Chapter Twenty-two

1.4K 70 0
                                    

COMFORT food: triple chocolate ice cream, check. Favorite movie: My Best Friend's Wedding, check. Lights off, check. Box of Kleenex, check.

Friday night pero wala sa mood si Champagne na gumimik kasama ang mga kaibigan. Si Penelope naman, bukas pa nang umaga ang uwi dahil graveyard shift ito. Kaya nagpasya na lang siyang manood ng paborito niyang pelikula.

Pero hindi naman siya nag-iisa.

Iniabot ni James sa kanya ang box ng tissue paper nang humagulhol siya sa parte kung saan hinalikan ni Julianne si Michael, pero walang naging tugon ang binata. She had to pause the movie to let out all her feelings into the poor tissue paper.

"'Yan ang bad case ng waiting for too long. Pero I commend her dahil hindi ko nagawa ang ginawa niya—ang mag-confess."

Dumalaw si James kanina kay Champagne at niyaya siyang lumabas. Pero dahil wala sa mood, niyaya na lang niya itong manood ng paborito niyang movie. Nasa sala sila, nakasalampak sa sahig. Nakakatuwa na hindi nagreklamo ang binata kahit rom-com ang pinapanood nila. Si Kingston kasi, hindi tumatagal sa mga ganoong palabas dahil mas gusto nito ang mga sci-fi at superhero films.

"That is really one beautiful yet tragic movie," sabi ni Champagne habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi gamit ang tissue paper.

"Talaga? Hindi naman tragic 'yan, ha. Masaya naman sa huli 'yong babae."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Napanood mo na ba ang movie na 'yan?"

"Yes. I've seen it like, one hundred times already."

Binigyan niya ng nagdududang tingin si James.

"True," giit ng binata, saka hinimas-himas ang baba na tinutubuan na naman ng balbas na mukhang wala itong balak i-shave. "My evil sister used to force me to watch Julia Roberts movies with her when we were young. I think 'yan din ang paborito niyang movie dahil ilang beses naming pinanood."

Wala namang dahilan si James para magsinungaling, kaya naniwala agad si Champagne. "Pero kung talagang napanood mo na 'tong My Best Friend's Wedding, paano mo nasabing hindi ito tragic? Hindi naman nakatuluyan ni Julia Roberts ang best friend niya sa movie, ha."

"Pero hindi naman siya iniwan ni George sa huli, 'di ba?"

Wow. Napanood nga talaga ni James ang movie. Si George ang gay friend ni Julianne na pinagpanggap na "fiancé" nito para pagselosin si Michael.

"Pero bakla naman si George kaya hindi sila puwede ni Julianne."

Nagkibit-balikat si James. "So? Ang mahalaga lang naman, eh, kung sino 'yong hindi umalis no'ng panahong kailangan natin sila sa buhay nila. George stayed by Julianne's side until the end. They were even dancing and laughing at the last scene, right? Mukha namang masaya pa rin sila sa huli."

Huh. Ilang ulit nang napanood ni Champagne ang My Best Friend's Wedding pero ni minsan, hindi niya naisip na happy ending iyon. Parati niyang iniiyakan ang pagkasawi ni Julianne dahil hindi nito nakatuluyan ang best friend na si Michael.

Pero ngayon, naiisip niyang tama si James. Si George ang kasama ni Julianne sa huli. Nagsayaw ang dalawa, nagtawanan. Baka nga may posibilidad na naging masaya rin si Julianne at nakamit ang happy ending na hindi nito inaasahan.

"It's all in the perspective, Miss Morales," nakangiting sabi ni James. "Nasa sa 'yo na 'yon kung makikita mo ang isang baso bilang half-empty o bilang half-full."

Parating nakikita ni Champagne ang baso bilang half-empty, kaya siguro madalas ay puro negative things ang naiisip niya. Pero ngayong nasa tabi na niya si James na parating nililinaw ang kanyang isip, lumaki ang tsansa na maka-move on siya agad.

"Thanks, Mr. Grande," sinserong sabi ni Champagne. "That made me feel good."

Ngumiti si James, bumalik na ang kapilyuhan sa mga mata. "You're welcome, Champagne."

Wow. Ngayon lang yata siya tinawag ni James sa kanyang first name. Ang gandang pakinggan ng pangalan niya kapag ito ang nagbabanggit.

"James?"

Lumuwang ang pagkakangiti ng binata. "Yeah?"

Umiling si Champagne, kinakagat ang loob ng mga pisngi para pigilan ang sariling mapangiti. "James."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now