Chapter Sixteen

1.4K 71 0
                                    

"KAPAG sinabi ko bang ang ganda mo ngayon, sasabihin mo na naman na binobola lang kita?"

"Hindi. Sa pagkakataong ito, maniniwala ako sa 'yo at magpapasalamat nang maayos."

"You look really beautiful, Miss Champagne Morales," he said, and he looked like he meant every word.

Siyempre, na-flatter naman si Champagne. Ilang oras siyang nagpaganda at nag-ayos, kaya ngayong nakikita niya ang paghanga sa mga mata ni James, bilang babae ay na-satisfy ang kagustuhan niyang mapansin.

Ngumiti siya, pagkatapos ay ipinatong ang kamay sa braso ni James at tumingkayad para bigyan ito ng magaan na halik sa pisngi. "Thank you, Mr. James Grande. You look dashing tonight."

Halatang nagulat si James sa ginawa niya, pero hindi naman nagkomento. Sa halip ay ngumiti lang na lalong nagpakislap sa kulay-tsokolate nitong mga mata.

Well, he deserved that kiss. Sa lumipas na mga linggo, walang ibang ginawa si Champagne kundi hilahin si James sa kung saan-saang lugar na pinupuntahan ni Kingston, para ma-adapt ng binata ang lifestyle ng best friend niya. Ni minsan ay hindi nagtanong o nagreklamo si James.

She also felt proud of herself. Ngayong nakatayo si James sa harap niya suot ang dark three-piece crisp na pinili niya para dito sa gabing iyon, hindi niya maiwasang isipin na ka-date niya ang kanyang own version of Mr. Perfect.

May pakiramdam siya na magiging maganda ang gabing iyon para sa kanilang dalawa.

Inialok sa kanya ni James ang braso nito. Mabilis siyang umabrisete sa binata na inalalayan siya sa paglalakad. Then, he opened the door of the passenger side for her. Nang pumuwesto naman si James sa driver's seat at nagtama ang kanilang mga mata sa rearview mirror, ewan niya kung bakit pero sabay silang napangiti.

"Alam mo, Miss Morales, gusto kitang itakas," sabi ni James nang buhayin na ang makina, pagkatapos ay pinaandar na ang kotse. "Indiyanin mo na lang kaya ang best friend mo at mag-date na lang tayo? Let's go somewhere nice since we're both dressed up."

"Tsk. Hindi ka talaga payag na dumalo pa ako sa engagement party ni Kingston, 'no?"

"Hindi naman sa hindi payag dahil wala naman akong karapatang pagbawalan ka," paliwanag ni James. "Ang akin lang, ayokong mag-self-pity ka kapag nakita mo 'yong best friend mo at fiancée niya mamaya."

"Wala ka bang tiwala sa 'kin?" natatawang tanong ni Champagne. "Kompara do'n sa ako na nasawi at nang-away ng jeepney driver, sa tingin ko naman, I have taken a step forward. Hindi naman siguro 'yon mawawala dahil lang makikita ko silang magkasama. Isa pa, kailangan kong sanayin ang sarili ko na makita siyang ibang babae na ang kasama. Baka sakaling mabawasan 'yong sakit kapag natanim na sa isip ko na wala na talagang pag-asa."

Ngumisi si James. "Masokista ka rin, 'no?"

"Gano'n ba 'ko katanga sa pag-ibig?" biglang tanong ni Champagne dahil nakikita niya sa mga mata ng binata na hindi ito kumbinsido sa desisyon niyang pumunta sa party ni Kingston. "Tanga ba 'ko para hindi putulin ang friendship ko kay Kingston kahit nasasaktan ako?"

"Oo," mabilis at mariing sagot ni James. "Katangahan 'yan. Tanga ka. Pero may magbabago ba? Mauutusan mo ba ang puso mo na huwag nang mahalin ang best friend mo? Hindi naman, 'di ba? Kaya huwag ka na uling magtatanong kung katangahan ba ang ginagawa mo. Dahil lahat naman ng ginagawa ng mga martir at masokistang tulad mo, katangahan na maituturing."

"Si Google ka ba? 'Dami mong alam, ah," iritadong sagot ni Champagne dahil nasaktan siya sa pagiging prangka at matapat ni James. Heto ang problema ng mga tangang tulad niya. Alam na nga niyang katangahan ang ginagawa, nasasaktan pa rin siya kapag ipinapamukha iyon sa kanya ng ibang tao.

Natawa nang mahina si James. "Sorry, Miss Morales. I didn't mean to offend you. Anyway, hindi pa naman binabaril sa Luneta ang mga tanga sa pag-ibig kaya sige lang. Nasa demokratikong bansa naman tayo."

Napangiti si Champagne. Kung gaano siya kabilis mainis kay James, ganoon kabilis din naman siyang matuwa rito. "Sorry din, Mr. Grande. Mula nang mag-date tayo, naging puro tungkol sa 'kin na lang ang lahat. Sa 'kin at tungkol sa pagkasawi ko. I wouldn't be surprised if you dumped me tomorrow."

Ngumisi si James habang iiling-iling. "Malinaw naman na nakalagay sa ads mo na rebound relationship lang ang hinahanap mo kaya wala naman akong ine-expect sa 'yo o sa relasyon nating 'to. I just want to have fun and hang out with an interesting person like you. So far, nag-e-enjoy naman akong kasama ka at makinig sa mga rants at pagmumura mo."

Doon naalala ni Champagne ang bagay na matagal nang bumabagabag sa kanya. "Mr. Grande, hindi mo sinagot ang tanong ng mga kaibigan ko no'n. Pero gusto ko rin sanang malaman kung ano'ng dahilan mo sa pagsagot sa ads ko?"

Nagkibit-balikat ito. "Nothing serious, really. I was just bored. Then I saw your ad in the newspaper. I thought it would good enough to kill time."

"Tsk. Pampalipas-oras mo lang pala ako," kunwaring paghihinanakit ni Champagne na tinawanan lang ni James. "Pero masaya ako na bored ka nang araw na lumabas ang ads ko."

"Maybe it was meant to be," biro naman ni James. "Ano, Miss Morales? Sigurado ka na bang ayaw mong itakas na lang kita? I know a really good spot where we can watch the stars tonight, you know."

Ngumiti si Champagne at marahang umiling. "Salamat sa alok, Mr. Grande. Pero mas mahalaga sa 'kin na harapin si Kingston ngayong gabi."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon