Chapter Eleven

1.7K 66 1
                                    

FIRST date sa sizzling-an. Hindi inaasahan iyon ni Champagne sa isang milyonaryong gaya ni James. Kahit si Kingston ay hindi pa siya dinala sa ganoong lugar.

Cora's Sizzling Plate. Iyon ang pangalan ng kainan. Malaki iyon pero mainit, mausok, at puno ng mga tao. Kinailangan din nilang maglakad papunta roon dahil iniwan ni James ang magara nitong sasakyan sa mall na malapit. Wala kasing espasyo sa ganoong klase ng lugar ang kotse ng lalaki. Hindi malayong mapag-interesan iyon ng masasamang loob kung iiwan lang nila sa labas.

Wala namang reklamo si Champagne dahil kumakain naman siya sa mga simpleng lugar, lalo na noong nag-aaral pa siya. Hindi lang talaga niya inasahan sa tulad ni James na may alam itong kainan na ganoon kasimple.

Dahil first time niya sa lugar, si James ang hinayaan niyang um-order para sa kanya dahil ito naman ang may alam kung ano ang best seller sa sizzling-an na iyon. Sisig ang in-order nito para sa kanila. May kasama iyong free soup at special gravy.

"Tikman mo," nakangising udyok ni James sa kanya. "Magugustuhan mo 'yan, for sure."

Tinikman ni Champagne ang sisig. Mainit iyon, pero mabilis kumagat ang lasa ng anghang at kung anong sangkap na nagustuhan niya. Tumango-tango siya. "Masarap nga."

Ngumisi si James. "'Told you."

"Paano mo nalaman ang tungkol sa lugar na 'to?" curious na tanong ni Champagne. "Medyo malayo 'to sa lugar namin, pero baka dayuhin na namin 'to ni Pen sa susunod. Kailangan niya 'tong matikman."

Tumango-tango si James. "Actually, ang mga katrabaho ko ang nakadiskubre ng lugar na 'to. Birthday n'ong isa naming kasamahan at dito siya nanlibre. Imbitado ako kaya nalaman ko ang tungkol dito."

Hindi aaminin ni Champagne, pero napapahanga siya ni James. Kung magsalita ito, parang ang simple-simpleng tao lang sa kabila ng yaman. Sigurado rin siyang "tauhan" nito ang tinutukoy nito sa kuwento, pero "katrabaho" ang piniling term na nagpapakita ng kababaang-loob.

Ha, kahit pala mayabang si James, pantay-pantay pa rin ang tingin nito sa mga tao. Lalo na roon sa mga nasa ilalim ng pamumuno nito.

"Ah, bukod sa tubig, may iba ka bang gustong inumin? Nagse-serve din kasi sila ng beer at soft drinks dito," sabi ni James, saka tinawag ang serbidora.

Um-order si James ng panibagong gravy na ang sarap ihalo sa java rice nila, at um-order din ito ng soft drinks, pero ibang brand. Nahindik si Champagne isipin pa lang na paiinumin siya ng lalaking ito ng ibang brand ng soft drinks.

"Elixir na lang, please," mabilis na sabi niya sa babae. "Isang litro ng Elixir ang o-order-in namin."

"Sure na ba kayo?" masungit na sabi ng babaeng serbidora, saka inekisan ang isinusulat sa hawak na memo pad. "Baka mamaya magpalit na naman kayo ng order. Marami pang customer na nag-aabang."

Aba, nagpanting ang tainga ni Champagne do'n, ha! Alam naman niya kung bakit ito nagsusungit. Hindi naman siya bulag para hindi mapansin na kanina pa nagpapa-cute ang babaeng ito kay James kaya siguro naiimbiyerna sa kanya. Sorry na lang ang babae dahil kung maldita ito, mas maldita siya.

"Alam mo, Miss, kung dumadaan ka sa five stages of grief, huwag mo 'kong madamay-damay. Hindi lang ikaw ang babaeng naagawan ng lalaki kaya huwag mo 'kong paandaran d'yan."

Umirap lang ang serbidora bago padabog na nag-walk out.

"Whoa. That was uncalled for," iiling-iling na sabi ni James. "Masyado ka namang mainit."

"Nakakapikon, eh," depensa naman ni Champagne sa sarili. "Nakita mo ba kung paano niya 'ko sinasagot, eh, para isang beses lang naman tayong nagpalit ng order."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora