabi sa binata ng biglang tumagilid at yumakap ang braso nito na may sugat sa bewang ko. Hindi ko iyon maalis sa takot na dumugo muli ang sugat niya.

Na-trap ako sa braso niya at ang mukha niya ay halos nakadikit na din sa mukha ko. Muling tinambol ang dibdib ko sa pagkakalapit ng binata. Napapansin kong laging ganito ang tibok ng puso ko tuwing lumalapit ng ganito kalapit ang binata sa akin. Napapikit at napasinghot ako ng maamoy ang hininga na ibinubuga ni Hunter. Amoy mint iyon at amoy na amoy ko din ang masarap sa ilong na pabango niya.

Now I know why girls are going crazy over this guy. He really is yummy.

Natatawa ako sa tinatakbo ng isip ko. Kahit papaano ay nalilibang ako sa mga antics ni Hunter. Natatawa din ako minsan sa sobrang yabang nitong mga comments, ang sobrang bilib nito sa sarili at nag-eenjoy ako kapag sinasagot sagot niya ako. He annoyed me a lot too, but in a good way. He is entertaining.

Halos nakakalimot na ako. Buong araw nga ay halos hindi ko na naisip ang lalaking inalayan ko ng puso ko. Hunter's candid antics and overconfident remark makes me forget my past.

Maybe for now, all I need is a distraction like Hunter. He can be a friend I need. His companionship somehow ease this pain in my heart, and soon, I hope, I will learn to forget everything...

I will forget him... like how he had forgotten me...

Heartless Hannah (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora