Chapter Twenty-three

1.5K 72 1
                                    

"HUH. NAKAKAAPEKTO pala sa self-esteem ng mga babae ang pagiging sawi."

"Siyempre naman. Kapag hindi kami nagustuhan ng lalaking gusto namin, feeling namin, eh, ang pangit-pangit namin. Na wala nang magkakagusto sa 'min."

"Do you feel ugly now, Champagne?"

"I do, James. Pakiramdam ko, tatanda na 'kong dalaga. Mas gusto pa naman ng mga lalaki 'yong mas fresh at mas batang babae. 'Yong tipong nasa early twenties pa lang, 'di ba?"

"I don't know about other guys, but I don't. I think girls that age are too clingy and they're not mature enough to handle serious relationships. Mas gusto pa rin ng mga lalaki 'yong mga babaeng wife material."

"Isa pa 'yan sa problema ko. Matanda na nga ako, hindi pa ako wife material. Dahil sa corporate world, nakalimutan ko na yata kung paano mag-function bilang tradisyunal na babae."

"Sa tingin ko, kailangan mo nang mag-aral ng basic house chores. Hindi naman sa iniisip kong pambahay lang ang mga babae, ha? Pero bilang lalaki, iba pa rin 'yong pag-uwi mo ay inaasikaso ka ng asawa mo. Hindi sa itinuturing namin na kasambahay ang mga asawa. Iba lang talaga 'yong pakiramdam na inaasikaso ka ng babaeng mahal mo."

"Alam mo, susundin ko talaga 'yang advice mo. 'Yan, eh, kung may magkakainteres pa sa 'kin."

"Aw, come on. Twenty-eight is not that old for women to get married, you know."

"Sana nga tama ka. Baka kasi mauna ko pang ma-experience ang big three zero sa edad ko kaysa ma-experience ang big 'O' sa nonexistent sex life ko."

Sa pagkakataong iyon ay natawa si James. Iyong tawang buhay na buhay. Napahawak pa nga ang binata sa tiyan nito habang nangingilid ang luha sa mga mata.

Hindi naman napigilan ni Champagne ang ipaikot ang mga mata. Kapag kasama niya si James, kung anu-ano ang nasasabi niyang hindi naman dapat. Nakakatakot, pero ganoon na siya kakomportable sa binata. God, she could talk to him about anything under the sun!

Nagkita sila ni James sa Hot&Cold para magkape at mag-almusal ng Sabado nang umagang iyon. Pero hindi gaya noon, imbes na sa mesa sa gilid ng bintana, natagpuan ni Champagne ang sarili na nakaupo sa mataas na steel stool sa counter, katabi si James.

Nagsimula ang usapan nila ni James tungkol sa epekto ng mga pagkasawi sa pag-ibig sa mga babae nang dumating si Champagne sa coffee shop na walang makeup, naka-ponytail lang ang buhok, at nakasuot ng simpleng oversized T-shirt, skinny jeans, at sneakers.

Malayong-malayo iyon sa nakasanayan ni James na parati siyang naka-makeup at nakasuot ng office attire na combo ng dress at blazer, o magandang blouse at skirt. Kaya siguro nagulat ang binata nang makita siyang walang kaayos-ayos.

Komento ni James kanina, mukha raw siyang college dropout student. Na sinagot naman niya na wala siyang ganang mag-ayos ng sarili dahil wala naman siyang pagpapagandahan. Doon nagsimula ang usapan nila kung paano naaapektuhan ang self-esteem ng mga babaeng brokenhearted na tulad niya, na nauwi tungkol sa frustration niya dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya nae-experience ang big 'O.'

Fine, hindi na niya dapat binanggit iyon, pero huli na ang lahat para bawiin pa. Pinagtawanan na siya ng playboy na James na ito.

"My poor sweetheart," kunwari ay sympathetic na sabi ng binata na talagang hinimas-himas pa ang tuktok ng ulo niya na para bang alagang tuta. "Gusto mo bang solusyunan ko ang problema mong 'yan?"

Siniko niya si James na ikinasinghap nito, pero natawa rin kaya alam niyang hindi ito nasaktan. "Sira-ulo kang manyak ka."

"Well, hindi ako ang nagsimula nito. Para sinasakyan lang kita. If you know what I mean."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now