27 Firing

24.2K 617 14
                                    

Hunter POV

"Hi!" Bati ko sa dalaga ng pagbuksan niya ako ng pinto. Halata ang gulat da mukha niya ng makita ako. Mukhang kagigising lang ang dalaga, magulo ang buhok, nakatagilid ang sandong suot niya at ang pang-ibaba niya ay isang silk shorts na sa sobrang ikli ay pwede ng pumasa na underwear. Pero para sa akin ang lakas talaga ng dating niya kahit pa mukhang pinagpugaran ng ibon ang buhok niya. I have to admit I missed her a lot. It's been a week of not even seeing her lovely face. And in that one week I realized my need for her only intensified and I think it will be long before I get over this.

"Anong ginagawa mo dito?" Anas ng dalaga. Simula kasi ng may nangyari sa amin one week ago ay 'di na muli nagpakita sa akin ang dalaga. Ako ang hindi makatiis kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong narito sa condo niya at kumakatok.

"Kinakamusta ka... kamusta? I brought breakfast! Aren't you gonna invite me in?" Aniko habang inaangat ang inorder kong bread and coffee mula sa nadaanan kong malapit na coffeeshop.

"Ah...pasok.." anas ng dalaga at tumagilid siya para makapasok ako. Dumeretso naman ako sa kitchen at naglabas ng mga plato sa drawers niya. Hinulaan ko lang kung nasaan ang mga iyon at di naman ako nabigo. I already feel at home at her condo unit.

"So, anong balita sayo?" Aniko habang inilalabas ang bread na dala ko. Naupo lang ang dalaga sa stool seat sa island counter niya habang pinapanood ang mga ginagawa ko. Ihinain ko sa kanya ang kape at tinapay at kumuha naman siya at kaagad kinagatan ang tinapay bago sumagot.

"Ganoon pa rin. What do you really want Hunter?" Anito sa akin na matiim na nakatitig sa akin.

"Hey, I just really want to know how you are. You left quickly the last time." Sagot ko sa babae na tumango-tango lang.

"Come on, magbihis ka.. let's do something." Aniko sa dalaga na ikinakunot ng noo niya.

"Is that something includes a bed?" Anito na nakataas ang kilay na malaka na ikinatawa ko.

"You know it can also be at the backseat of my car but that's not what I am talking about Hannah. Tingin mo ba sa akin laging nandederetso sa kama?! What do you take me for? Tsk! Just come with me. We'll go and have some fun." Sagot ko na kikindat-kindat sa babae, sandaling nag-isip ito pero tumango na din siya at iniwan ako para magbihis.

Pagkasakay namin ng kotse ko ay sandaling pinamulahan si Hannah ng mapalingon siya sa backseat ng kotse ko. Nagkatinginan kami at agad ding iniiwas ng dalaga ang tingin niya sa akin.

"Ito na yata ang paborito kong kotse!" Mapanuksong aniko na ikinalingon agad sa akin ni Hannah.

"Bakit? Ilan na ba ang natira mo sa kotseng ito bukod sa akin?!" Sarkastikong tanong niya na ikinangisi ko na lang bago paandarin ang kotse ko. Sandaling nilingon ko siya at mukhang naghihintay siya ng sagot dahil titig na titig siya sa akin.

"Ikaw pa lang!" Nakangisi at kumindat na sagot ko sa kanya na muling ikinapula ng mukha niya at umiwas siya ng tingin.

------

"Ano ba kasing ginagawa naten dito?" Reklamo agad ng babae na ikinaingos ng labi ko sa kanya.

" 'Di ba nga sabi ko ituturo ko sa'yo ang nagpapa-relax sa akin at ito na iyon." Aniko sabay lahad ng dalawang kamay ko sa shooting range na kung saan paborito kong hang out kapag stress ako. Tumaas ang kilay ng dalaga at pinalibot ang tingin sa nagkalat na target sa harapan at ang malawak na kapaligiran. May isang lamesa lang doon na puno ng baril at ang instructor na nasa gilid para bantayan kami.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now