Chapter Seventeen

1.4K 63 5
                                    

"MR. GRANDE, kapag ginulo mo pa uli ang tie mo, magagalit na 'ko," pabulong na sermon ni Champagne kay James habang inaayos niya ang tie na niluwagan nito. Hindi niya alam kung pang-ilang beses na nitong ginawa iyon. "Hindi ba't ganito naman ang parati mong suot sa opisina? Bakit hindi ka pa yata sanay?"

"I do wear ties in the office but I don't wear them as tight as you want me to," sagot ni James. "And I'm the boss. Tinatanggal ko ang tie ko kung kailan ko gusto at walang puwedeng magreklamo kung nagiging unprofessional man ako."

Pumalatak si Champagne, saka tinapik-tapik ang perfectly tied tie ni James. "Ngayon pa lang. naaawa na ako sa HR director ng kompanya n'yo dahil ang mismong boss nila, hindi marunong sumunod sa dress code."

Ngumiti nang pilyo si James. "Oh, sorry. But our HR director loves it when I undo my tie. Most women in our office find it hot, you know."

Ipinaikot niya ang mga mata. "You're a bad boss."

"You want to see me go badder for you?" pilyong tanong ni James.

Muli, ipinaikot ni Champagne ang mga mata. Napapadalas na iyon dahil sa kakulitan ng binata. "Mag-behave ka nga." Umabrisete siya sa braso nito. "Please."

Ngumiti si James at ipinatong ang kamay sa kamay niya na nasa braso nito. "Yes, Miss Morales."

Bumuntong-hininga lang si Champagne at luminga sa paligid. Sa mansiyon ng mga Montereal ginaganap ang party at kakaunti ang mga bisita—iyon lang talagang malalapit kay Kingston. May nakita siyang ilang sikat na artista kaya malamang, nag-imbita rin ng close friends nito si Gypsy.

Habang naghahanap na sila ng puwesto ni James, nakasalubong nila sina Tita Sonya at Tito Kenneth, ang mga magulang ni Kingston. Masayang-masaya ang mga ito na makita si Champagne, lalo na si Tita Sonya na niyakap pa siya nang mahigpit.

"I've missed you, hija!" sabi ni Tita Sonya nang pakawalan siya. Bumuntong-hininga ito at ngumiti. "Finally. 'Yong best friend mo, tumino na sa isang babae."

Okay. Hindi inaasahan ni Champagne ang banat na iyon. Gayunman, pilit pa rin siyang ngumiti. "Oo nga po, Tita. Hindi na kayo mag-aalala na baka hindi n'yo maabutan ang araw na maikasal si Kingston."

Ngumiti ang ginang, pagkatapos ay nilingon si James bago siya binigyan ng makahulugang tingin. "Mukhang hindi lang ang anak ko ang makikita kong malalagay na sa tahimik, ha?"

Ngumiti lang si Champagne, saka binalingan si James na katulad ng inaasahan, naka-paste pa rin ang polite smile sa mga labi. Ipinakilala niya nang maayos sa isa't isa si James at sina Tita Sonya at Tito Kenneth.

"Hijo, how are you related to Jaime Grande, the former CEO of the Supremeland Corporation?" curious na tanong ni Tito Kenneth pagkatapos ng introduction.

Ngumiti si James. "Jaime Grande is my father, Sir."

Kumislap ang mga mata ni Tito Kenneth. "Your father and I were batchmates in college. 'Yon nga lang, bihira na kaming magkita ngayon dahil sa magkaibang linya ng mga business namin. It would be nice to get in touch with him again."

"Makakarating kay Daddy ang pangungumusta ninyo, Mr. Montereal," nakangiting sagot ni James.

"You're a fine young man, James Grande," aprubadong sabi ni Tito Kenneth, saka tinapik ang balikat ni James bago binalingan si Champagne. "You've found a good man, hija. Alam mo namang parang bunsong anak na ang turing namin sa 'yo kaya masaya ako para sa 'yo."

Muntik nang tumabingi ang ngiti ni Champagne. "Thanks, Tito."

Nang may ibang bisitang dumating ay nagpaalam na ang mag-asawa. Sila naman ni James, naghanap ng pamilyar na mukha na maaari nilang saluhan.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt