Chapter Seven

2.3K 94 6
                                    

MUKHA naman siyang nagsasabi nang totoo.

Kahit hindi tipo ni Champagne ang mga tulad ni James, hindi naman niya maipagkakailang guwapo talaga ito at mukhang mapagkakatiwalaan.

Lalong mahirap pagdudahan ang lalaki sa yaman nito sa klase pa lang ng condominium unit na tinitirhan, at ang klase ng kotse na minamaneho. Napatunayan na niyang matino ito dahil hindi siya pinagsamantalahan sa kabila ng pagiging pabaya niya sa sarili.

Ewan lang niya kung totoong single si James.

At kung bakit sumagot ito sa kanyang ads.

"You lied," nakangising akusa ni James. "Ang nakalagay sa ads, ang pangalan mo ay Sharmaine Morales. But it's actually Champagne, huh?"

Muli, nakaramdam na naman ng pagkapahiya si Champagne. Pero dahil mukhang hindi naman nang-iinsulto si James, hindi siya na-offend. "Kinailangan kong gawin 'yon para maprotektahan ang sarili ko. Pero ibinigay ko naman ang totoong phone number ko at nakikipagkita rin ako sa mga tumatawag sa 'kin, ah."

Ang totoo, hindi inilagay ni Champagne ang totoo niyang pangalan sa pag-aalalang makarating iyon kay Kingston. Mahilig pa namang magbasa ng diyaryo ang binata. At halos lahat ng parte ng diyaryo, binabasa nito (maging ang entertainment page mula nang i-date nito si Gypsy). Iyong number na inilagay naman niya sa contact info, bagong bili lang niyang SIM card.

"Point taken," tumatango-tangong sabi ni James. "So, may iba na palang nakipagkita sa 'yo...?"

Nag-thumbs-down si Champagne gamit ang uninjured niyang kamay. "Hindi sila pumasa."

Bumalik ang puno ng kompiyansang ngiti ni James. "What about me?"

Nag-thumbs-down uli siya. "Hindi ka rin pasado."

"Wait, what? You're turning me down?" tila hindi makapaniwalang tanong ni James.

Hinintay ni Champagne na insultuhin siya ng lalaki nang magtagis ang mga bagang nito. Na sabihing hindi siya kagandahan para tanggihan ito. O kaya siyang bilhin ng milyones nito. Na wala siyang karapatang mag-inarte. Taas-noo pa rin siya, inihahanda ang sarili sa kung anong klaseng pag-atake ang ipanggaganti ni James.

Pero mabilis ding kumalma si James. Ang iritasyon sa mukha ay napalitan ng pagkaaliw. Hanggang sa matawa ito habang iiling-iling. "Nagugutom ka lang, Miss Morales. Kumain ka muna. Uminom ka na rin ng gamot at baka nako-confuse ka. You don't turn down James Grande that easily, you know. You just don't."

Now, he sounded like Kingston—so full of himself. "Hindi ka pasado. Ano ang mahirap intindihin do'n? I appreciate na naging gentleman ka at tinulungan mo ako, pero sorry. Hindi ka talaga pasado."

Mataman siyang pinagmasdan ni James. "It's not that you don't like me. Naiilang ka lang dahil sa hindi kagandahang first encounter natin, 'di ba?"

Napasinghap si Champagne. Akmang sasagot siya pero walang lumabas mula sa kanyang bibig. Siguro ay dahil may katotohanan sa mga sinabi ni James.

Pumalatak ang binata. "Don't worry about it, Miss Morales. Nakita mo na rin naman ang lahat sa 'kin so quits lang tayo, 'di ba?" Itinaas nito ang mga kamay para pigilan siya sa akmang pagsasalita. "Plus, I've seen a lot of naked women before. You're not that remarkable compared to them. So rest assured, as soon as I go to bed tonight, I would already have completely forgotten that image of your half-nakedness in my head."

Napasinghap si Champagne. Sinasabi na nga ba niya't gaganti ang ugok na ito dahil nasagi niya ang ego nito! Dinampot niya ang unan gamit ang uninjured na kamay at inihagis iyon kay James na mabilis nakaiwas at muling natawa. "Bastos ka! Ikaw pa nga lang ang nag-iisang lalaking nakakita—" Natutop niya ang bibig nang marinig ang sarili. Nang ngumisi si James, nanlaki ang mga mata niya. "Punyeta..."

Lalong natawa si James. Pinulot nito ang unan, inilagay iyon sa kama, at tiningnan siya na parang aliw na aliw sa kanya. "Kumain ka na nga. I'll just settle the hospital bills."

"Kaya kong bayaran ang hospital bills ko," giit ni Champagne, saka kinuha ang clutch bag niya.

"Kasalanan ko ang nangyari kaya hayaan mo na 'ko," pigil ni James. "Mag-usap na lang tayo pagbalik ko," sabi nito, saka mabilis na lumabas ng kuwarto.

"Kapag nagkaro'n ng bagong bagyo, dapat ipangalan sa lalaking 'yon, eh," bulong niya sa sarili.

James Grande was the kind of trouble that she did not need in her life. Hindi rin niya alam kung bakit, pero hindi siya komportable sa lalaki. Mahirap mang aminin, pero parang ninenerbiyos siya kapag kasama niya ito. Hindi niya gusto ang pakiramdam na ibinibigay sa kanya ng lalaking ngayon lang niya nakilala, kaya mas makakabuti para sa kanya kung lalayo na siya rito ngayon pa lang.

Kinuha ni Champagne ang cell phone niya at nag-e-mail kay Penelope. Oras pa kasi ng trabaho ng kaibigan niya, kaya siguradong hindi nito mababasa ang text message niya o masasagot ang tawag. Pero lagi naman itong naka-online sa messenger dahil sa trabaho nito.

Sinabi niya kay Penelope na nasa ospital siya at nagpasundo sa kaibigan. Mabilis naman itong nag-reply: "OMG! BRT!"

It meant "be right there," right?

Napatingin si Champagne sa braso niyang may cast. Sa totoo lang, ang sakit-sakit niyon. Pero kung papipiliin siya between a broken arm and a broken heart, mas pipiliin niyang mabali na lang uli ang kanyang braso. Bukod kasi sa gagaling pa ang braso niya ay marami pa ring matitirang buto sa katawan niya. Pero ang kanyang puso, mahirap na muling buuin. Higit sa lahat, nag-iisa lang iyon.

"Miss Morales?" nakangiting bati ng nurse na pumasok sa kuwarto niya.

Ngumiti naman si Champagne. Ang nurse na ito ang katuwang ng doktor kanina na umasikaso sa kanya. "Hello."

Inabot ng nurse sa kanya ang ilang papeles. "Heto na ang discharged papers ninyo. Kausap lang sandali ni Doctor Agoncillo ang fiancé n'yo, pero pagkatapos n'on, puwede na kayong umuwi."

Tumabingi ang ngiti ni Champagne. "Fiancé?"

Bumungisngis ang nurse. Kung hindi siya nagkakamali ng tantiya, baka kasing-edad lang niya ito. Pero nang mga sandaling iyon, para itong teenager na kinikilig. "Naikuwento ni Mr. Grande kanina na kaya ka raw napilayan ay dahil sa 'shower encounter' ninyo."

God, gumawa pa ng quotation marks sa ere ang nurse.

"Miss Morales, alam ko kung gaano ka-exciting 'yon lalo na kung gano'n ka-hot si Mr. Grande. Nakakagigil naman talaga. Pero sa susunod, mag-iingat na kayo ng fiancé mo, ha?" anito, sabay kindat.

Akmang itatanggi ni Champagne ang maling akala ng nurse, pero madaldal ang babae at tuloy-tuloy lang sa pagpapaalam at mabilis na lumabas ng kuwarto.

What just happened?

Iniisip ba ng nurse na iyon—at ng lahat ng taong nakausap ni James Grande sa ospital—na nag-shower sex sila ng binata kaya siya nadulas at napilayan?

"Hello, Miss Morales!" nakangising bati ni James sa kanya pagbalik nito ng kuwarto.

Pakiramdam ni Champagne ay umakyat sa ulo niya ang lahat ng kanyang dugo sa katawan. Dinampot niya ang unan at ibinato kay James na sa pagkakataong iyon ay tinamaan na sa mukha. "Tarantado ka, ha!"

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now