Chapter Thirty-one

1.5K 78 1
                                    

PAGKATAPOS pumayag ni Champagne na gawin nang totohanan ang relasyon nila ni James, naramdaman niya na may nagbago na sa pagitan nila. Pareho na silang hindi nagho-hold back. Kung posible nga lang siguro na iposas nila ang isa't isa para hindi na maghiwalay, ginawa na nila. Kung umarte sila ng binata ay para silang bumalik sa pagiging teenagers.

Nang minsang nagsawa sila ni James sa pagkain sa mga restaurant, naisipan nilang magluto na lang ng hapunan sa condo unit nito. Dahil malamig ang panahon dulot ng mahinang pag-ulan, nagluto siya ng sinigang na baboy. Isang putahe lang ang niluto niya dahil nag-take out siya ng pasta sa paboritong Italian restaurant bago nagpunta sa unit ng binata.

Noong kumakain na sila, nagulat si James nang isawsaw ni Champagne sa ketchup ang laman ng sinigang na baboy.

"Argh, that's gross," nakangiwing sabi ng binata. "Ayoko na tuloy kumain ng sinigang."

"Ang arte nito."

Tinawanan lang siya ni James. Sa pagkagulat niya, kinuha ng binata ang pasta at hinalo iyon sa kanin nito. Kinain nito ang pasta na parang ulam sa kanin.

Nalukot ang mukha ni Champagne. "Mas gross 'yan kaysa sa pagsawsaw ng sinigang na baboy sa ketchup."

Ngumisi si James. "So, panalo ako sa competition na 'to?"

"Anong competition ba 'to?"

"Whoever Has The Worst Food Combination contest!" natatawang sagot ng binata.

Pero siyempre, hindi naman inuubos nina Champagne at James ang libreng oras nila para sa isa't isa lang. They spent it with their friends, too.

Nang mabanggit ni Champagne kay James na gusto niyang subukang tumakbo, tuwing weekend ay sinasamahan siya ng binata na mag-jogging sa park sa condominium building na tinitirhan nito. Hanggang sa imbitahan siya nitong sumali sa running marathon for a cause na isinasagawa ng subdivision na tinitirhan ni Magnet.

It was only a three-kilometer run, but she thought she was going to die from exhaustion. Iyon ang unang pagkakataon na tumakbo siya nang ganoon katagal at ganoon kalayo. Naiiyak na siya dahil bawat kalamnan yata niya ay umiiyak na rin sa sobrang sakit. Muntik na talaga siyang sumuko at huwag nang tapusin ang pagtakbo.

Pero nang makita ni Champagne ang encouraging smile ni James na nakatayo sa dulo ng finishing line, bigla niyang naalala ang sakripisyo ng binata para i-'train' siya. Gumigising ito nang mas maaga para lang samahan siyang tumakbo. Kahit sa gabi, imbes na magpahinga na ay sasamahan pa siya nitong mag-jogging kahit isang rounds lang paikot sa apartment building niya.

Dahil doon, nagkaroon si Champagne ng lakas para ipagpatuloy ang pagtakbo. Siya ang pinakahuling runner na nakaabot sa finish line. Pero nang ngumiti si James at buhatin siya na parang proud na proud sa kanya, pakiramdam niya ay siya ang nag-champion.

"I'm so proud of you, sweetheart!" sigaw ni James na ikinatawa ng mga nakarinig, lalo na ng mga kaibigan nito na kasama nilang tumakbo.

Champagne just laughed and cupped his face. Then, she leaned forward and kissed him. "Thank you, James."

Pag-uwi niya sa bahay, naka-tag na sa Facebook at Twitter accounts nila ni James ang pictures nila habang buhat siya ng binata at hinahalikan niya ito. Si Magnet ang salarin.

Dahil sa 'kontrobersiyal' na picture ay pinutakti si Champagne ng mga kaibigan niya na magpaliwanag. Kaya nang sumunod na gabi, si James naman ang nag-hang out kasama ang mga kaibigan niya sa nightclub ni Pierre.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now