20 Date

20.2K 568 3
                                    

Hannah POV

"Hi! Can I buy you a drink?" Ani ng lalaki sa kaliwa ko. I took a quick glance at the guy. He isn't bad looking, he even looks cute with his boyish smile but I don't fall for those lines he used. I raised my drink at him to show him I already had a drink.

"I can buy my own, thank you." Pagtataboy ko sa lalaki. He grinned at me and moved closer. He is really making a move on me.

"I insist. Your next drink is on me." Anito sabay kindat sa akin. I chuckled, it seems like, men like him doesn't easily give up. They think that they can get laid by being persistent and buying girls some drink. Tatarayan ko na sana ang lalaki ng may biglang presensya akong naramdaman na dumikit sa akin. An arm encircled my shoulder and an all so familiar scent assaulted my nostrils. I already know who it is even before I turn my head to him.

"Are you flirting with my girl, Paul?" Rinig kong ani ng pamilyar na boses sa tabi ko. I looked up to my right to see the guy who I saw kissing an almost naked woman in his office a while ago. I saw how he kissed the girl torridly and with so much passion that it made the tiny hairs of my nape stood up. The sight of his intimate moments with a foreigner-looking girl tinted my cheeks. It was my fault anyway, I should have atleast ask his presence down here than barge inside his office.

Binalingan ko na lang ang kausap ko kaninang lalaki para lang makita ang paglaki ng mata ng lalaki at maya-maya lang ay takot na ang mababakas sa mata nito.

"No man! I... I w-was just saying hi. Ah... I got to go Hunter." Ani ng natatarantang lalaki at mabilis ding umalis na ikinaikot ng mata ko. Pagkalayo ng lalaki ay agad kong inalis ang kamay ni Hunter sa balikat ko.

Who knows where did he put those hands just minutes ago?!

Tuluyan namang lumayo ang lalaki sa akin na may ngisi sa labi.

"Welcome." Sarkastikong anito sa akin na animo'y sinasabing dapat ay nagpasalamat ako sa kanya para sa pagpapaalis ng makulit na lalaki. I throw dagger looks at him.

"I can actually handle that guy, I don't need to be rescued, I am no damsel in distress Hunter and please, dont call me your girl! Baka marinig ka pa at magselos ang babaeng hubad sa opisina mo." I scrathingly said at him. He guffawed then he sat beside me. Napatingin ako sa paligid, it's still early and only a few people are drinking and dancing.

"Yeah, I don't know why I keep on saving you... " napapailing na ani ng lalaki.

"Her name is Cassie, she is so pissed since I left her to look for you. Nabitin yata." Anito na may mapagbirong tono. What he said somehow made me chuckled. He's still the conceited Hunter I know from two weeks ago.

Manwhóre!

"Yeah right." Sarkastikong sagot ko sa lalaki.

"Anong atin? After two weeks of not even asking how's my injured self?! To what do I owe your visit?" Ani ng lalaki na kinaririnigan ko ng tonong nagtatampo at pagkasarkastiko. Napakunot ang noo ko sa lalaki.

Is he expecting me to check up on him?!

"I'm sorry. Naging busy lang ako. Kamusta na ang braso mo?" Bawi ko sa lalaki. Napailing ito at ngumiti ng mapang-uyam.

"All healed. No thanks to you." Sarkastikong sagot niya sa akin na ikinaikot muli ng mata ko.

"So... What is it?" Pangungulit ni Hunter sa aking muli. Siguro ramdam niyang may pakay talaga ako bakit ako pumunta dito. For the short time that he knew me I guess he already know I won't come here unless I want something from him. I sighed at how obvious I might have been to him. I need his help again and that's why I came looking for him.

Ng makita ko siya kanina na may kaulayaw na babae hindi ko na sana itutuloy ang balak ko. Pero ngayon na mukhang inuna pa ako ng lalaki kesa sa dapat na ginagawa nito ngayon ay muling lumakas ang loob kong idulog sa kanya ang pakay ko. He is putting me first and not all men will do it. I'm quite touched.

I looked at him with all seriousness. At ng makita niya ang kaseryosohan ko ay nagseryoso din siya habang nakatingin sa akin. Pumutol lang sa pagtititigan namin ay nang biglang inilapag ng bartender ang alak na mukhang para kay Hunter.

"The way you are looking at me, I'm pretty sure you need me again." Natatawang ani Hunter sabay abot ng alak niya na pinatong ni Jimmy at ininom iyon. Kabado man pero nilakasan ko na din ang loob ko. I blurted out the words that came into my mind. Bahala na.

"Hunter, Can you be my date?" Ani ko sa lalaki na ikinasamid niya sa alak. Nagtalsikan pa ang laman ng bibig niya sa sahig. Malakas siyang umubo na parang umakyat pa ang iniinom nitong alak hanggang sa kanyang ilong. Napangiwi ako sa naging reaksyon niya.

Man! That must have hurt! Dapat pala hinintay ko muna malagok niya iyon.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now