Chapter Thirty-three

1.6K 70 0
                                    

KAHIT injured si Champagne, tumuloy pa rin sila ni James sa pagpunta sa Indulgence Island Club—ang tropical island sa Quezon Province na pag-aari din ng Supremeland Corporation. Exclusive lamang para sa mga member ang private resort na iyon.

Kagustuhan naman ni Champagne ang tumuloy doon dahil matagal na niyang pangarap na mapuntahan ang isla na iyon. Hindi ang munting sprain niya sa paa ang pipigil sa kanya.

Dumating sila ni James sa isla gamit ang private plane ng Supreme Island Club. Pagdating nila sa isla, naubusan si Champagne ng adjectives kung paano ide-desribe ang buong lugar. Pakiramdam niya, wala na siya sa Pilipinas gayong ilang minuto lang ang biyahe nila sakay ng eroplano.

Isa lang siguro ang masasabi niyang best description ng isla: isang paraiso.

May seven villages sa loob ng isla. Ang tutuluyan nina Champagne at James ay ang tinatawag na Rainbow Village. Ayon sa binata, iyon daw kasi ang village na madalas ginagamit ng pamilya nito tuwing nagbabakasyon ito sa isla.

Nang makarating sila sa village, napangiti agad si Champagne nang makita ang makukulay na villas. Bukod doon, kakaiba rin ang disenyo ng mga iyon. The colorful rooms had high ceilings and each had their own balcony overlooking the Pacific Ocean. Ayon kay James, Pacific Ocean na raw ang dagat na nakikita niya.

Lalo siyang namangha nang makita ang malaking tiled swimming pool na sentro ng Rainbow Village. Ang cute ng makukulay na sun loungers at mga parasol na nagkalat sa terrace, ganoon na rin sa paligid ng beach.

Hindi na kataka-taka kung bakit tinawag iyong Rainbow Village.

Grabe, isang village pa lang ang nalilibot ni Champagne pero pakiramdam niya, nasa ibang mundo na siya. Paano pa kaya kung mapuntahan na niya ang iba pang village ng isla?

Huminto si Champagne sa harap ng isang maliit na dining area. Para iyong idinisenyo para sa mga bata. Mababa ang mga silya at mesa na pastel ang mga kulay. Maging ang mga disenyo sa dingding ay nagpapakita ng mga pamosong prinsesa ng fairy tales.

"Para akong nasa loob ng fairy tale book sa village na 'to," namamanghang komento ni Champagne. "Ang colorful ng mga bagay rito at parang ginawa talaga for kids."

Ngumisi si James, pagkatapos ay inakbayan siya. "My evil sister is an architect and she's also Supreme Island Club's chairman of the board of directors. Siya ang nag-design ng Rainbow Village para kina Brianna at Britanny, kaya pambata talaga ang disenyo ng village."

Hindi pa man nakikilala ni Champagne ang kapatid ni James, hinahangaan na niya ito. "I bet your sister is an amazing woman."

Ipinaikot lang ni James ang mga mata. "She's a demon, trust me."

Tinawanan lang iyon ni Champagne. Kahit ganoon magsalita si James, halata naman sa boses nito ang pagmamahal kapag pinag-uusapan nila ang tungkol sa kapatid nito.

Napansin niya na natahimik si James. Hindi ito kasingkulit gaya ng madalas. Noong buong biyahe nila, nagkukuwento naman ito tungkol sa isla pero hindi niya maiwasang mapansin na kung minsan ay napapalayo ang tingin nito na parang may malalim na iniisip.

"James, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Champagne.

Ngumiti ang binata, pero halatang pilit. "Champagne... for two days and one night, we're going to stay in one villa. Are you fine with it or do you want to... I don't know, have your own room?"

Nag-init ang mga pisngi ni Champagne. Ah, iyon pala ang pinoproblema ni James. "Okay lang na... na sa isang kuwarto lang tayo."

"Really?" tila nasorpresang tanong nito.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now