40 Six months late

21.6K 555 36
                                    

Hannah POV

Hinabol ko ng tingin ang lalaking naka-suit na kasing tangkad at kasing katawan ni Hunter pero kahawig lang pala iyon ng lalaki. Malungkot na pinaandar ko na ang kotse ko ng may mga asar na bumusina na sa aking likod. Kanina pa pala go ang signal light and I am causing a small traffic.

I can't help the sigh that escaped my lips. I really miss him. I miss him so damn much!

Pagkatapos kasi ng engagement kuno ko kay Marcus ay hindi ko na mahagilap si Hunter. Ang sabi ni Vinz ay umuwi daw ito sa America kung nasaan ang mga magulang nito.

I tried calling him pero na-cut na yata ang linya ng lalaki. I tried stalking him in his social media account only to find him looking happy with his family, smiling ang looking like he already moved on. I tried to message him but everytime I have to hit the send button, napapadelete ako. I wanted to explain to him personally. I came to a point na gusto ko na siyang sundan para makapagpaliwanag ako. I already have my flight details pero ng magcheck ako ng status niya ay halos mamugto ang mata ko kakaiyak sa litrato doon ng lalaki na nakaakbay sa dalawang blonde na babae at ngiting-ngiti, with the caption... 'partying with my girls!'

He looked like a man who already moved on and that fvcking hurts!

Six months. Ganun na pala katagal na hindi ko nakikita ang lalaki. Nakakabaliw ang kalungkutan. I wanted to do something about it pero nauunahan ako ng takot. Takot na hindi na niya ako talagang mahal. Takot na naka-move on na talaga ang binata sa akin. Takot na iyon ang maging realidad ng sitwasyon ko.

Pinarke ko ang kotse sa tabi ng resthouse na binebenta ko ng mapansin na may isang kotse na din na naroon. Even the black car reminds me of Hunter. Katulad kasi ng nakaparke na kotse ang kotse kung saan unang may nangyari sa amin ni Hunter.

Great! Nauna na ang buyer keysa sa seller! Damn! Malala na ako... even a car reminds me of him...

Humugot ako ng malalim na hininga at tiningala ang bahay na binebenta ko. It's a three story house na pinagawa ko na dapat ay magiging bahay namin ni Marcus. It looks more like a resthouse dahil sa overlooking view nito ng tagaytay. I got this from winning all those swimming competition I joined.

Ibebenta ko na ito dahil nakapagdesisyon na akong tanggapin ang trabaho sa The Strait Times newspaper na naka based sa Singapore.

"Ma'am Hannah! Pinapasok ko na sa sala ang mga bisita niyo." Ani ni Aling Belen ng salubungin niya ako sa pagbaba ko ng kotse. Nginitian ko si Aling Belen, ang caretaker ng bahay ko.

"Salamat po Aling Belen. Puntahan ko po muna sila." Ani ko sa matanda. Ang sabi kasi ng estate broker ko ay couple raw na balak ng mag-asawa ang bibili ng bahay ko. Tamang tama naman kasi ang bahay ko na pang couple talaga na balak ng malaking pamilya. Childproof ang buong bahay at may anim na kwarto na tamang tama sa magiging anak ng magmamay-ari.

Binilisan ko ang lakad ko papasok ng bahay at ng makapasok ako ay napatigil ang aking paghakbang sa taong nakatayo na naroon. Gaya kanina ay kasing hubog din ni Hunter ang lalaking nakatalikod at nagmamasid ng painting na naroon. Ang kaibahan lang ng kanina at ngayon ay... ngayon ay bumibilis ang pintig ng puso ko. Pahiwatig na iyon na ang ngayon ay hindi na hinala at sadyang narito na ang dahilan ng paghuhumerentedo ng puso ko na lalo pang humigit ng biglang humarap ang binata.

Pareho kaming napatulala sa isa't-isa. Parehong nanlaki ang mata sa gulat at parehong hindi nakaimik.

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko gusto ko siyang takbuhin at maglambitin sa leeg niya para sa isang mahigpit na yakap at halikan siya ng sobrang diin.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now