32 Feelings

20.8K 561 17
                                    

Hannah POV

(Baby, can I come to your condo this morning? I'd like to lick you up... I mean pick you up! We are going somewhere.)

Napatitig ako sa text message na iyon ni Hunter. May ginamit pa itong emoji ng nakadilang smiley na nagpatawa sa akin.

Puro kalokohan talaga ang lalaking iyon!

Natatawang bumangon na lang ako sa kama at dederetso na sana sa banyo ng may marinig akong katok sa pinto ko. Sa pagkakasunod-sunod ay alam ko na ulit kung sino iyon. Siya lang naman ang tao na akala mo ay sisirain na ang pinto sa pagkatok niya.

Ang aga naman ng lalaking ito?!

Pupungas-pungas na dumeretso na lang ako para pagbuksan ang lalaki.

"Good morning my baby bird!" Masiglang bati ni Hunter sa akin.

Grabe! Ang gwapo ng kumag na ito sa umaga samantalang ako eh di pa man lang nakakapagtanggal ng muta!

"Anong meron bakit ang aga mo?!" Aniko sa lalaki na agad naman humalik sa labi ko na hindi ko na naiwasan.

Hala siya! Hindi pa man lang nga ako nakamumog!

"Kakagising mo lang ba baby? Parang mas bagay ang ibon sa leeg mo dyan sa ulo mo. Parang may pugad ka kasi!" Natatawang ani Hunter na ikinaingos ko naman.

Alam ko talagang pasaway ang buhok ko. Wavy kasi iyon at madalas kong plantsahin lang para tumino at kapag sa gabi ay may sapi na at nagwawala.

"Obvious bang kakagising!? Gusto mo ibon mo ang putulin ko at ilagay ko dito?" Sarkastiko kong sagot sa panunukso niya.

"Payakap nga! Di ka na mabiro!" Anito sa tonong naglalambing sabay ikinulong niya ako sa matigas niyang bisig. Napangiti naman ako sa tono niyang nanlalambing at gumanti na din ng yakap.

"Ano 'yang dala mo? Cake? 'Di ko naman birthday ah!" Aniko ng mapansin ang malaking box na dala ni Hunter.

Inakbayan niya ako at giniya sa sala. Ipinatong niya ang malaking cake sa lamesita at umupo siya habang ako ay hinatak niya para mapaupo sa kandungan niya.

"Hindi para sa'yo 'yan!" Sagot ni Hunter na ikinakunot ng noo ko.

"Naalala mo 'yung tatlong batang walang ginawa kung hindi tawanan ako? 'Yung sa Quezon? Para sa kanila 'yan! 'Di ba nangako ka na dadalhan sila ng cake one month ago. At doon tayo pupunta sa kanila ngayon pero mangako ka muna na hindi lilipad ang ibon ko!" Natawa ako sa huli niyang turan pero mas lamang ang haplos ng sinabi niya sa puso ko. Naalala niya pala iyon at ngayon ay inaaya niya ako para matupad ang pangako ko sa mga bata.

Now I am seeing the sensitive and sweet side of Hunter that I am beginning to like a lot. Dati kasi ang tingin ko lang sa binata ay isang egotistic happy-go-lucky na playboy. But now, everything changed and I like what I am seeing in him. He is so sweet.

I'm getting to know the real Hunter...

"Oo na! Hindi na lilipad ang duwag na ibon mo! Sa lupa lang siya dahil isa siyang chicken!" Nagtatawang sagot ko na ikinaismid ni Hunter.

"Hindi chicken ito! Ikumpara mo sa iba at baka sabihin mo isa itong ostrich! The biggest bird you'll ever gonna see!" Kumikindat na ani Hunter na ikinahagalpak ko na ng tawa na sinabayan na din ng tawa ni Hunter.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now