31 Bird

22.9K 556 29
                                    

Hannah POV

Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ko ay alam ko na kung sino ang makulit na kumakatok doon. Kapag ganitong sunod-sunod ang katok ay isang tao lang ang maaaring gumawa no'n. Napapailing at napapangiti na binuksan ko ang pinto ko.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko ng bumungad sa akin ang bouquet ng wild orchids na alam kong mahal sa itsura pa lang ng naggagandahan at naglalakihang bulaklak at ang nagtatagong mukha ng lalaki sa likod ng bulaklak niya. Kinuha ko agad ang bulaklak at napatitig sa gwapong mukha ng ngiting-ngiti na si Hunter. Lalong lumapad ang ngiti ko at hindi ko maintindihan ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng kumindat na ang binata.

"Wild orchids for my wild baby!" Anito sabay pagtaas-baba ng kilay nito na ikinatawa ko.

"Hanggang sa pagbibigay ng bulaklak naisisingit mo pa din 'yang pagkapilyo mo ha?!" Naiiling na aniko na ikinatawa ng malakas ni Hunter. Tinawid nito ang distansya namin at mabilis na pinaloob ako sa yakap niya.

"I missed you, baby!" Anito na muling nagpakabog ng puso ko. Gumanti ako ng yakap sa binata. Almost one week din kaming hindi nagkita dahil nagkaproblema ang branch nito sa boracay at lumipad ang binata pa-aklan. Isinasama ako ng binata pero marami na akong natenggang trabaho bilang isang sports column writer kaya hindi ako sumama.

"Namiss kita ng sobra! Pahalik nga!" Masuyong ani Hunter na mabilis ding sinakop ang labi ko. It was a hungry kiss. The kind which shows how much we missed each other. Naglakbay ang kamay ni Hunter sa aking pwitan at pumisil doon ng may malakas na bumagsak sa bandang likuran ko kaya napatigil ang halikan namin at napalingon ako.

"Ano 'yan?" Aniko ng mapansin ang nahulog sa kamay ni Hunter na isang red box at mga paperbags pa.

"Oh shìt! Nabitawan ko na! Atat na kasi akong hawakan ka. Pasalubong ko 'yan for you. And this is cassava cake, your favorite food." Ani Hunter habang pinupulot ang box at paperbag.

"Paano mo nalaman?!" Gulat na aniko hanang nakatingin sa box ng cassava cake.

"Ah, tinawagan ko si Tita Izza kinamusta kita sa kanya at naitanong ko kung anong paborito mong pagkain." Nahihiyang ani Hunter na ikinalaki ng mata ko sa kanya.

"Magkatawagan kayo ni mama?!" Gulat na aniko sa binata.

"Nagtanong lang naman ako baby. Hindi mo din kasi madalas sagutin ang tawag ko eh. I was worried about you." Dahilan niya na ikinaikot ng mata ko.

"You have been calling me incessantly! Every freaking day Hunter! Wala akong magawang trabaho kapag lagi tayong magkausap." Pahayag ko na ikinanguso ni Hunter at matinding kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mapangiti sa itsura nito na mukhang nagtatampo.

"Baby, I was just checking up on you. Masama bang i-check ka dito eh lagi ka mag-isa dito sa condo mo." Ani Hunter na lalong ikinalapad ng ngiti ko. Kaya ng hindi ko na mapigilan ay natawa ako sa itsura niya. Napakagwapo kasi nito kapag ganito na siya. Napaka-contrast ng nagtatampong asta niya sa astig niyang itsura. And it's cute. He's so cute and adorable.

"Tara na nga! Kainin na natin iyang cassava cake na dala mo, paborito ko nga iyan." Aya ko sabay hatak sa kamay ng binata papuntang kusina. Naglabas ako ng plato at tinidor habang binubuksan naman ni Hunter ang box ng cassava cake.

"Kamusta ka dito, baby?" Ani Hunter habang iniuumang ang tinidor na may cassava sa bibig ko. Sinusubuan ako ng binata na ikinatitig ko sa kanya. He opened his mouth as if urging me to open mine. Natatawang isinubo ko na lang ang iniuumang ng binata. Ngumiti naman ito na animo'y natuwa sa ginawa kong pagtanggap ng pagsusubo niya.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now