Chapter Fifteen

1.4K 63 0
                                    

HER FRIENDS loved James. Lalo na si Pierre.

Mula nang dumating sina Champagne at James sa nightclub na pag-aari ni Pierre (kung saan ito rin ang resident DJ) ay hindi na nilubayan ng mga kaibigan niya (Eleanor, Vanessa, Isabella, at Penelope) si James sa "interview."

Lahat na yata ng tanong ay naitanong ng mga kaibigan niya kay James. Mula sa educational background ng binata hanggang sa pamilya nito (na kilala naman sa business community dahil, duh, they owned Supremeland Corporation). Mabuti na lang at game ito sa pagsagot at nasasakyan ang trip ng barkada niya.

Ang hindi lang sinagot ni James ay ang tungkol sa dahilan kung bakit ito sumagot sa ads ni Champagne.

"Dali na, sagutin mo na," pangungulit ni Penelope. "Curious ako kasi wala namang nakalagay na picture ni Champagne sa ads. Kaya bakit naging interesado kang sumagot sa panawagan nitong kaibigan namin?"

Ngumiti si James—iyong ngiti na nagpapa-charm. "Does it matter?" Nilingon nito si Champagne. "Ang mahalaga, magkasama na kami. Plus, we enjoy each other's company. Right, Miss Morales?"

Ipinaikot ni Champagne ang mga mata. Magkatabi sila ni James na nakaupo, at dahil nilingon siya nito, nagkalapit na naman ang mga mukha nila. As usual, hayun na naman ang kaba na hindi niya mawari kung saan nagmumula. "Whatever you say, Mr. Grande."

Noong una ay nagtaka ang mga kaibigan ni Champagne nang marinig sila ni James na magtawagan bilang 'Miss Morales' at 'Mr. Grande.' Pero mabilis ding nakabawi ang mga ito at hindi na nagtanong kung bakit ganoon ang tawag nila ni James sa isa't isa. Hindi rin niya alam kung bakit, pero komportable siya sa ganoon. Nasanay na kasi siya.

"James," excited na tawag ni Pierre paglapit ng lalaki sa mesa nila. "You want to play disc jockey, right? I can teach you."

"Cool," sabi ni James, saka nilingon si Champagne. "Miss Morales, huwag kang masyadong magpakalasing, ha? We don't want that to happen again, do we?"

Nag-init ang mga pisngi ni Champagne nang maalala niya ang hubo't hubad na imahen ni James dahil iyon ang siguradong tinutukoy nito. Akmang babatukan niya ang binata pero nahulaan nito ang gagawin niya dahil tatawa-tawang tumayo at mabilis na nagtago sa likuran ni Pierre.

Dahil sa kulitan nila ni James, mukhang may 'nabasa' ang mga kaibigan niya dahil tinukso sila ng mga ito.

"Mamaya mo na 'ko lambingin. 'Pag tayong dalawa na lang," pilyong sabi ni James, sabay kindat. Pagkatapos ay naglakad na ito palayo kasama si Pierre.

"Sira-ulo talaga 'yon," iiling-iling na sabi ni Champagne.

"He's like another Kingston!" sabi naman ni Isabella. "Gano'n din kayo magkulitan ni Kingston noon, eh."

Sumimangot naman si Eleanor. "Just because he acts like Kingston doesn't mean that he can replace him in your heart, Champagne."

"Wuuu. Selos ka lang kasi nakagaanan agad ng loob ni Pierre si James," tukso naman ni Vanessa kay Eleanor. "Paano 'yan? Team Kingston ka. Eh 'yong boyfriend mo, mukhang Team James na."

Ipinaikot ni Eleanor ang mga mata. "Masyado lang friendly 'yong si Pierre. Pero si Kingston ang mas matagal niyang friend at ka-sparring so I'm confident na si Kingston pa rin ang gusto niya for Champagne. Plus, I'm his girlfriend. Ako ang dapat niyang suportahan."

"Eli, ikakasal na si Kingston," paalala naman ni Penelope kay Eleanor. "Lahat naman tayo ginustong magkatuluyan sina Champagne at Kingston. Pero ano'ng magagawa natin? Ikakasal na 'yong tao. Hindi tayo ang pumipili sa love. Ang love ang pumipili sa 'tin. Kaya kahit anong pilit natin, kapag hindi meant-to-be, hindi pa rin talaga."

"Lalim n'on, friend," biro ni Vanessa kay Penelope.

Sumimangot lang si Eleanor.

Natawa naman si Champagne habang iiling-iling. "Minsan talaga, 'yong mga kaibigan mo pa ang hindi maka-move on sa pagkasawi mo, 'no?"

Nagtawanan lang sina Penelope, Isabella, at Vanessa. Samantalang kahit paano naman ay napangiti si Eleanor.

"I'm okay, girls. Hindi one-hundred-percent-na-masaya-na-ako-na-ikakasal-ang-best-friend-ko na okay, pero hindi-na-ako-naglalasing-para-makalimot na okay," sabi ni Champagne. "Wala namang tamang proseso ng pagmu-move on dahil iba't ibang paraan ang nagwo-work for each of us. Siguro absurd para sa inyo 'yong way ko para makalimot. Pero maniwala kayo. Ang pagkakaro'n ng isang katulad ni Kingston sa tabi ko, nakakatulong sa 'kin nang malaki.

"Hindi ko choice ma-in love sa best friend ko. Pero sa tanong na kung ano'ng gagawin ko ngayong nasawi ako, may dalawa akong choice. Ang una, ipaglaban ko 'yong love ko for him kahit alam kong magmumukha lang akong tanga. Pangalawa, ang mag-move on. Girls, choice ko ang mag-move on. Paninindigan ko 'to hanggang sa maging one hundred percent happy na talaga ako for Kingston."

Pakiramdam ni Champagne, ang lakas-lakas niya nang mga sandaling iyon. Na para bang hindi siya umiiyak gabi-gabi tuwing iniisip si Kingston. Pero ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ng mga kaibigan. Isa pa, may isang taong nagpaparamdam sa kanya na malakas siya kahit sawi.

Tumingala siya sa second floor ng nightclub kung saan tinuturuan ni Pierre si James na patugtugin ang malaking disc.

Naramdaman yata ni James na may nakatingin dito kaya lumingon ito sa kanya. He smiled at her and saluted.

Napangiti rin si Champagne. This was her own Mr. Perfect. Magiging maayos din ang lahat hanggang nariyan si James sa tabi niya.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now