37 win or lose

19.5K 486 12
                                    

Hunter POV

Nakakunot ang noo at sumandal ako sa swivel chair ko ng makita kung sino ang bisitang sinasabi ni Vinz, ngayon ko na lang muli siya nakita at kahit na paano ay may idea na ako kung bakit siya narito.

"Please take a seat..." tumayo ako at itinuro ko ang upuan sa nakangiting dalaga habang naglalakad ito papasok. Agad din itong naupo sa upuang katapat ng swivel chair ko.

"So what brings you here?" Aniko sa dalaga ng makaupo na kaming pareho. Gusto ko na lang sabihin niya agad ang pakay niya na palagay ko ay hindi ko magugustuhan.

"Let's be real here Hunter. You and I have something common. We are both after someone! Tulungan mo akong paghiwalayin sila. If you help me, you will also benefit from it." Umpisa ng dalaga na nagpaangat ng sulok ng labi ko. Tama nga ako sa hinala kong hindi ko magugustuhan ang pakay ng dalaga.

"We are robbed out of the chance to be with someone we love. We are their future, but they kept clinging to their past! We are so close Hunter... so close to be with them..." napatiim ang bagang ko sa sinabi ng dalaga. Hindi ako makapaniwala na naririnig ito sa bibig ng babae, isipin pang kapatid niya mismo ang iniisipan niyang agawan.

"...mapaghihiwalay natin sila kung magtutulungan tayo! I know you deserve Ate Hannah and Marcus deserves me, he is mine! Will you help me Hunter? Tomorrow is Abuela's birthday and I want you to take Ate Hannah away from Marcus. Pilitin mo o gumamit ka ng dahas kung maaari, hindi pwedeng matuloy ang..." hindi ko na siya pinatapos ng malakas na binagsak ko ang palad ko sa lamesa. Napapitlag ang dalaga sa gulat at nanlaki ang mata niya sa akin pero hindi ko na masikmura ang mga sinasabi niya.

Aaminin ko, desperado ako. At ilang araw na akong nag-iisip ng paraan kung paano magiging akin si Hannah, pero ito... itong sinasabi ng kapatid niya ay ni minsan ay hindi pumasok sa kokote ko...

Ang gamitan ng dahas o pilitin siya si Hannah. Ang makipagsabwatan sa babae para lang mapaghiwalay sila, kung talaga bang sila na. Dahil una pa lang ay si Hannah ang iniisip ko at hindi basta ang sarili ko lang na kaligayahan. Kung sakaling sasabihin ng dalaga na hindi ako ang makapagpapasaya sa kanya, masakit man pero tatanggapin ko iyon. Magpaparaya ako.

Pero hangga't sinasabi ng dalaga na nalilito pa siya at huwag skong mawala ay ipaglalaban ko pa din siya. Manalo man o matalo, tanggap ko. Atleast I tried, that's what's important to me.

"Miss Leviste, I'm afraid you got it all wrong, we actually have nothing in common." Aniko na nagpakunot ng noo ng dalaga.

"You may be right that I have feelings for your sister, but to act as if I can manipulate the people around me just so I can have the person I want, that is our difference. I play fair, for I respect Hannah's decisions. And if she decided that she doesn't want me and chooses Marcus, I will respect it." Aniko sa dalaga na ikinadilim lalo ng mukha nito.

"Then you are stupid Mister Davidson, you might as well give her to Marcus. No one plays fair when it comes to love and if you don't use your head, then all will be lost. You will lose her. Hindi mo ba nakikita na nagkakamabutihan na silang muli? At kung hindi pa tayo kikilos maiiwan tayo sa ere na nakatanga at umiiyak!" Halos nanggagalaiti na ani ni Dina. Napabuntog hininga ako. Kahit papaano ay nabahala din ako sa sinabi ng dalaga.

Talaga bang wala na akong pag asa?! Damn!

Mukhang naghihintay naman ng sagot ko si Dina ng muli ko siyang tapunan ng tingin.

"So be it." Matapang kong sagot na ikinailing ni Dina.

"You're a loser then Mister Davidson." Ani Dina na ikinahigit ng hininga ko.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now