Chapter Thirty-five

2K 77 6
                                    


MAY NARAMDAMAN si Champagne na malamig na bagay sa kanyang noo na gumising sa diwa niya. Umungol siya sa reklamo. Gusto pa niyang bumalik sa pagtulog dahil pagod na pagod siya. She was sore all over and she just wanted to rest all day.

"Sweetheart?"

Napabuntong-hininga si Champagne. Boses pa lang ni James, sapat nang reminder sa kanya ng mga nangyari kagabi. Ramdam niyang nag-iinit na naman, hindi lang ang mukha niya, nang maalala ang lahat ng ginawa sa kanya ng binata. Mabuti na lang at malayo mula sa kanila ang villa nina Ate Jamie dahil natatakot siya na baka narinig ng mga ito ang pag-iyak at pagsigaw niya nang paulit-ulit sa pangalan ni James. Ang galing naman kasi sa kama ng lalaking ito.

Saka ang sarap pala. Masakit sa umpisa, oo. Pero kalaunan, hay. Gusto pa tuloy niyang maulit.

Natupad ni James ang pangako nitong bibigyan siya ng "big O."

Not just once but...

Nakakahiya ka, Champagne Morales! Kay aga-aga, puro kamunduhan ang iniisip mo!

But of course, aside from the (extreme) physical pleasure that James gave her last night, he also made her feel how much he loved her. And that was what made that night more special and more memorable for both of them.

"Miss Morales?"

Napangiti si Champagne nang maramdaman ang mga labi ni James sa kanyang mga labi. Aw, feeling Sleeping Beauty tuloy siya na kailangan pa ang halik ng prinsipe bago gumising.

"Champagne Morales..."

Naawa na si Champagne kay James kaya nagmulat na siya ng mga mata. Sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ng binata na nakatanghod sa kanya. Nakatukod ang mga kamay nito sa magkabilang tagiliran niya habang nakayuko.

Amoy-baby si James at basa pa ang buhok, halatang bagong-ligo. Ang daya nito. Fresh na agad ito samantalang siya, heto, hubo't hubad pa sa ilalim ng comforter.

"James..."

Ngumiti ang binata, at sa pagkagulat niya, kumanta. "The moment I wake up... Before you put on your makeup... I say a little prayer for you... While combing my hair, now... I'm wondering what you're going to wear, now... I say a little prayer for you..."

Napabungisngis si Champagne. Mukhang sineseryoso na ni James na gawing theme song nila ang kantang iyon.

"Forever, and ever, you'll stay in my heart... And I will love you... Forever, forever, we never will part... oh, how I'll love you... together, forever, that's how it must be... To live without you... Would only mean heartbreak for me..."

Hindi na napigilan ni Champagne na matawa dahil sa kilig. "James Grande?"

Ngumiti lang ang binata at nagpatuloy sa pagkanta. "I run for the bus, dear... But while riding I think about us, dear... And say a little prayer for you... At work I just take time... And all through my coffee break time... I say a little prayer for you...

"Forever, and ever, you'll stay in my heart... And I will love you... Forever, and ever, we never will part... oh, how I'll love you... together, forever, that's how it must be... To live without you... Would only mean heartbreak for me..."

Unti-unting nawala ang ngiti ni Champagne nang mapansing seryoso si James nang mga sandaling iyon. Isa pa, mukha itong kabado. Kinabahan din tuloy siya.

Nang huminto si James sa pagkanta, may dinukot itong kahita sa bulsa ng suot na shorts...

Napabalikwas si Champagne, kipkip ang comforter sa katawan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat habang nakatingin sa hawak ni James na kahita. No way! "James...?"

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now